Ikaapat na Kabanata

0 0 0
                                    

"Naka-ready na ba lahat ng kailangan mong dalhin?" Si Kuya Pat na nasa pintuan ng kwarto ko habang nakasandal sa hamba.

Tinanguan ko lang siya habang tinutupi ng maayos ang mga damit na ilalagay ko sa loob ng maleta.

"Make sure na makakapagpahinga ka dun. After a few months aalis na naman tayo," paalala nito.

"I know, Kuya."

Tumayo na ito ng maayos saka dumiretso sa loob ng kwarto ko para tulungan akong magtupi ng mga damit ko... na hindi niya naman maayos na natutupi.

Nakakailang tupi na siya ng damit ko at ilang beses ko na ring sinusunod ang damit at tinutupi ng mas maayos.

"Ako na lang, Kuya. Parang hindi ka nakakatulong, eh," sarkasmo kong saway sa kaniya at hinablot ang damit na hawak niya.

Hindi na ito nagreklamo at hinayaan na lang ako sa ginagawa ko kaya humilata na lang ito sa kama ko. Mabuti na lang at kakaunti na lang kakailanganin kong tupiin ng dumating siya.

"I hope this vacation of yours will help you heal," bigla nitong sabi pagkaraan ng ilang minutong katahimikan ang namagitan sa amin.

"Huh?" Nagmamaang-maangan kong tanong sa kaniya habang zinizipper na ang maleta ko.

"Kahit hindi mo naman sabihin samin ulit, alam naming nasasaktan ka."

Nang tingnan ko siya sa kama ko ay nakatingin lang siya sa ceiling ng kwarto ko habang ang kanang braso ay ginawa niyang unan ng ulo niya.

"Pinili mo na naman kami," may malungkot itong ngiti sa kaniyang labi nang tumingin siya sa akin. "Sinakripisyo mo na naman ang kaligayahan mo para sa kapakanan ng banda natin, Clause," dugtong pa nito.

***

"Mag-iingat ka."

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni Amie nang ihatid nila ko sa airport.

Isang banayad na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya nang bumitaw na siya sa yakap.

"Ikaw din. Take this opportunity to spend time with your family. Pagbalik natin dito sa siyudad, ibang mundo na naman yung papasukan natin."

Tumango lang ito sa akin.

Madaling-araw ang pinili naming flight pauwi sa probinsya namin dahil kakaunti ang mga tao at para na rin hindi makakuha ng atensyon.

"Sino pala susundo sayo pagdating mo dun sa inyo?" Tanong ko sa kaniya habang hinihintay namin ang flight namin.

"Wala. Susurpresahin ko sana sila, eh. Ikaw?"

"Sila Mama. Kailangan kong magpasundo para hindi makakuha masyado ng atensyon."

Tumango lang ito at inaayos ang kaniyang jacket. Samantalang ako ay kanina pa binababa ang suot na cap dahil may ibang mga pasahero ang namumukhaan ako at kumukuha ng litrato.

"Bakit hindi ka na lang kumuha ng private ticket? Kung iniisip mo ko ay okay lang naman sakin kahit ako lang. Kaya ko naman sarili ko."

"Gusto ko lang maging ordinaryong tao ulit," mahinang sagot ko sa kaniya. "Hindi rin naman magtatagal at tatawagin na yung flight namin. Mauuna kong makasakay sayo kaya walang problema sa akin yun kasi hindi naman makakakuha masyado ng atensyon."

Tumango lang ito at inabala na lang ang sarili niya sa kaniyang cellphone habang ako ay nilabas ko ang aking libro at nagsuot na lang ng earpods para makapag-fpcus sa binabasa.

"Mabuti naman at naging maayos ang byahe mo, anak," salubong sa akin ni Mama nang makita niya kong palabas na ng airport tulak-tulak ang mga bagahe ko.

"Isang oras lang naman yung byahe ko papunta dito, Mama," natatawa kong sagot sa kaniya. "Ikaw lang?" Tanong ko sa kaniya nang mapansing mag-isa lang siya.

My Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon