Chapter 4

29 6 0
                                    

Elizabeth POV

Nasa mall na kami kasama si William,kahit ayaw niyang sumama ay wala siyang magagawa ..alam niyo na .

Namimili na kami ni Mama ng mga dress.

"Eliz,isukat mo" sabi ni Mama sabay abot sakin yung napili niya.
"William halika ka dito,tignan mo yung asawa mo kung alin ang bagay sakanya" rinig ko pang sabi ni Mama. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kagabi.

Isinukat ko na 'yung isa,dark blue ang kulay ng dress naka V-cut yung likod at above the knee pa yung haba.

Lumabas nako para ipakita kay Mama.

"Bagay sayo Anak, ang sexy mo diyan" namula naman ako sa sinabi ni Mama, tinignan ko si William blanko lang ang expresion niya habang nakatitig sakin ang hirap niyang basahin,hindi ko alam kung ano na ang iniisip niya tungkol sakin.

"Isukat mo na yung iba Anak" biglang sabi ni Mama kaya bumalik nako sa loob para isukat yung iba.

Hangang sa natapos ko ng isukat ang lahat at dalawa yung binili ni Mama yung unang sinukat ko at yung huli,color black yung last dress na sinukat ko at kita rin tung likod,hangang legs lang yung tabas ng dress.

"Ma,pwede bang kumain muna tayo gutom nako" reklamo ni William pero hindi siya pinansin ni Mama.

"Eliz,gutom ka na? kain muna tayo para may energy kapa mamaya" naka ngiting sabi ni Mama sakin.Nakita kung nag smirk si William.

Hinila nako ni Mama don sa Restaurant, nahihiya nako kay Mama dahil binilhan pa niya ako ng damit at heels.

"Ma, wag nalang po tayo diyan kumain mas gusto ko po sana sa Jollibee" sabi ko, totoo talaga na gusto ko ang jollibee at ayaw ko rin na gagastos si Mama para nanaman sakin enough na 'tong mga damit at heels.

"Are you sure Eliz? " paniguradong tanong ni Mama sakin

"Opo Ma" sagot ko sa tanong ni Mama,nakita kung kumunot ang Noo ni William alam ko naman na ayaw niya sa fast food kumain dahil para sa kanya cheap ang mga pagkain don.Spoild kasi, kahit pariho kami ng antas sa pamumuhay ni William iba parin ako sakanya.

"Okay kung 'yan ang gusto mo Anak"

"But Ma..p-pano ako?..ayaw ko---"

"Kung ayaw mo ..wag kang kumain bahala ka diyan" mataray na sabi ni Mama.

Halatang napipikon na siya.

*-*-*-*-*-*-*

"Kita nalang tayo mamaya sa party ha" sabi ni Samantha, naka uwi na kami galing mall.

"Okay" tipid kung sagot, ang kulit kasi nitong si Samantha palagi ka talagang e U-Update para hindi ka makalimot at para for sure na makarating ka sa event .

"Siguraduhin mulang Eliz,dahil susugurin talaga kita sa bahay niyo " banta niya sakin

"Oo nga ang kulit mo, sige magpapahinga muna ako Sam"

"Okay sige, bye-bye " at nawala na siya sa linya.

Humiga nako sa kama ko nag set nako ng alarm para mamaya.

"A-alis ka?, bakit? .." naiiyak kung tanong

"Oo pinapapunta ako ni Daddy sa New York"

"P-pano tayo?, a-akala ko ba walang iwanan? "

"Sorry Eliz, i have no choice and you know that" malungkot niyang sabi

LOVE AND LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon