Veda: 19

29 2 0
                                    

NAKATULOG NA ako sa tabi ni Geo pero nagising ako nang tila may humila sa diwa ko. Mabilis akong dumilat at wala na ako sa kwarto ni Geo.

"Heneral Veda, mabuti naman at naibalik mo na ang kapangyarihan mo!" Masayang sabi ni Kali. Umaalingawngaw ang boses nya at mabilis kong napagtanto na nag-uusap kami sa loob ng aking panaginip.

"Heneral, kailangan mo nang bumalik." Madilim ang mukha ni Vali nang sabihin nya iyon. Napatayo ako.

"Anong nangyayari?" Tanong ko. Nawala ang ngiti sa mukha ni Kali at napalitan ng lungkot.

"Ang hari..." Bulong nito.

"Patay na sya." Dugtong ni Vali.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi kami magkasundo ng hari, sa totoo lang, at palaging namamagitan sa amin ang reyna kapag nagkaka-salungat ang mga plano namin tungkol sa pamamalakad sa hukbo ng Pravo. Pero hindi ko kailanman ginustong marinig ang ganitong balita.

"Buhay ang hari ng Luvac at nakipag-kasundo sya sa mga itim at pulang duwende para gumanti sa Pravo." Paliwanag ni Vali.

"Pero hindi ba't labag ito sa batas ng mga lamang-lupa?" Naguguluhang tanong ko.

"Pasikreto silang nagtutulungan." Sabi ni Kali.

"Ang reyna?"

"Ligtas syang nasa ilalim kasama ang prinsesa."

Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Atleast alam kong ligtas ang reyna at ang susunod na reyna.

"Kailangan mong bumalik, Heneral. Sobrang galit sa'yo ang hari ng Luvac at hinahanap ka ng mga duwende sa mundo ng mga tao."

Nanlaki yata ang ulo ko dahil sa narinig kay Vali. Namanhid din ang buong katawan ko at hindi ko naramdaman na bumagsak na pala ako sa lupa.

Maya-maya ay may yumuyugyog sa katawan ko pero hindi ko alam kung sino.

"Hihintayin ka namin, Heneral. Mag-ingat ka!"

Iyon ang huling narinig ko mula kay Kali at nagising na ako.

"Clara?" Narinig ko ang boses ni Geo. Kumurap-kurap pa ako bago makapag-pokus sa mukha nyang nakatingin sa akin. "Binabangungot ka yata." Sabi nya.

Bumangon ako at agad syang sumunod. Pareho kaming nakaupo sa ibabaw ng kama nya. Bangungot? Hindi, dahil hindi naman 'yon panaginip. Iyon ang realidad ko.

Hinawakan ni Geo ang kamay ko at minasahe 'yon. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Kailangan kong bumalik, sa isip ko. Dahil kung hindi ay malalagay din sa panganib ang buhay ni Geo. At hindi lang sya, baka pati sila lola Tasya, Jazi at Jaqui ay madamay. Napangiti ako nang mapait. Paano ko nagawang isipin na manatili sa mundo ng mga tao, gayong may mga umaasa at naghihintay sa akin sa lupa ng mga engkanto?

Tama, kailangan kong umalis sa lalong madaling panahon. Pero paano ako magpapaalam kay Geo?

KINAUMAGAHAN AY sumama pa din ako sa pagtitinda sa palengke. Walang training si Geo kaya naman sumama din sya sa amin. Nag-aayos kami ng mga paninda sa labas nang dumating sila ni Adler galing sa ibang tindahan.

"Bumili kami ng almusal. Kumain muna tayo." Sabi ni Geo sa amin pero nag-kunwari akong abala sa ginagawa ko. "Clara, kumain ka muna. Bumili ako ng paborito mong champorado." Masiglang sabi nya nang ako na lang ang hindi lumapit sa mesa.

"Mamaya na." Malamig na tugon ko. Naramdaman kong tumayo sya at nilapitan ako.

Kinuha nya ang hawak kong basahan at hinawakan ang kamay ko. Natigilan ako sandali.

Veda: Engkanto Series 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon