𝑬𝒑𝒊𝒍𝒐𝒈𝒖𝒆

526 3 1
                                    

MAGKASAMANG naglalakad sila Clyde and Bella habang magkahawak ang kamay papuntang dalampasigan upang itinda ang porselas na ginawa nila, bago ka kasi makarating doon ay dadaan ka muna sa maliit na kalsada patungong harap ng Cielo Hermosa Resort dahil ang bahay nila ay sa likod ng Resort. Sa paglalakad na 'yun ay gulat silang napahinto at bahagyang tumilapon dahil sa sasakyang muntik ng sumagasa sakanila.

Agad na tinayo Clyde ang kapatid nya at galit na tinignan ang lalaking bumabasa sa sasakyan at agad nya 'tong sinugod at pinagsusuntok sa hita. Agad naman sya nitong hinawakan sa kamay upang mapigil ang pagsuntok nito sa lalaki.

"Ikaw! Papatayin mo ba kami ng kambal ko!" marahas nitong hinablot ang braso nyang hawak ng lalaki at tumakbo sa kapatid nya upang tulungan tumayo dahil sa sugat nito sa gilid ng binti.

Mabilis naman na sumunod ang lalaki at tutulungan na sana si Bella pero galit na tinabig ni Clyde ang kamay na 'yun ng lalaki. Agad nyang kinuha sa bulsa ang panyo at itinali 'yun sa binti ni Bella.

Habang ginagamot ni Clyde si Bella ay napatitig naman ang lalaki sa dalawa at palitang tinitigan ang kambal. Unti-unting kumunot ang noo nya't parang inaalala ang mukha ng mga batang nasa harapan nya.

"Dadalhin natin sya sa hospital." seryosong sabi nito at binuhat si Bella.

"Bitawan mo ang kapatid ko! Hindi nya kailangan ng hospital na sinasabi mo. Uuwi na lang kami. Bitawan mo sya ano ba!" naiinis na sabi ni Clyde at hinihila ang laylayan ng checkered ng lalaki.

"Kuyangetttt.. huhu..." iyak ng batang si Bella at sinusubukang abutin ang kamay ni Clyde pero hindi nya maabot dahil hanggang bewang nga lang ng lalaki si Clyde.

"Mister! Umiiyak na ang kapatid ko ibaba mo sya." pilit na hila pa din nito sa lalaki.

Ngunit hindi ito pinakinggan ng lalaki at marahang binuksan ang pinto ng sasakyan at inuupo ang batang si Bella, sinunod naman nitong isampa sa upuan si Clyde kahit nagpupumiglas ito sa buhat nya, bago nya isara ang pinto ng sasakyan ay tinignan nya ang dalawang batang magkamukha habang magkayakap.

Sa isang banda ay napangiti sya dahil parang nakita na nya ang mga mukha ng batang yun, at nakikita nya sa mga batang yun ang babaeng minahal at minamahal pa din nya. Si Calista Luna Hermosa

"Ako nga pala si Rustin. Huwag na kayong umiyak, gagamutin lang natin ang sugat ng kapatid mo Kuyange---" napahinto sya ng mag-iba ang aura nito. Mula sa umiiyak na mukha ay naging mabangis. Kaya natawa sya.

"Hindi Kuyanget ang pangalang k---" napakamot na lamang sya sa batok dahil sa tapang ng batang lalaki na nasa harap nya.

"Eh yun tawag sayo kanina ni Beautiful Cutie Lady eh." natatawa pa ding sabi ni Rustin habang nakatingin sa batang lalaki na yakap ang batang babae.

"Clyde ang pangalan ko, sya naman s---" naputol si Clyde sa pagsasalita at napatingin sa kapatid nya.

"Ako naman po si Bella." nakangiti pagpapakilala nito na pinagtaka naman ni Clyde na bakit nakangiti na ngayon ang kapatid nya eh umiiyak lang 'to kanina.

"Nice meeting you, Bella. Hmm, so lets go? Gagamutin ko muna ang mga sugat nyo ah?" masayang tumango si Bella pero salubong pa din ang mga kilay ni Clyde na tila ayaw sumama.

"Baka magalit ang Mama namin." nakatitig na sabi ni Clyde kay Rustin na isasara na dapat ang pinto ng sasakyan kaya napahinto 'to sa pagsara.

"Ganito nalang. Bibilisan lang natin, hindi kasi pwedeng hindi natin magamot ang sugat ni Bella." kahit nag-aalangan ay tumango nalang si Clyde para bumilis sila. Ngumiti naman si Rustin at sinara na ang pinto.

The Mafia's Favorite ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon