“Paano ba iyan Izzy magbro’s pareho ang mga lovie babes natin? Eeeekkk” pambungad ni Jaira sakin. Palibhasa ultimate crush nito si Topher, taga-Apollo at kaibigan ni yabang.
Nandito kami ngayon sa library at tatlong araw na simula nalaman ng Athena na may crush DAW ako sa kanya. Kahit ilang beses kong ideny mas lalong lumalala. Buti nga’t walang pakialam ang mga Apollo samin at dedma lang. Si yabang hindi rin nagpapakita so at least I’m safe.
For Now.
“Ssshhhh huwag ka ngang excited diyan Jai, baka marinig ka ng librarian. Masanction pa tayo eh,” saway naman ni Pacy.
Sa aming apat, siya lang ang walang lovelife kaya KJ ‘yan sa mga crushes namin. Well, actually dalawa kami pero dahil may Rafa na DAW ako, exempted na daw ako.
“Eeeeekkkk… Girls, andito sila! OMG! Ang gwapo ni Top! Ang gwapo rin ng Rafa mo Izzy! Ang gwapo nilang apat!”
Anak ng. Tatlong araw na akong umiiwas na huwag magkrus ang landas namin at baka kung ano pang kahihiyan ang mangyari sakin.
At eto na nga pumasok na sa library kasama ang tatlo niyang kaibigan-slash-sidekicks. F4 daw sila sabi ng mga fangirls dito sa St. Jude’s.
F4 your ass. F4 is soooo more than ten years ago.
“Aba Izzy, mukhang destiny pa ang magpapalapit sa inyo at mukhang he’s heading in our way oh…uyyyy kinikilig na iyan,” tukso ni Natalie at sinisiko pa ako sa gilid.
Lintek na.
“Huwag kang lumapit… huwag kang lumapit… huwag kang lumapit…” sabi ko ng mahina. Malay mo magwork ang mental telepathy ko?
“Hoy bestfriend, binubulong mo bang lumapit siya sa’yo? Ikaw Izzy ha, don’t worry tulungan ka naming tatlo… Oh, girls, gusto daw ni Izzy na tumabi dito sina Rafa satin. Haha.”
“Hoy Jaira! Wala akong sinabi—Mnnm! Mnp!” Help! Biglang tinakpan ang bibig ko ni Jaira Amazona!
“Ano ka ba girl, pagkakataon mo na’tong mapansin,” bulong sakin ni Jaira. Jai, ano bang nakain niyo?
This is not happening!!! Hoy boy yabang huwag lumapit dito!!! Syet, lalapit nga.
“Uhm, uy… Rafa…” tawag ni Natalie.
BINABASA MO ANG
Mistakenly in Love (under revision)
Novela JuvenilHe used to like her. She used to like him. But it was all in the past. Now, as each other's worst enemies, fate is in the works to brought them back together. Parehong palaban. Parehong hindi magpapatalo. Parehong mapride. Who do you think will...