Chapter 2: Maling Akala

163 6 0
                                    

SI STACEY ISABELLE LOPEZ ANG DAKILANG LOYAL NA MAYOR NG ATHENA AY MAY CRUSH PALA KAY MR. BATCH PRESIDENT HARRY RAFAEL LOCSIN NG APOLLO? 

 

“Aaaarrrrgggghhhh!!! Nakakainis!”

 

Nakauwi na ako mula sa napakaimpyernong araw.  Nakahiga sa kama at nakatulala lang sa kisame. 

Umaalingawngaw pa rin sa isipan ko ang mga bintang ni Gino, ang classmate ko na may topak.  Hindi nga siya umimik pagkatapos ‘nun pero buong klase parang nakahithit lang ng katol at nakangisi lang sa akin.  May pa I-know-your-secret look pang nalalaman.  Kahit death glare ko parang hindi siya natinag. 

 

“Ikaw kasi Izzy eh! Ang tanga mo! Sa lahat ba naman na mabangga mo siya pa?!”  ito na naman ako kinakausap ang sarili pag natetense.

Nakatulog ako ng hindi namalayan at hindi na nakapaghapunan.  Si mama kasi may overnight seminar.  Hay,,, sana bukas makalimutan na ni Gino ang nangyari kanina.

ZZZzzzzz….

*****KRRIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGGGG******

“Waaahhhh 6:45 na?!!! Ilang snooze ko na ‘to? Ayoko malaaaateee!!!”

 

Agad agad akong naligo at nagbihis within 5 minutes. Oh, kaya niyo?  Since wala pa kasi si mama kaya commuter ako ngayon.  Palibhasang St. Jude’s kasi ang layo 30 minutes pa ang biyahe.  7:20am kaya ang klase.  Ugh. Hindi na nga ako nakapaghapunan, ngayon hindi na naman ako nagkapagbreakfast. Psht

******************

“Yes touchdown St. Jude’s! 7:19 palang! Bilis Izzy!!!”

Powtek 4th floor pa ang classroom! Kung bakit kasi late na ako natulog.  Ito na malapit na…

Ito na ako!!!!!

*************RRRRRIIIIINNNNNNGGGGGGGG*************

0.0

 

“Oh, Ms. Lopez just in the nick of time, sit down now.” Bati sa akin ni Ms. Monique.

“Sorry po Ms. Monique.  Hindi kasi ako inihatid ni mama papunta dito,” phew!  Muntik na!

Grabe ang Athena.  Mga punctual!  Upuan ko lang talaga ang tanging bakante sa classroom.  I’m soooo proud.

0_0

 

Mistakenly in Love (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon