GEO
"NATIONAL MMA champion, Geo Joaquin Silva!" Rinig kong sigaw ng host sa pangalan ko pagkatapos ng laban. Knock out ang kalaban at nang i-anunsyo ang nanalo ay mabilis na nag-akyatan sa ring ang coach ko at si Adler na nagsisimula na din sa MMA fighting.
Masaya ang mga tao sa pagka-panalo ko, halos lahat sila sa audience ay lumulundag sa saya. Hindi ko masasabing hindi ako masaya. Sampung taon akong nagsanay at lumaban para sa title na ito. Pero hindi ko pa din masabing masayang-masaya ako.
Sa gitna ng mga babaeng tumatawag sa pangalan ko paglabas ng event hall ay iisang mukha pa din ang hinahanap ko. Sampung taon na ang lumipas pero umaasa pa din akong babalikan ako ni Veda.
Kahit alam kong imposible, aasa pa din ako. Ito lang ang alam kong gawin sa ngayon, ang umasa na ako pa din ang babalikan nya.
"Saan tayo mamaya? Oops! Wag mo sabihing pass na naman. National championship na 'to oh! Mag-celebrate ka naman!" Sermon ni Adler habang naglalakad kami papunta sa sasakyan.
Napailing na lang ako. Nawalan ako nang ganang mag-enjoy at mag-celebrate ng bawat panalo ko. Sapat na sa akin na nakakapag-provide ako para sa pamilya ko. Iyon na ang pinaka-celebration ko.
Pero sige pa din sa pangungulit si Adler at gusto ko na syang bigwasan para makatulog na lang sya kahit walang alak.
"Sige na, Geo. Sumama ka na. Let's all have a break."
Break? God knows how I hate that word. Pero dahil si coach na ang nagyaya ay sige, pumayag na din ako. Nagpunta kami sa isang exclusive bar at nag-inuman. Nagdala ng babae ang ibang mga kasama ko at natatawa na lang ako habang pinapanood silang makipag-harutan.
Lumayo ako sa kanila bago ko pa sila isa-isang mabigyan ng spin kick. Hindi naman sa bitter pero mas lalo ko kasing namimiss si Veda.
Madaling-araw na nang makauwi kami. Halos hindi na ako makalakad dahil sa kalasingan, mabuti na lang at malapit lang ang bahay ko sa bar na 'yon at hinatid ako ni coach at Adler hanggang sa bahay.
"Veda..." Bulong ko. At bago ako makatulog ng tuluyan ay nakita ko pang iiling-iling ang dalawang naghatid sa akin.
DIREKTANG TUMAMA sa mukha ko ang sikat ng araw. Mariin akong pumikit tapos ay dumilat ulit. Sinong siraulo ang nagbukas ng blinds sa kwarto ko?
Tumayo ako para isara sana ang blinds pero para akong pinako sa kinatatayuan ko nang makita ang pamilyar na pigura na nakatayo sa may bintana. Naramdaman ko ang paghahabulan ng mga daga sa dibdib ko.
"S-sino ka?" Tanong ko kahit na may kutob na ako kung sino sya. Dahan-dahan syang lumingon at nalimutan kong huminga ng ilang segundo.
Nakatayo sa harap ko si Veda. Madalas akong mag-hallucinate na nandito sya kasama ko, kaya naman mabilis ko syang nilapitan at hinawakan para siguraduhin na hindi ako nahihibang.
Totoo sya! Laman at buto, si Veda nga!
"Bumalik ka." Hindi makapaniwalang bulalas ko. Nang tumango at ngumiti sya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Niyakap ko sya nang mahigpit at pumikit. Kung panaginip man 'to, ayoko na gumising please!
"Kumusta ka, Geo?" Tanong nya nang magbitaw kami. "Patawad, pinaghintay kita ng matagal."
Umiling ako.
"Kahit sampung taon pa ulit, hihintayin kitang bumalik." Lalong lumapad ang ngiti ni Veda at sa paningin ko ay nag-niningning ang buong pagkatao nya.
"Hindi mo na kailangan maghintay ng sampung taon pa." Sabi nya. Nagtatakang tiningnan ko lang sya. "Hindi na ako ang Heneral ng Pravo. Malaya na akong umalis at bumalik sa mga lugar na gusto ko. Malaya na akong manatili dito kasama mo." Patuloy nya.
Kinagat ko ang labi ko at pinipilit na pakalmahin ang sarili. Sa lahat ng laban na pinagdaanan ko sa ring ay hindi ako naiyak man lang, sa tuwa o ano pa man. Pero pagdating kay Veda ay nagiging iyakin ako. Alam kong nakakawala ng angas pero wala na akong pakialam.
"Hindi mo alam kung ilang beses kong hiniling na mangyari 'to." Sabi ko at hinila ulit sya palapit sa akin but this time, hindi para yakapin kundi para halikan.
Ngayon ko naramdaman ang kasiyahan na dapat kong maramdaman noong championship.
THE END
BINABASA MO ANG
Veda: Engkanto Series 3
FantasyPagkatapos ng mahabang laban sa pagitan ng Pravo at Luvac, nawala ang lahat ng kapangyarihan ni Veda. Hindi sya pwedeng mabuhay ng wala ito dahil sya ang heneral ng kanilang hukbo, sya ang inaasahan ng kanilang kaharian para mamuno sa mga laban. Sa...