𝐤𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝟐𝟎: 𝑪𝒂𝒍𝒎 𝑯𝒆𝒂𝒓𝒕𝒔

244 3 0
                                    

Calista Luna's POV

Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang kamay ko sa mga nangyare, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayare, yung ginawang iskandalo ni Greze. Kung gusto niya ng gulo sana naman hindi doon, pero isang banda napaisip ako sa mga sinabi niya, may point naman siya dahil siya na naman ang girlfriend at hindi ako. Pero bakit din kasi naniwala ako sa mga pangako ni Rustin. Akala ko kaya pa naming ayusin pero hindi pala. Sa ilang taon na yun umasa lang ako, at yun ang masakit sa lahat, akala ko pwedepa namin maayos dahil nung nagkita kami akala ko ayos na. May nangyare pa samin. At mukhang pagsisisihan ko yung nangyare. Gusto ko umiyak pero alam kong wala na kong rason para pa don.

Tumayo na ko at bumalik sa hospital dahil alam kong kailangan ko ng bumalk dahil inaantay na ko ni Rustin. Masakit man pero kailangang may gawin ako. Kailangan na ni Rustin magising para magkaalaman na. Para naman kapag pumili na siya, kung hindi naman ako ang piliin niya ayos lang din dahil para mas mabilis na akong makaalis. Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang mapaiyak, ito na naman ako umaasa sa laban na ako lang ang lumalaban.

"I don't love her. I want to go far, alam nyo naman kung sino talaga ang mahal ko diba? Sana respetuhin niyo nalang yung gusto ko." nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses  ni Rustin, gising na siya.

Papasok na sana ako ng biglang  makarinig ult ako ng paguusap. Nangunot ang noo ko sa mga narinig ko, I thought okay na kami pero hindi pa pala.

"Rustin! Nasabi ko na sakaniya na di siya aalis eh. Ano papaasahin mo na naman si Calista? Matutuwa siya kapag nalaman na nagising ka na." It was Faolan. Ang kapatid niya.

"Then magpapanggap akong comatose pa rin, ayusin mo ang yaman natin at dapat kailangan natin makuha ang yaman na meron siya. Kaya habang ginagawa ko best ko para mapaniwala siya then do your part!" Napasinghap ako pero agad kong tinakpan ang bibig ko, for the second time. Ako na naman ang dehado.

Sayang yung pagtatanggol ko sakaniya, pagtatanggol ko sa maling tao. Bakit ba lagi na lang ako ang nagaadjust sa aming dalawa?!

"Then kung hindi mo siya mahal bakit hinayaan mong may mangyare pa ulit sainyo? Rustin hindi laro itong pinapasok mo, hindi mo ba talaga minahal si Calista? Can you please tell it direct to her para naman hindi umaasa si Calista sayo. Kung hindi mo kasi sasabihin sa kaniya mas mahihirapan siya." narinig ko sabi ni Faolan.

"Fuck?! Can you please? Sumunod ka na lang sa mga sinasabi ko para matapos na tong mga problema natin? I did this for the sake of our family! Kaya pwede bang tulungan mo nalang ako?!" ito ba talaga ang gusto ni Rustin? Huwag niyang antaying gumawa ako ng paraan para sa gusto niya. Pero huwag niyang i-expect na sa mga plano niya ay mangyayare.

"Kung ayan talaga ang gusto mo sige pagbibigyan kita huwag kang magalala. Gawin mo yang gusto mo hindi kita pipigilan. Sige na aalis na ko at baka dumating na siya." Sabi ni Faolan. Kaya agad akong umalis at pumunta sa likod ng malaking pader, kung yan ang gusto mo sige pagbibigyan kita sa gusto mo pero antayin mo ang higanti ko, Rustin.

Pumunta ako sa CR at nag-ayos. Huminga ako ng malalim at inalis ang sarili pati na rin ang damit ko, tumingin ako sa salamin at bumuga ulit ng hininga, pagsisisihan mo ang ginawa mo Rustin. Pagod na ko makipag sabay sa mga trip mo, pero sa part na iyo sasabayan kita, lahat ng gusto mo. Lumabas na ko sa cr at dumiretso na sa kwarto ni Rustin, nakasalubong ko naman si Faolan at nanlaki ang mata niya.

"Calista!" Tawag sa akin ni Faolan.

"Hey, Faolan. Saan ka galing? Pinuntahan mo ba si Rustin? Kumusta siya? Bumili lang ako ng pagkain para sa pagbabantay ko sa kaniya." paliwanag ko kay Faolan bahagya naman siya ngumiti.

The Mafia's Favorite ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon