Chapter 5: The Longest Day Part 2: The firsts

140 4 1
                                    

“Grabe talaga ang araw ngayon! Ang daming ganap!!!” kinikilig na naman si Jaira dahil kanina.

Yeah right.

Kailan pa kaya matatapos ang araw na’to?  Ang daming nangyari kanina ugh!  Pati ngayon!  Cancelled ang afternoon classes dahil may talk ang guidance counsellor sa Honors Class mamaya. 

Isa lang ibig sabihin nito. Magkru-krus na naman ang landas namin! Kasumpa-sumpa talaga ang araw na’to!

Nakasandal ako ngayon sa gilid ng corridor nang biglang sumulpot na parang kabute si Gino.

“Mayora, paparating na si Mr. President oh,”  sabay turo sa Apollo na  papunta dito.

“Tsk! So what? Get lost Gino!” sabay irap ko.

“Hay mayora ang init mo naman.  Pumasok na nga tayo ng audi at magpalamig.”

“Maghintay ka diyan! Wala pa si Ms. Valencia!”

 

“Ows talaga? Baka gusto mo lang hintayin sina Mr. President eh… Ikaw mayora ah, dumadamoves….”

 

“Ayieeeeeee…..”at nakisabay pa ang iba sa panunukso.

“Shhhh!!! Guys can you please keep quiet!?  Gusto niyo bang mapagsabihan na walang proper decorum  ang Athena?” ayan naging mayor na ako.  Buti sinunod ang utos ko at biglang tumahimik.

Dumating na rin ang Apollo sa wakas after ilang years papunta dito. Pake ko ba?

Athena: ^0^  ^0^  ^0^  ^0^  ^0^  ^0^

Apollog: [-_-]  [-_-]  [-_-]  [-_-]  [-_-]  [-_-]

Nakakatawa talaga ang mga taga Apollo puro NR kumpara saming mga taga Athena na puro sayad kung makatingin. Sabi nga naman nila iba ibang trip bawat section.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin kina yabang na nasa dulo ng pila at may sariling mundo.

Good.  Malayo.

Ikaw Izzy ah, nakita kita…” sabay siko ni Jaira sakin, “may pa nakaw tingin ka nang nalalaman”

 

“Cut it Jai.  Hindi SIYA ang tinitignan ko if that’s what you’re implying”

 

“Hmmm… kung hindi siya eh saan iyang tingin mo sa dulo, sa puno ng bayabas?”

 

“Malamang…” -

 

Mistakenly in Love (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon