𝐤𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝟑𝟎: 𝑫𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒚 & 𝑬𝒏𝒅𝒍𝒆𝒔𝒔

353 4 0
                                    

Calista Luna's POV

MARAHAN kong hinilot ang braso ko habang naglalakad *sigh* napagod kasi akong maglinis ng mga kwarto kanina at sa tingin ko ay lagpas 10 lang naman ang nalinis ko. Tinignan ko ang relo ko at 4:30pm na pala, nasan nanaman kaya ang mga anak ko? Maaga kasi akong nag-out ngayon dahil gusto kong makasama ang mga anak ko dahil bukas ay may pasok nanaman.

5:30pm talaga ang uwi ko, inagahan ko lang ngayon dahil baka pagalitan ako ng mga anak ko, at lagi naman talaga nila akong sinusundo pakepwang lang ng anak ko yung kapag 5pm wala pa ko susunduin nila ako. Mga 4:40 ang tapos nila sa pagbebenta ng mga porselas at kapag 4:40 na diretso sila sa resort at nakikipag kwentuhan sa mga staff dun na halos ka-close na nila at ninang/ninong pa nila. Minsan tinutulungan nila akong mag-linis sa mga rooms kaya hindi ko masyadong dama ang pagod.

At dahil nga inunahan ko sila, ako ang susundo sa kanila ngayon. Sa tingin ko nagbibilang na sila nang pinagbentahan nila. Tinanaw ko ang dalampasigan at sampung dipang lakad pa nakita ko na silang magkambal na nakaupo sa puno ng niyog habang nagbibilang nga.

Umikot ako para hindi nila ako makita, gusto kong gulatin sila na mas nauna akong lumabas at sunduin sila. Nang tatlong yakap nalang ang gagawin ko narinig ko ang pinag-uusapan nila.

"299, 300, 301, 302, 304, 305! Kuyanget naka 305 tayo." dama ko ang saya sa boses ng Bunchoy namin ng sabihin yun.

"Malaki pala ang nabenta natin, hmm sige dahil mabait ka anong gusto mong laruan? Bibili kita pero yung mura lang ah?" napangiti ako dahil Kuyang-kuya na si Clyde kay Bella. Sya ang laging bumibili ng laruan dito kahit wala na syang laruan basta ang kapatid nya meron. He's really matured pagdating sa mga bagay bagay.

"Kuyanget, alam mo kanina may nakita akong batang babae tapos may hawak syang barbie. Sa tingin ko ang mahal mahal nun." unti-unting nawala ang ngiti ko at parang piniga ang puso ko ng marinig yun sa Bunchoy namin.

Gusto ko syang bilhan ng mga laruan pero salat kami at isa o dalawang beses ko lang silang mabilhan ng laruan sa isang buwan dahil inuuna ko ang mga vitamins at pagkain nila, buti nalang nandyan ang Kuya nya at binibilhan sya ng laruan o damit kapag nakarami sila ng benta.

"Oh tapos anong nangyare? Gusto mo bang bilhan kita ng barbie tulad ng sa bata? Pero yung mumurahin lang ang mabibili ko sayo, ayos ba yun?" pinahid ko ang luha ko na hindi ko napansing tumulo na pala at naiyak na ko.

"Talaga, Kuya? Bibilhan mo ko?" nakangiting tanong ng Bunchoy ko.

"Oo naman, hmmm... Sige sa birthday mo bibilhan kita ng maraming-maraming Barbie." napahawak sa pisngi si Bella at niyakap ang Kuyanget nya, lumabas na din ako sa likod ng puno pagtapos kong punasan ang luha ko.

Agad ko silang niyakap kaya medyo nagulat pa sila pero nakarecover din agad. Mahal na mahal ko talaga mga anak ko. Sino nga bang Ina ang hindi mahal ang anak nya hindi ba?

"Mama, ang aga nyo yatang umuwi?" kunot noong tanong ng anak kong lalaki kaya natawa ako ng bahagya.

"Oo nga, Mama may umaway ba sayo dun?" pinisil ko ang pisngi ng Bunchoy ko kaya napangiti sya.

"Sempre gusto kong makasama ang mga anak ko ng matagal, tska baka sunduin nyo ko sa trabaho makita nyo pa kong kasma ang lalaking kinaiinisan nyo, hmm... Nag date pa naman kami kanin---" nahinto ako ng maramdaman ang masamang titig ng mga anak ko. Hahaha!

"Mama!" - Clyde/Bella

Natawa nalang ako dahil ang higpit talaga sakin ng mga anak ko. Hinawakan ko nalang ang kamay nila at sabay-sabay kaming naglakad papuntang bahay. Pero bago yun dumaan na muna kami karenderya para bumili ng ulam.

The Mafia's Favorite ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon