Chapter 7: Another one

201 5 6
                                    

RAFA’s POV

“So Rafa, textmate na kayo ni Isabelle mo?” pang-asar ni Topher.  Ang sarap ng kain ko dito iistorbohin pa.

“Shut it Topher! Don’t get me started with,” sabay turo ng tinidor ko sa kanya.

Oohh… Scary…Fine bro, I’ll just watch.  You two are very entertaining, haha!” he added.

“Hey guys, patulong naman sa assignment natin sa stat oh,” dumating si Philip na may dalang libro.

“I’m eating my lunch.  Doon ka kay Topher, tambay mode,” turo ko sa kanya.

“Anong ako?  Sino ba dito ang running for valedictorian?  Hintayin mo nalang si Jaypee, math genius iyon,” –Topher.

“Wow bro ah.  Touch ako.  Pinapasahan nalang ako eh noh? Asan na ba si Jaypee? Napapansin ko parating MIA iyon tuwing lunch time ah,”—Philip.

“May dinidiskartehang babae na naman siguro,”—Topher.

“Oh sino na?”  tanong ni Philip saming dalawa.

“Not me, mahina ako diyan. Si Rafa oh tapos na kumain” alibi ni Topher.

Tinignan ako ni Philip na parang nagmamakaawang aso.

*o*

 

=_=

“Sorry bro, I really can’t. I still have a lot of things to do…” sabay tayo ko.

“Wait Raf! Paano assignment ko?” ayaw talaga tumigil ni Philip.  Palibhasa hindi nakikinig tuwing Statistics.

“Huwag mo nang pigilan si Rafa bro, mukhang may date pa kay Isabelle niya eh,”  nagsimula na naman si Topher.

“Ah…. iyon ba?  Haha!  Hindi mo naman sinabi sakin bro eh.  I understand.  Hintayin ko nalang si Jaypee,” itong isa nakisabay pa.

“Topher isa pa ah and you’re dead! I mean it,” banta ko sa kanya.  Ang lakas talaga ng trip nito.

“Hehe. Okay, I give up. Ikaw naman bro parang hindi na majoke,”

“Good.  I’ll go now,”

 

Hindi talaga ako mapakali. 

Hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng kahihiyang nangyari sakin kahapon.

Mistakenly in Love (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon