Izzy’s POV
5 minutes…
10 minutes….
15 minutes…
WAAHH!!! MALOLOKA NA AKO!
Breathe in. Breathe out.
Oo, kakatapos lang akong ayusan ng hair stylists at make-up artists galing sa salon nina Natalie. Pinapunta na niya dito sa bahay kaysa ako ang pumunta doon dahil sabi daw ni Natz, susunduin ako ni yabang…
Hay naku…
“Izzy honey, are you ready? Rafa’s here na,” rinig kong sambit ni mommy sa labas ng kwarto ko.
O.O
O______O
O___________O
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Andito na siya?!!! Agad agad?!! 5pm palang ah!
“Ah, si-sige mommy, I’m coming….” Sabi ko kay mommy.
“Sige Izzy kaya mo ‘to. This is it. Relax,” sabi ko sa sarili ko ulit.
Hindi ko talaga maexplain kung gaano ako ka kabado ngayon. At hindi ko rin alam kung dahil ba’to sa prom o dahil lang sa kanya.
Basta after nito tapos na ang lahat!
Tapos na rin ang kung ano mang koneksyon ako meron sa kanya.
Kinuha ko na ang silver clutch bag ko at tinignan ang sarili sa salamin for the last time.
“Go Izzy,” bulong ko.
Kinakabahan akong lumakad pababa sa hagdanan nang narinig ko sila ni mommy sa sala na parang masayang naguusap. Ay? Close sila agad?
=_=
Ugh.
Naka-all black tuxedo suit siya, white starched undershirt at may black folded scarf pa sa leeg niya. Tapos hindi niya pinatayo ang buhok niya kundi nakawave lang parang side bangs.
@.@
Okay, inaamin ko na, spell G-W-A-P-O.
Nagulantang ako nang biglang napatingin sakin si mommy.
“Oh, here’s my daughter,” sabay ngiti. Si mommy talaga kung maka ‘here’s my daughter’ parang offering ako kay yabang.
Ayaw ko sanang tumingin pero sinalubong na ng mata ko ang sa kanya.
O___O
O___O
Nakakahawa ba ang pagiging tulala?
“Oh, Rafa darling, baka makain mo na si Izzy ng buo sa titig mo,”
=_=
“Mom!”
“I’m just joking. You look stunning dear. Oh Rafa, what are you waiting for? Alalayan mo na ang anak ko,” sabay tulak kay yabang. Grabe talaga mommy ko. ~_~
“Ah, ye-yes of course Mrs. Lopez,” lumapit siya sakin at inilahad ang kamay niya para tanggapin ko.
Eeee…. \\\\_////
Ano ba ‘to?
Dahil ayokong may sabihin pa si mommy na kung ano ano, tinanggap ko ang kamay niya at bumababa na.
BINABASA MO ANG
Mistakenly in Love (under revision)
Teen FictionHe used to like her. She used to like him. But it was all in the past. Now, as each other's worst enemies, fate is in the works to brought them back together. Parehong palaban. Parehong hindi magpapatalo. Parehong mapride. Who do you think will...