Ikalabing-siyam na Kabanata

0 0 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

"Napapansin kong napapadalas niyong kasama yung ibang members ng Seventeen this past few days," sabi ko sa kanila habang nasa music room kami at nagpa-practice.

"Nagsiselos ka ba?" Tanong ni Kuya Kcarl sa akin habang inaayos ang electric guitar niya sa gilid.

I rolled my eyes on him and didn't answer.

"Naging ka-close namin yung iba simula no'ng sumali ka sa contest tapos nakakasalamuha namin sila. Then, the contest we are joining right now is kasali din pala yung ibang members nila," Kuya Kcyle explained.

I just nodded and check the mic stand.

"Malapit nang matapos ang contest na sinasalihan mo di ba?" tanong ni Kuya Quest habang nakapwesto sa drums niya.

"Yeah," sagot ko. "Tatlong episode na lang ata," dagdag ko.

"Pano kapag nanalo ka?" Tanong bigla ni Kuya E na nasa piano niya nakatutok ang mata.

I just shrugged my shoulders as answer.

"I don't know yet. Saka, di naman tayo sure kung ako nga ba naman talaga ang mananalo. Masyadong magagaling lahat tapos ang lalakas pa mag-vote ng fandom nila online," I exolained.

"Same as our fans, Clause," Kuya Pat interfered.

I nodded my head as I agree on him.

"Good thing nagsalita ka agad bago pa lumala yung issue tungkol sa inyong tatlo nila Trixie at Aljah," sabi ni Kuya Kcarl.

"Ayokong madamay sa problema nila," tanging sagot ko lang.

"By that, hindi na masyadong nag-overthink yung mga fans lalo na wala naman talaga kayong kahit anong picture together nang kayong dalawa lang," sabi ni Kuya Kcyle.

"Di ko naman siya type," dahilan ko.

"Di mo nga type, ikaw naman ang type," sagot ni Kuya Quest sa rason ko.

Tiningnan ko na lamang siya ng masama at hindi na pinansin. Nang sinabi na ni Kuya Pat na magsimula ng practice ay ginawa na namin.

"So how was your audition?" Tanong ko nang nagpapahinga kami pagkatapos ng practice.

"Sasayaw kaming lima," si Kuya Kcyle ang sumagot.

Muntikan ko nang maibuga ang iniinom kong juice nang marinig ang sagot nito. Tiningnan ko sila isa-isa at nakita kong mga seryoso naman ang mga mukha nila.

"Seryoso kayo?" Hindi pa ring makapaniwalang tanong ko.

"Mukha ba kaming nagbibiro, Clause?" Balik na tanong ni Kuya Kcarl habang kumukuha ng tinapay sa plato na nakapatong sa lamesa.

"Banda pinasok niyo, hindi pagiging idol," rason ko para maliwanagan naman sila kahit papano.

"Eh nasa bansa tayo na puro idol," si Kuya Quest na busy sa paglalaro ng video games sa cellphone niya.

"You guys can back-out naman. I know you are not comfortable to that kind of contest," paliwanag ko habang nilalagay ang baso sa katapat naming lamesa. "Isipin ko pa lang na sumasayaw si Kuya E natatawa na ko, eh," dagdag ko.

Tiningnan lamang ako ni Kuya E nang seryoso at walang sinabi habang umiinom ng juice sa kanyang baso.

Ilang minuto ang nakalipas nang lahat kami ay tumahimik. Naka-receive ako ng notification sa twitter na nagsasabing may bagong post ang tv network na sinasalihan kong contest.

"How could you?!" Sigaw ko na may kasabay pang tayo.

Lahat sila ay nagulat at biglang napatingin sa akin na nakatayo at may gulat na ekspresyon.

My Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon