Ika-dalawampung Kabanata

0 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY

"Ready na kayo?" Tanong ni Kuya Josh sa video call.

"Yeah," sabay naming sagot ni Kuya Kcarl habang nakaharap sa computer at nagsusuot ng headset.

"The livestream will start in three minutes sabi ng staff namin," Kuya Josh reminded after reading the text on his phone.

"Hati ba tayong tatlo sa kita mo dito, Kuya?" Biro ko sa kanya habang nagsi-set up ng system.

"Regalo na lang pwede?" Biro rin nitong sagot sa akin.

"Ang laki ng kita mo sa investment tapos regalo lang?" Sabat ni Kuya Kcarl.

"Mas mayaman ka sakin, Kcarl," sagot ni Kuya Josh habang nagta-type sa keyboard niya.

"Magbibilangan ba tayo ng pera ngayon?" Balik na sagot ni Kuya Kcarl sa kanya.

"Manahimik na lang kayong dalawa. Malapit nang matapos yung three minutes nagpapabayangan pa kayo," awat ko sa kanila at sumandal sa swivel chair ni Kuya Kcyle habang nakahalukipkip.

Nang matapos na ang oras ay nagsimula nang i-record ng mga staff ang gagawin naming laro.

Since hindj nga ako mahilig sa online o video games ay palagi na lang akong natatalo ng dalawa at pinagtatawanan lalo na kapag nagugulat ako kapag lumalabas ang multo ng nilalaro naming horror game.

"Bakit ba kasi ito yung pinili niyo?" Inis kong tanong sa kanila habang naka-focus ang mata sa monitor dahil tumatakbo ang character na gamit ko. "Hoy! Nasan na kayo?" Inis kong tanong sa kanila nang iwanan nila ako sa lugar na mas nakakatakot pa kesa kanina nung mag-umpisa.

"Si Josh nasa Pinas, ako katabi mo, Clause," sagot ni Kuya Kcarl sa akin.

Binatukan ko nga nang binatawan ko ang keyboard.

Seryoso na kaming bumalik sa paglalarong tatlo nang magulat ako na may humawak bigla sa dalawang balikat ko. Napasigaw muna ko ng malakas habang nakatingin pa rin sa monitor bago ko tignan kung sino ang walang hiyang nanggulat sa akin. Nang makitang si Kuya Kcyle 'yon ay siniko ko na lang ito para makaganti kahit papano.

"Kapag ako nanalo dito anong makukuha ko?" Bigla kong tanong sa kanila nang ma-realize na may isa pa lang mananalo sa game na pinili nila.

"Isang VIP ticket para sa world tour namin," si Kuya Josh ang sumagot habang seryosong nakatingin sa monitor niya.

"Siyempre Kuya Josh iba yun," sagot ko sa kanya.

"Hoy, ang mahal kaya ng VIP ticket," reklamo nito sa kondisyon ko.

"Mas mahal talent fee mo," panlalaglag ko sa kanya.

Tinawanan lamang ako nito bago tignan ang camera niya kung saan nakikita niya kami ng Kuya Kcarl.

"Ako na lang maglalaro para sayo, Clause," offer ni Kuya Kcyle habang nakahiga sa kama niya at nagsi-cellphone ng nakatagilid.

"Ayoko. May trust issue ko sayo," biro kong sagot sa kanya.

"Clause, di ba may sinasalihan kang contest?" Tanong ni Kuya Josh pagkatapos ng laro namin.

Tie sila ni Kuya Kcarl kaya ang result is talo ako sa kanilang dalawa.

"Yeah, why?" Balik kong tanong sa kaniya habang tinatakpan ang hydroflask na ininuman ko.

"Buti may oras ka pa para makipaglaro sa amin?" Seryoso itong nakatingin sa camera ng gamit niyang computer nang tanungin yan.

"Kasi nga makikihati ako sayo ng kikitain mo for today's video," birong kong sagot sa kanya.

"Akala ko ba willing kang sabay-sabay tayong aangat, ba't ka ganyan?" Natatawa nitong tanong.

My Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon