IKADALWAMPU'T TATLONG KABANATA

0 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

"Clause, someone's waiting for you downstairs," sabi ni Ashley sa akin nang pumunta siya sa kwarto namin para maghanap ng papeles.

Hindi ko na lang tinanong kung sino yun at dumiretso na pababa kahit na wala ako sa mood para tumanggap ng bisita.

Masaya silang nagtatawanan sa sala nang makababa ako. May isang lalaking nakatalikod sa gawi ko habang nagdadaldal.

"Kadarating mo lang, Jil ang ingay mo na agad," masungit kong bati sa kanya habang naglalakad papunta sa pwesto nila.

"Ikaw kasi kahit hindi mag-ingay umiingay ang pangalan," ganti nitong sagot sa akin habang pinapanood akong pumunta sa pwesto nila.

"Ako lang to," mayabang kong sagot pabalik sa kanya.

Minura lang ako nito kaya natawa na lang ako.

"Bakit ka ba nandito at nanggugulo?" Masungit kong tanong sa kanya.

Magkatabi kaming dalawa. Siya ay naka-de-quatro habang ang mga braso ay nasa sandalan. Ako naman ay nakahalukipkip at nag-crossed legs.

"Ano ka ba! Hindi ka pa ba sanay? Magulo na lagi buhay mo simula nang pinasok mo ang trabahong to," pang-asar nito sa akin.

"Nagsimula lang naman gumulo buhay ko nang makilala kita," masungit kong sagot pabalik sa kanya.

Minura ulit ako nito dahil naasar na siya.

Doon na lang tuloy niya ulit tinuon ang atensyon niya sa mga kabanda kong kanina pa nanonood sa asaran namin.

Dahil nga hindi ako maka-relate sa pinagkukwentuhan nila ay binuksan ko na lang ang cellphone ko para malibang.

Hindi nagtagal ang pag-i-scroll ko sa instagram ay may nag-pop up na notification sa cellphone ko indicating na may nag-message request sa akin.

Nang tingnan ko ito ay may username na moon_junhui.
How are you?

Ito ang laman ng message niya.

Dapat ko ba siyang i-accept or hindi na? Baka kasi makita ng mga fans nila na may communication kami at dumagdag pa yung mga bashers ko. Pero hindi naman maiiwasan yun since siya naman yung singer ko for next round of the composition. So baka kaya siya nag-message is para tanungin yung about sa contest. But I already told him that I'll just contact their manager. But it still different if kami ang nagko-communicate para maintindihan namin yung point ng isa't isa.

Pipindutin ko na sana ang accept button ng may maisip.

Pero kasi yoko ngang madagdagan yung bashers ko.

Kaya doon ko tinuro ang thumb finger ko sa decline button.

Pero kasi kailangan din namin ng proper communication para sa contest.

This time sa accept button ko naman tinapat ang thumb finger ko.

"Anong ginagawa mo?"

Nagulat ako kay Jil nang bigla itong lumapit sa akin at tingnan ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong tinago para hindi niya makita.

"Ba't kalalaki mong tao ang chismoso mo?" Masungit ko sa kanyang tanong habang nakayakap sa aking cellphone.

"Feeling ko may tinatago na satin si Clause," anunsyo nito sa mga katapat namin.

"Ano?" Sabay-sabay nitong mga sabi habang may galit na expression.

"Wala! Nagpapaniwala kayo sa lalaking yan," depensa ko sa sarili ko.

"Oh ba't ayaw mong ipakita yung cellphone mo sakin?" Tanong nito habang inaabot ang cellphone ko.

"Eh bakit cellphone mo ba to?" Tanong ko pabalik sa kanya habang sini-secure ito. "Saka know someone's privacy, Jil," dagdag ko.

My Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon