Chapter 14

92 0 0
                                    

This is it. Nakaayos na ako. Kinakabahan din. Sanay naman na ako sa tao pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Natutuwa ako na parang ayoko na tumuloy. Hinihintay ko lang matapos ang pinagsasabi ng emcee bago ako bumaba. 

"Relax, baby," sabi ng bakla na kasama ko rito sa taas. Siya ang aalalay sa akin kung man ang gagawin ko. "This is your day so just relax." Ngiti niya.

"And now, it is my honor to present to you the Leonar Family, let's begin with Ms. Charelle Nicoleen Leonar the debutants eldest sister, the older brother Mr. Chase Nikolai Leonar, the younger brother Mr. Chester Niccolo Leonar, and of course our very proud parents Mr. Nicandro and Mrs. Chona Leonar!"

Narinig ko ang malakas na palakpakan nila. Huminga ako nang malalim. Ang baklang kasama ko rito ay nakatingin lang sa akin. Awkward naman. Ngumiti na lang din ako sa kaniya. Titig na titig sa akin. Ang ganda ko ba masiyado? Siyempre naman! Ako pa ba! Nasa lahi na namin 'to!

Nagsalita muli ang emcee. Mas kinakabahan na ako dahil malapit na akong tawagin! What if matapilok ako? What if mahulog ako? What if mabagok ako after mahulog? May sasalo kaya sa akin? What if madulas ako? What if!

"Relax, okay? Malapit ka nang tawagin. Araw mo ito. Moment mo. Just be you. Hayaan mo ang nakatingin sa 'yo. Sa sarili mo ikaw mag-focus para hindi ka kabahan. Hayaan mo 'yong nasa paligid, okay? Halata sa 'yo na kabado ka. Always remember that this is your day." 

Lumingon lang ako sa kaniya at pilit na ngumiti. Alam kong mukhang tanga ako sa ngiti na 'yon! Parang natatae lang! Nakakainis! Ang dami pa namang tao! 

"Tonight is a celebration of adulthood and a thanksgiving of the life God has given to our lovely celebrant. Let us put our hands together, as we welcome the main highlight of this celebration, and as she steps into a higher level of life. Ladies and gentlemen, may I ask everyone to stand as we all welcome our dazzling lady of the night, Ms. Chelseah Nikkola Leonar!" 

Isang malakas na palakpak ang sumalubong sa akin habang bumababa ako. Damn. Ang dami ngang tao. Kahit ang mga kaibigan at kapatid ng parents ko ay narito. 

Nang malapit na ako sa dulo ng hagdanan ay nakita ko si Rayzen. Nakalahad ang kaniyang kamay. Nakatitig lang siya sa akin. Nang nakarating ako roon ay kinuha ko ang mainit na palad ni Rayzen.

"You look beautiful," he whispered. "Always."

I just smiled. I don't know what to say. Masiyado akong kabado. Alam kong ramdam ni Rayzen ang lamig ng palad ko.

Inalalayan ako ni Rayzen hanggang makarating sa uupuan ko. Inayos niya pa ang gown ko bago bumalik sa kinaroroonan niya. Sinundan ko siya ng tingin. Sa amin niya nakaupo. Pito sila sa table na 'yon. Kasama na si Rayzen at Kuya Nash.

Bigla namang kinausap ni Daddy si Rayzen. Katabi niya rin ito. Si Kuya Nash ay nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at kumaway. Nagulat pa siya sa inasta ko. Halos napatingin ang lahat sa gawi niya. Napatawa ako. Si Kuya Nash ay biglang nahiya, napayuko siya at humilig kay Ate. How sweet. Si Ate ay lumilingon sa paligid dahil mukhang nagulat sa inasta ng boyfriend.

Ang haba na ng sinabi ng emcee. Hindi ko na rin ito nasundan dahil busy ako sa katitingin sa paligid ko. 

"Ladies and gentlemen, to answer the question kung saan nga ba nagmana si Chelseah, here’s Mommy Chona Leonar to welcome all of us to their lovely daughter’s 18th birthday party."

Ano raw?

Lumingon ako sa gilid ko. Nakita kong papalapit si Mom. Medyo sa malayo siya nakapuwesto.

"P'wede bang tumabi na lang ako sa anak ko?" Tanong ni Mom. Nagsitawanan naman ang mga tao sa tanong na iyon.

Love Is A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon