Ika-dalawampu't Isang Kabanata

0 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

"They are already waiting," si Ashley ang sumalubong sa amin nang makarating kami sa opisina ng agency.

Dali-dali naman akong lumabas sa sasakyan at hindi na sila hinintay pa lalo na at alam kong ako na lang ang wala sa meeting ngayon. Mabuti na lang at nakaabot kami sa elevetor na magsasara na dapat. Si Ashley ang pumindot ng floor nang kami ang nauna sa pila sa loob ng elevator. Hindi ko na pinansin ang nasa paligid ko dahil busy na ko sa pagreply kina Kuya Pat kung nasaan na ako.

Mas lalo lang nila ko minamadali sa mga message nila eh. They can start the meeting naman ng wala ako.

When the elevator opened ay dali-dali akong lumabas at hindi na ininda ang sakit ng paa kahit na naka-heels ako basta makarating lang agad kung saan nagmi-meeting.

Nang nasa harapan na ko ng opisina ay pinakalma ko muna yung hininga ko dahil sa hingal pati ang buhok kong nakalugay ay sinuklay ko ng kamay ko. Pagka-recover ay saka ko lang binuksan ang pinto at nadatnan silang mga pormal na nakaupo.

Inilibot ko ang paningin sa mga taong nandoon at nagulat ako ng makita ko ang CEO ng agency namin na located sa main branch sa Pilipinas. Sa kaniya agad ako lumapit at nagmano bago ko tiningnan ang katabi niya. Pinigilan ko ang tuwa ko ng makita kung sino ito at tinapik na lang muna ito sa kaniyang kaliwang balikat bago ako pumwesto sa tabi ni Kuya Kcarl.

"Since we are all now here," simula ng branch manager sa meeting na gaganapin gamit ang kanilang lenggwahe. "Let's introduce ourselves first for formality," dagdag nito.

"Good afternoon everyone," bati ng aming CEO pagkatapos nitong tumayo at yumuko tanda ng kanyang pagbati.

Lahat kami ay gumaya sa kanya at yumuko rin bukod sa isang lalaking nasa kabilang dulo ng upuan na nanatiling nakaupo at pinapanood lamang kami.

"I am not that good using your language so bare with me, please," paalala nito sa amin pagkaupo niya. "But my artists were here to translate it to me. So no worries," humalakhak pa ito na tanging maririnig lang sa loob ng meeting room.

May libreng translator pa nga.

"So, we gather all here because we want to tell you first the big announcement we'll release soon," inform ng branch manager na si Mr. Lee. "One of the known solo agency here in our country, the Pledis Entertainment, want to have a partnership with your agency, the Likhang Musika," dagdag nito habang siya ay nasa harapan.

Nagulat kaming anim sa sinabi nito at tumingin pa talaga sa CEO namin at sa katabi nito para makumpirma kung totoo nga ba ito o hindi. Pero nang makita namin na seryosong nakatangin lamang ang CEO sa branch manager at nakikinig ay sa katabi na lang nito kami tumingin. Naramdaman siguro nito ang tingin naming anim kaya ito napalingon sa amin at binigyan kami ng nagtatakang tingin.

"What?" Pabulong nitong tanong.

Hindi muna namin ito sinagot at binalik na ang tingin namin sa harap para malaman kung ano ang plano nila.

"Since we are both an agency and the Pledis Entertainment was coordinated with the Hybe company, the both CEO agreed to create a good collaboration for the potential idols that we, the Likhang Musika, wanted," panimula ni Mr. Lee sa plano. "Since the Pledis Entertainment was known at handling the boy group named Seventeen, they also want to help the arising agency that they know can handle well the potential idols that may see. The said agency wants to invest to our agency, Likhang Musika."

Kahit na hindi pa masyadong pumapasok sa isip ko kung ano ang inaannounce ay isa lang ang alam ko. The two agency will have a collaboration para lang mahanap yung mga taong mas makakapagyaman sa kanila.

My Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon