Ikalabing-limang Kabanata

0 0 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

"Have you eaten your snack?" Tanong ni Kuya Pat nang maabutan ako sa music room na ginagamit yung piano ni Kuya E.

"Snack time na ba?" Takang tanong ko sa kanya nang tingnan ko siya pagkatapos kong isulat yung line na naisip kong kanta.

"Yes! I reminded you earlier that I made you one. You forgotten?" Galit niyang tanong.

"I guess?" Patanong ko ding sagot.

Umiling lang ito at lumabas ng music room. Hindi nagtagal ay bumalik ito at may bitbit ng pagkain sa isang tray.

"Eat," utos niya.

Tinarayan ko na lang siya at tinigil ang ginagawa. Lumipat ako sa lamesita na nasa gilid at doon kinain ang hinanda niyang miyenda. Habang siya ay kinuha ang paper na sinusulatan ko ng kantang ginagawa.

"Is it done?" Tanong niya habang binabasa.
"Hindi pa kaya," sagot ko pagkatapos uminom ng juice.

"Need help?" Tumingin siya agad sakin.

Iling lang ang naisagot ko at pinagpatuloy ang kinakain.

"Nag-start na ba ang audition sa sasalihan niyong contest?" tanong ko nang maalala.

"Not yet. Maybe after yours," sagot niya habang lumalapit sa puwesto ko.

"Nasaan pala yung iba?"

"Gumala," sagot nito pagkaupo at kinalikot na ang cellphone.

Hinayaan ko na lang siya at tinapos ang kinakain bago bumalik sa ginagawa.

"Alam mo, mas maganda kapag ako yung tumutugtog niyan," rinig kong sabi ni Kuya Kcyle nang pumasok siya sa kwarto namin.

Tinanggal ko muna ang isang earphone sa kaliwa kong tenga para marinig ko yung iba pa niyang sasabihin.

"'Wag na baka sirain mo pa yung gawa ko, eh," sagot ko.

Pareho na kaming nakapang-tulog ngayon. Nakapares ako ng blue button blouse and pajama samantalang naka-pajama lang siya at puting sando.

"Excuse me? Tinutugtog ko nga iba mong gawa," reklamo nito.

"Hindi ko pa tapos. Saka ko na ipaparinig sa inyo kapag naayos ko na yung melody."

"Pwede bang kayo yung pipili ng singer na kakanta ng gawa niyo?" Tanong niya.

Binaba ko muna yung gitarang hawak ko at tinanggal na ng tuluyan yung earphone na suot sa kabilang tenga.

"Sabi nila hindi. Kaya dapat bukas finalize ko na yung kanta. Para kapag tumawag sila at sabihing ipapakilala na nila yung singer samin, pag-uusapan na lang namin ng singer yung technic na gagawin niya," explain ko.

"Hmm," tango nito. "Para palang surprise kung sino yung singer na mapupunta sa inyo," dagdag niya.

Tinanguan ko na lang siya.
"Mahirap ba?" bigla niyang tanong.

"Ang?"

"Mahirap bang harapin yung isa sa pinakaayaw mo?"

"Oo," walang alinlangan kong sagot. "Pero habang pinapanood ko yung mga previous performance natin habang nasa likod ako ng stage, nagbigay yun sakin ng lakas na ipagpatuloy. Kasi desisyon ko na naman to, eh. Ginusto ko," paliwanag ko.

Ngiti lang ang binigay niya sakin bago ginulo ang buhok kong nakalugay na. Inis kong kinuha ang kamay nito at inayos ang buhok.

"Have you ever been inlove?" tanong ko sa singer na napili nilang ibigay sakin gamit ang lenggwahe nila.

My Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon