UMPISA

8 0 0
                                    

"Are you aware na yung mga ginagawa mo ay pwedeng makasira sa career mo?" malakas nitong sigaw sa akin para ipadama ang galit na nararamdaman niya. "Hindi lang yung sayo, pati sa mga kabanda mo," dugtong pa nito.

Nakikinig lamang ako at hinahayaan siyang ilabas ang galit niya sa akin.

"My god, Clause?!" sinabunutan pa nito ang sariling buhok. "Ano bang nangyayari sa 'yo at hindi mo man lang nagawang pigilan?" Tinalikuran ako nito at hinarap ang dingding. "Minsan ka na nga lang gumawa ng problema, yung napakalaki pa yung ginagawa mo."

Hinayaan ko munang mamayani ang katahimikan sa amin. Kahit nakayuko ako ay nakikita ko sa peripheral vision ko na palakad-lakad ito sa likod ng sofa at hinihilot ang noo niya.

"Mali ba?" panimula ko sa mahinahong boses. "Mali ba na magmahal?" tiningnan ko siya. "Hindi ba pwedeng piliin namin ang bagay na makakapagpasaya sa amin?"

Nakita kong bigla itong napatigil sa kalalakad niya at tinitigan ako.

"Ilang taon na naming pinipili ang kasiyahan ng ibang tao. Ilang taon na kaming nakakulong sa gusto ng iba at sinusunod sila. Ilang beses na naming pinipigilan ang nararamdaman namin para lang protektahan ang imahe na meron kami. Ano bang tingin niyo sa amin?" hinto ko para pigilan ang boses na pumiyok. "Alam ko na ginagawa niyo lang ang trabaho niyo. Naiintindihan namin yun. Pero hindi niyo rin ba nakikita na tao rin kami? Kaparehas niyo, may feelings din naman kaming iniintindi. Kaparehas niyo, gusto lang din naman naming sundin ang gusto namin para kahit papano, maramdaman naman naming normal na tao rin kami," umubo ako para ayusin ang boses para sa mga susunod na sasabihin. "Hindi naman ibig sabihin na dahil lang sa trabaho namin, hindi na kami pwede maging normal."

Alam kong nakikinig si Ashley sa mga sinasabi ko kahit na nakaiwas siya sa akin ng tingin.

"Yung tanong mo kanina na bakit hindi ko pinigilan, pinipigilan ko, Ashley. Ilang beses. Ilang beses ko sinubukang umiwas, pero pano kung mismong tadhana na yung gumagawa ng paraan para magkita kami? Akala mo ba ako lang? Akala niyo ba ako lang yung nahihirapan at umiiwas? Hindi. Parehas kami, Ashley. Ramdam ko. Kahit hindi niya sabihin, kahit walang aminan na nangyayari, alam namin sa sarili namin na parehas naming iniiwasan yung nararamdaman namin para sa isa't isa," huminto akong muli para buuin ang boses at isipin ang gustong sabihin. "Yung iniisip at sinasabi niyong hindi namin iniisip yung mga kagrupo namin, yung image ng grupo, pano niyo nasabi? Dahil ba hindi kami pansinin sa grupo ay aakusahan niyo na kami ng ganyan kabigat? Na akala niyo ba sarili lang namin ang iniisip namin at hindi namin sila sinasama sa mga desisyon na gusto namin?"

Sa huling tanong na sinabi ko ay doon na lumingon ng tuluyan sa akin si Ashley. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya ng makita niya ang luhang tumutulo sa mga mata ko na sinusubukan kong punasan ng mga palad ko.

Magsasalita na sana si Ashley nang biglang tumunog ang cellphone ko na pinatong ko sa center table at nakita namin ang registered name.

Inayos ko muna ang boses ko bago ito sagutin.

"Hello, Ma?" bati ko bago tumayo para lisanin ang kasalukuyang lugar.

***
"Matagal ka na palang nakabalik muli rito sa Pilipinas, hija," panimula ng nakatatandang madre nang umupo na kami sa paborito naming pwesto dito sa orphanage nila.

"Ah, opo. Pasensya na po at ngayon na lang ulit ako nakadalaw sa inyo dito. Tinapos ko lang po talaga yung mga trabaho ko para wala na kong iisipin pagbalik ko dito," paliwanag ko.

Matagal ako nitong tinitigan na para bang inoobserbahan hindi lang ang pisikal kong anyo kundi pati na rin ang kaluluwa ko.

"Ah, bakit po?" magalang kong tanong nang hindi ko na matagalan ang titig niya sa akin.

My Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon