Ikawalong Kabanata

0 0 0
                                    


Hindi ko alam kung bakit sa panahon ngayon ng modernong teknolohiya ay kailangan matapatan ang criteria ng mga tao para lang tanggapin nila at maiwasan ang panghuhusga.

Madaming tanong sa utak ko na hanggang ngayon ay hindi ko masagot-sagot. Kaya nga kinuha ko ang kursong ito para maintindihan ang mga rason ng mga tao sa paligid ko.

May isang estrangherong tao ang lumapit sa akin isang beses. Noong una ay nagdadalawang-isip pa ko kung kakausapin ko ba siya o iiwasan. Ngunit mayroon sa loob ko na magaan ang pakiramdam sa kaniya. Na para bang may kung ano ang nagsasabi sa akin na kausapin siya kahit na hindi ko naman siya kilala.

"Pakiramdam ko ay isa ka sa mga taong hindi alam ang kung anong gusto sa buhay," panimula nito matapos niyang magtanong sa akin kung maaari niya ba daw akong makakwentuhan.

"Paano niyo naman po yan nasabi?" Tanong ko sa kaniya habang tinitingnan ang mga sasakyang dumadaan sa harap namin.
Nagkibit-balikat lang ito at inayos ang suot niyang lumang sumbrero na gawa pa ata banig.

"Sa mundong ito ay maraming mga tao na matatayog ang pangarap ngunit pakiramdam ko ay hindi ka nabibilang sa mga iyon," sabi nito sabay tingin sa akin. "Nakikita ko sa kilos mo pa lang na ang tanging gusto mo lang ay magkaroon ng simple at tahimik na buhay. Iwas sa magulong mundo. Ngunit parang iba ata ang gusto ng tadhana para sayo," makahulugang dugtong nito.

Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi niya habang nakatanaw sa malayo at inaabsorb ang lahat ng sinasabi niya.

"Hindi ako isang manghuhula o kung ano pa man ang nasa isip mo, hija," natatawa nitong isinatinig ang nasa isip ko. "Isa akong Psychologist noon."

Dahil doon sa sinabi niya ay napabaling ako sa kaniya at tiningnan siya ng hindi makapaniwala.

"Hindi ka ba naniniwala? Sabagay, sino ba naman kasi ang maniniwala sa kagaya ko?" Malungkot itong ngumiti habang siya na ngayon ang nakatingin sa malayo.

"Hindi naman po sa jinajudge kita, nagulat lang po ako sa sinabi niyong Psychologist kayo," paliwanag ko sa mahinahong boses. "Ano pong nangyari sa inyo? I mean, diba po dapat ay tumutulong kayo sa mga taong may sakit sa pag-iisip?"

Tiningnan lang ako nito ng may malungkot na ngiti. Nakikita ko sa mata niya ang kalungkutan na hindi niya kayang isatinig.

"Noong una ay ang pag-aakala ko sasapat na ang makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng lisenya sa kursong pinakaaasam ko ngunit hindi pala. Akala ko ay ang makatulong sa kapwa para maging stable ang pag-iisip nila ay isa nang malaking achievement na sa buhay ko. Pero hindi pala... sa isang pagkakamali matatapos ang career na pinaghirapan ko," binalik nito ang tingin sa malayo na para bang nakikita niya doon ang kaniyang nakaraan. "Hindi madali ang buhay. Marami kang taong makakasalamuha na aabot sa puntong mapapatanong ka sa sarili mo kung nasa tamang daan ka pa ba. Maraming tao ang tatalikuran ka at huhusgahan dahil hindi ka nila maabot at maiingit sila dahil masyadong puro ang intensyon mo. Kaya sana kahit maraming tao ang gusto kang hilahin pababa ay matuto kang gumawa ng paraan para manatiling nasa taas ng iyong inaasam at hindi nila makuha ang tanging dahilan ng paglaban mo," dugtong nito. "Masyadong misteryoso ang buhay na kahit ako na ilang taon nang nabubuhay dito sa mundo ay hindi pa rin alam kung ano ang maaari kong kahinatnan."

Pinoproseso ko pa ang lahat ng sinabi niya sa utak ko nang bigla siyang tumayo at kinuha ang tungkod niya na nakasandal lang sa gilid ng kinauupuan niya. Inayos nito muli ang suot na sumbrero at ang kaniyang kupas nang manipis na sweater na kulay green at pinagpagan ang kaniyang luma na ring maong na shorts na puro na tastas. Dumiretso na agad ito sa kaniyang kariton na puno ng kalakal at inayos ang mga ito sa mabagal na paraan.

Bago siya umalis ay lumapit ako sa kaniya.

"Hindi ko po alam kung ano ang gusto niyong iparating sa akin base sa kwento at advice niyo. Pero gusto ko lang pong sabihin sa inyo na na na-appreciate ko po lahat ng sinabi niyo. Tatandaan ko po yun lahat at pasasalamatan kayo," sabi ko sa kaniya habang may malawak na ngiti.

My Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon