Ika-siyam na Kabanata

0 0 0
                                    

"Clause," rinig kong tawag sa akin ng landlady ko nang lumabas ako ng apartment.

"Hello po. Magandang umaga," bati ko sa kaniya ng may malawak na ngiti.

"Nako sa ngiti mo pa lang ay maganda na talaga ang umaga," sabi nito habang lumalapif sa akin. "Ito nga pala. Pasalubong ko sayo," sabay abot nito ng isang tupperware na puno ng cookies. "Gawa yan ng ate ko kaya dinalhan kita."

"Hindi na po sana kayo nag-abala pa, Ate. May pagkain naman po ako sa loob," nagkakamot-batok kong sagot sa kaniya.

"Ano ka ba? Kunin mo na. Masamang tumangi sa grasya," pilit nitong inabot sa akin ang tupperware.

Dahil sa hiya ay kinuha ko na lang at dinala na ito sa loob ng apartment ko. Bilang kapalit ay binigyan ko rin sila ng pamilya niya ng almusal na ginawa ko saka nagpasalamat sa kaniya.

Maluwag ang araw ko ngayon. Wala akong babasahing libro dahil katatapos lang ng practical namin kahapon at wala akong pasok mamayang gabi dahil linggo. Kaya sa tingin ko ay tatambay lang ako buong araw sa apartment at manonood ng movies.

"Clause, busy ka ba ngayon?"  Text sa akin ni Kcyle.

"Hindi naman. Bakit?"  Reply ko sa kaniya.

"Punta ko d'yan sa apartment mo," huling mensahe nito.

Wow! Ginawa na nilang tambayan yung apartment ko.

Dahil nasa labas na ay bumili na lang ako ng ulam na lulutuin sa malapit na talipapa sa amin para may ipakain naman ako kay Kcyle pagdating niya. Bumili na rin ako ng mga rekados na wala sa talipapa sa katabing tindahan ng apartment.

"Ikaw ba yung nakarenta sa apartment ni Mila?" Tanong sa akin ng matandang nagtitinda.

"Opo," sagot ko sa kaniya habang hinihintay ang mga binibili.

"Nako! Sayo ba yung bisita kagabi na mga lalaki?"

"Opo."

"Bakit puro lalaki? Tomboy ka ba?" Walang alinlangan niyang tanong.

"Ay, hindi po, ate," mabilis kong sagot sa kaniya.

"Ay ganun ba? Oh siya eto, oh. 20 pesos lahat," sabay abot nito ng isang plastic na naglalaman ng pinamili.

Kaya ayoko minsan bumili sa kanila, eh.

"Ang ga-gwapo nga ng mga bisita mo kagabi, eh. Baka pwede mong ireto ang anak ko sa kanila," habol pa nito habang sinusuklian ako

Isang pilit na ngiti na lang ang ibinigay ko sa kaniya saka na tuluyang umalis at umakyat sa apartment ko.

"Andito na ko sa baba, Clause,"  text ulit sa akin ni Kcyle.

"Akyat ka lang. Nakapagpaalam naman na ko sa landlady ko na dadating ka," reply ko sa kaniya.

Hindi nga nagtagal ay may kumatok na sa pintuan kong nakabukas naman.

"Clause," pasigaw na tawag ni Kcyle na para bang wala ako sa loob.

"Pasok na Kcyle," sabi ko sa kaniya.

"Kuya Kcyle," pagtatama na naman nito sa akin. "Wow! May niluluto ka," mesmerised niyang sabi.

"Nakakahiya naman na wala akong mapapakain sayo."

"Mabuti naman at may hiya ka pa," malawak nitong sagot saka dumiretso sa sofa ko at prenteng umupo.

"Samahan mo ko mamaya, Clause," anyaya niya habang hinihintay na bumukas ang t.v ko.

"Saan?" Tanong ko sa kaniya habang hinahalo ang ulam na kumukulo na.

"Sa foundation facility," ngayon ay nililipat na niya ang channel ng t.v. "Wala ka namang gagawin today, diba?"

My Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon