Elizabeth POV
The Past...
"Eliz, please help me" she pleaded
"I..I can't, hindi ko kayang gawin ang gusto mo Yunnice"
"Please, ikaw lang ang malalapitan ko"
"Yunnice, I can't m-mahal ka niya at ikaw ang gusto niyang pakasalan"
"A-alam ko naman yun pero Eliz, hindi pwede" malungkot niyang sabi
"Hiwalayan mo siya ng maayos Yunnice, hindi yung ganito"
"Alam mong hindi siya papayag"
"Yunnice,I'm so--" hindi niya ko pinatapos.
"You love him" deretsong sabi niya habang naka tingin sa mga mata ko.
"What are you saying?" nagulat ako sa sinabi niya. Oo mahal ko si William pero wala naman akong pinagsabihan sa nararamdaman ko para kay William .
"I said you love William" pag-uulit niya.
"No, boyfriend mo siya at kaibigan kita Yunnice, tumigil kana may next class pa tayo" sabi ko at umuna nakong nag lakad sakanya.
Naalala ko kung pano ako napasok sa sitwasyon nato, kung bakit nandito ako ngayon umiiyak sa isang sulok.
After what he did to me, he just left me.It was my first and I still felt the pain.
Umiiyak lang ako hangang sa mapagod ako, hindi ko inaasahang ganito ang una ko.
*******
Nagising ako sa ingay ng phone ko.
Si Belle tumatawag.
[Belle Calling]
"Hi, good morning" bati niya sakin
"H-hellow, good morning din sayo,napatawag ka?" tanong ko sakanya,pilit kung bumangon kahit masakit.
"Pwede ka bang maging modelo na namin?, We need you Eliz"
Napaisip ako, I want to change myself.
"O-okay sure" sabi ko
"Really?, gosh Eliz, thank you" masayang sabi niya.
"Your welcome" naka ngiti kung sabi.
"Ngayon kana magsisimula,mag dala ka ng mga dress"
"Okay"
After ng conversation namin ay naligo nako. After a minute nag bihis nako, I wear a light brown short with a little ribon in front and the upper was a baby blue with white laces.Nag lagay lang ako ng rosy pink lipstick.
Inayos ko na ang mga gamit ko para mamaya.
Bumaba nako, nakita ko siya sa may sala, akala ko umalis na siya.
Nagpunta ako sa kitchen para uminom ng Fresh Milk.
"Saan ka pupunta? bakit ang ikli ng suot mo? diba sabi ko wag kang magsusuot ng ganyan" para siyang galit.. Tsss
"May lakad ako" walang ganang sabi ko.
"Saan nga?" naiirita niyang sabi
"Work" tipid kung sabi
"Work?!" gulat pa niyang tanong
"Yes, gusto kung magtrabaho, kumita ng pera na galing sa paghihirap ko"
"Anong trabaho?" bakit ba?! ang daming tanong niya? kainis
"Ang dami mong tanong, aalis nako baka ma-late pako" sabi ko at iniwan na siya.
*******
"Okay,smile Elizabeth..that's good..give me your seductive looks ...okay very good...break muna tayo" sabi nong photographer
"Good Job" naka ngiting sabi sakin ni Belle
"Thank You" naka ngiti kung sabi sakanya.
"Hindi halatang baguhan ka lang Eliz,alam mo kapag nakita ng kapatid ko yung mga litrato mo for sure naka sabit na ang mga mukha mo don sa mga art work niya." natatawang sabi niya.
"Ikaw talaga ang hilig mong magbiro"
"Totoo ang sinasabi ko kaya wag kang mabibigla kung may mukha kana don sa Museum" naka ngiti niyang sabi.
Ngumiti rin ako sakanya.
*******
7 PM nako naka uwi ng bahay, pag pasok ko si William agad ang nakita ko at mukhang galit nanaman ito.
"Bakit ngayon ka lang umuwi?" seryoso niyang sabi
"Ngayon lang na tapos yung trabaho ko" walang gana kung sagot
"Damn It! Elizabeth, sino ba kasing may sabi sayo na mag trabaho ka!" galit niyang sigaw. Ano bang problema niya? ..diba ayaw niyang makita ako sa bahay na'to tapos bigla-bigla nalang magagalit siya ng ganito!
"Gusto kung mag trabaho William, ano bang problema don?" inis kung tanong sakanya.
"Bakit?! hindi ba sapat sayo ang pera ko?, mabibigay ko sayo ang lahat Elizabeth"
"Hindi ko kailangan ang pera mo William, hindi mo 'ko kilala ng lubusan kaya wag mong ipag yabang yang pera mo. " sabi ko sabay alis pero pinigilan niya ako.
"Bakit ang tapang mo ngayon?!,dahil ba sa nandito na ang lalaki mo?!" galit niyang sigaw.
"Ano bang pinagsasabi mo?, wala akong lalaki, wag mo akong itulad sayo William"
"Sinungaling!" sigaw niya sabay sampal sakin.
"Tandaan mo Elizabeth, ikaw mismo ang pumasok sa buhay ko kaya magtiis ka" sabi niya sabay hawak sa pisngi na para bang babaon yung kamay niya sa sobrang diin.
Gusto ko ng umiyak pero ayaw kung makita niya akong umiiyak, ayaw kung isipin niya na mahina ako.
"Hindi ko kasalanan ang nangyari, kung gusto mo malaman ang nangyari noon tanungin mo ang mahal mong si Yunnice" pilit kung wag bumagsak ang mga luha ko pero hindi ko nakayanan. "Gusto mong mag hiwalay tayo?,sige mag F-file nako ng annulment" sabi ko, pilit kung kumawala sa pagkakahawak niya sa akin at nagmamadali akong umakyat sa taas.
Pagpasok ko sa kwarto ko don ko na inilabas ang lahat, napa hawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sakit, nahihirapan nakong huminga.
Pilit kung kinuha ang cellphone ko sa bag.
"H-help me" nahihirapan kung sabi at bigla nalang akong bumagsak.
VOTE AND COMMENT GUYZ..
para naman ma inspired akong tapusin 'to, kung may ayaw naman sa storya ko ..okay lang hindi ko naman hawak ang mga utak at puso niyo eh ..hehehe :)
salamat
*msSushigirl*
BINABASA MO ANG
LOVE AND LIE
General FictionAko ang sinisisi niya sa mga kasalanan na hindi ko naman ginawa. Minahal ko lang siya ng buong puso, we've been friends before but everything changed because of that day. He hate me so much.. mSsushigirl.