Ika-sampung Kabanata

0 0 0
                                    

"Hindi ko alam bakit tayo pinagtitinginan ng mga tao ngayon," bulong ko kay Amie habang naglalakad kami papunta sa classroom namin.

Kanina ko pa kasi napapansin na sinusundan kami ng tingin ng mga kapwa namin estudyante habang naglalakad. Pinakita lang nito sa akin ang kaniyang cellphone. Nakita ko ang picture na pinost kagabi ni Kcyle. Wala naman iyong caption at puro lang talaga pictures.

"Ano ngayon yan?" Nakakunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Akala nila jowa ka ni Kcyle," pinabasa pa nito sa akin ang mga nasa comment section.

"Ano?!" Nanlalaki ang mata kong tanong sa kaniya. "Wala namang nakalagay sa caption niya na jowa niya ko, ah?"

Kibit-balikat lang sagot sa akin nito saka ako iniwan ng nasa tapat na ko ng classroom namin.

Napapabuntong-hininga akong pumasok sa loob.
"Jowa ba talaga siya?" Rinig kong bulong ng isang kaklase ko. "Baka siya na yung lead vocalist ng banda nila," dugtong pa nito.

"Wala pa namang sinasabi si Pat na may bago silang miyembro, eh," sagot naman ng isa.

"Baka nga jowa siya," sagot naman ng nauna.

Napatingin pa ang mga ito sa akin nang makarating ako sa upuan ko. Nginitian ko na lang sila ng pilit at naglabas ng libro para basahin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh.

"Nakita mo na ba yung post ng school page?" Tanong sa akin ni Amie habang nakapila kami sa canteen para sa tanghalian namin.

"Oo," maikling sagot ko lang sa kaniya.

"Mukhang magiging busy ako nitong susunod na linggo kaya hindi kita masasamahan madalas, ah," paalala niya sa akin.

"Naiintindihan ko naman. Wag ka mag-alala," natatawa kong sagot sa kaniya habang umaabante sa pila.
"Clause," rinig kong sigaw ni Kcyle ng pangalan ko at dali-dali itong lumapit sa akin at inakbayan ako.

Mabilis ko namang tinanggal ang kamay niya sa balikat ko at tiningnan ang paligid. Nakita kong mga nakatingin ang halos karamihan sa amin.

"Ano yun?" Bulong ko sa kaniya. "Okay ka na ba?" Dugtong ko pang tanong sa kaniya. "Parang kahapon lang ang tamlay mo, ah?"

"Anong matamlay? Hindi kaya," deny pa nito.

Nakita nito si Amie sa likod ko kaya kinindatan niya ito. Maya-maya pa ay sumunod sa kaniya sila Kuya Pat at lumapit na rin dito sa amin.

"Hindi pwedeng sumingit, ha?" Mataray na sita sa kanila ni Amie.

"Hindi naman kami sisingit," sagot agad sa kaniya ni Kcyle.

"Hinihintay lang namin si Clause," sabat naman ni Kuya Pat.

Kaya nang makakuha na ko ng makakain ko ay mabilis na kong umalis sa loob ng canteen at dumiretso sa puno ng acacia para doon kumain. Nakasunod naman sa akin si Amie.

"May practice tayo, Clause," panimula ni Kcarl habang nagbubukas sila ng baon nila.

"Hindi pwedeng hindi ka sasali kasi may grades yun," sabat ni Kcyle.

"School-related na yun kaya bawal ang tumanggi," si Kcarl.

Hindi na lang ako sumagot sa kanila at nagsimula nang kumain. Katabi ko si Amie ngayon, sa kabila naman niya ay si Kcarl. Kaharap namin sila Kuya Pat, Kuya Quest, Kuya E, at Kcyle.

"Anong club yung sinalihan mo, Miss?" Tanong ni Kcyle kay Amie.

"Art club," maikling sagot ni Amie sa kaniya.

"Wow! Ibig sabihin magaling ka mag-drawing?" Manghang tanong sa kaniya ni Kcyle na para bang siya ay hindi marunong. "Ano ba course mo?"

"Architecture," maikli pa rin nitong sagot.

My Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon