February na!
Ang DAMING nagbago.
As in.
Madami.
At unang-una na diyan si yabang.
Ewan. Biglang….bumait? Hindi na ubod ng suplado?
Biglang naging gentleman at hindi na manyak?
At Izzy na ang tawag ngayon sakin hah, hindi na Crazy Fool?
Ano kaya nakain nito?
“Hey, Iz how about these decorations na binili nina Topher? Do you think it would work on the entrance hall?” tanong niya.
Andito kami ngayon sa function hall ng hotel nina Natalie. Look test daw sa venue kaya tinitry namin lahat ng puwede para sa decorations. Oh diba ang advance? Less than two weeks nalang kasi at Prom na. Eh itong si Topher at Jaypee na assigned sa decorations puro tamad kaya kaming dalawa rin ang sasalo. Palibhasa mga kaibigan kaya di niya pinapagalitan. Psht’ =_=
“Ha? Umm… Okay naman,” sagot ko.
“Okay, try to see if gumagana ang reflection ng lights dito kung kakabit ko.”
Motif namin for Prom is Black/White/Silver. Diamond Jubilee na kasi ng St. Jude’s kaya glitters and glamour ang peg. Oh diba sosyal at sobrang tanda na pala ng St. Jude’s? haha ^_=
Pero kinikilabutan pa rin talaga ako kay yabang. Especially if he calls me Izzy. Hindi na rin ako errand girl at “partner” na talaga turing niya sakin bilang Over-all In-Charge.
Last week, halos ipagsigawan ko na sa rooftop kung gaano ko siya kinasusuklaman pero ngayon, parang umiba yata ang ihip ng hangin. Nabagok yata eto sa ulo eh. Buti nga.
Pero infairness, bagay sa kanya ang mabait.
What?
Ano sinabi ko?
Bagay sa kanya ang mabait?
Ewww Izzy… +_+
“So, ok na?” kinabit niya ang mga silver lights sa itaas ng entrance hall. Parang broken glasses o di kaya parang flat na disco ball ang design, gets niyo? Basta paglumiwanag nagrereflect siya sa paligid kaya magandang tignan.
“Wow… ang ganda nga!!!” Promise, sobrang ganda ng function hall. Dim lighting lang kasi ginawa namin sa hall at silver lights lang ang lumiliwanag sa paligid. So far, interior decorations palang ang nagawa namin at hindi pa namin natouch ang stage. Kasi nga, hindi naman gawain namin ito for the first place.
“See I told you, it would look great,” sa sobrang paghanga sa lighting effects hindi ko namalayang andito na pala siya sa tabi ko at tinitignan rin ang buong hall.
#_#
Shocks.
Bakit ba hanggang ngayon naiilang parin ako sa kanya?
“Oh, what’s wrong?” napatingin siya sakin.
O.O
Shit. Nakatitig lang ba ako sa kanya all this time? And did he just caught me staring at him?!
“Ah.. wa-wala,” at sabay iwas ng tingin. Errr… Ang awkward kasi eh! Ano ba naman…
“Huh! You know it’s impolite to stare. Baka matunaw ako niyan,” sabi niya at nakangisi pa.
BINABASA MO ANG
Mistakenly in Love (under revision)
Novela JuvenilHe used to like her. She used to like him. But it was all in the past. Now, as each other's worst enemies, fate is in the works to brought them back together. Parehong palaban. Parehong hindi magpapatalo. Parehong mapride. Who do you think will...