Elizabeth POV
"Good morning Ma'am" bati sakin nong babae, siguro secretary siya ni Dra. Patricia.
"Good morning"naka ngiting bati ko sakanya. "Si Dra. Patricia ba'y----"
"Elizabeth" tawag sakin ni Dra. "Buti at pumunta ka" sabi niya at lumapit sakin.
"I want to make sure Dra."
"Tricia nalang, halika ka sa loob"
Pumasok na kami sa loob at pina upo niya ako sa mini sofa niya at may kinuha siyang libro.
"Take this and make the test" sabi niya.
Nagsimula na kami sa mga Test na gagawin niya sakin to confirm if I am pregnant.
*******
"Bro, kumusta na kayo ng asawa mo?" tanong ng Pinsan ko.
"Okay lang " sabi ko habang naka tingin sa magazine kung saan nakita ko si Liza na naka two piece.
"She's so damn beautiful and hot Bro,sayang at sayo siya naikasal may balak sana akong ligawan siya noon eh" naikuyom ko yung kamao ko, ligawan?!.. tsss she's mine jerk..''kung hindi lang kay Yunnice" napa kunot ang noo ko ng marinig ko ang pangalan ni Yunnice
"Anong meron kay Yunnice?" takang tanong ko sakanya, nagulat din siya ng sabihin ko ang pangalan ni Yunnice.
"Yunnice??.. W-wala naman akong sinabing Yunnice" sabi niya at umiiwas ng tingin sakin ,halatang nag sisinungaling siya.
Bigla kung naalala ang pag-uusap namin ni Yunnice nong makita kung tinulak siya ni Liza
"William, nasasaktan ako" reklamo niya, sinakay ko siya sa kotse ko.
"Now, explain to me Yunnice why you left me and now you came back with that guy at ikakasal na kayo?" sabi ko na may halong galit
"William, I'm really sorry, wag mo sanang isipin na hindi kita minahal, William ..you know that I really love you pero hindi pwede.. tayo hindi pwede William" malungkot niyang sabi
"Anong hindi pwede Yunnice?!, at dahil sa kaibigan mong desperada naikasal ako sakanya kahit ayaw ko, gusto kung ikaw ang ihaharap ko sa altar but you left me without a reason, So tell me Yunnice.." sigaw ko
"Don't blame her, it's my fault William and I'm really sorry" naiiyak niyang sabi.
Ano ba ang hindi ko alam?.. Parang may tinatago sila sakin at gusto kung malaman yun.
"Sabihin mo sakin Cla--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang may nag 3 warning knocks at pumasok ang Secretary ko.
"Sorry to disturb Sir, but 2 mins. nalang po at mag sisimula na ang meeting niyo with Mr. Sajoes" sabi niya.
"Okay, thank you Chelsie" lumabas na siya sa Office ko,tinignan ko si Clarence at naka kuyom yung kamao niya habang naka tingin sa pinto kung saan lumabas si Chelsie.
"I have to go" sabi ko sabay tayo,sabay na kaming lumabas sa Office ko.
Hindi nag tagal yung Meeting namin,madali kung nakuha ang tiwala ni Mr. Sejoes, nakuha ko ang 75% share niya sa project na gagawin ko sa QC.
"Congratulation Sir" naka ngiting bati sakin ni Chelsie
" Thank You" pumasok nako sa Office ko.
*******
"Anong gagawin ko,hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya ang totoo?" naiiyak kung tanong sa pinsan ko
"May karapatan siya dahil asawa mo siya Eliz, para malaman din niya ang kalagayan mo" seryosong sabi ni Patrick.
Nag punta ako sa hospital na kung saan pagmamay-ari ng Pinsan ko
"Kung sasabihin ko sakanya ang totoo, baka iiwan niya ako dahil hindi ko siya mabibigyan ng anak Pat."
"Ang babaw ng dahilan yun Eliz,kung hindi niya maiintindihan ang kalagayan mo mas mabuti pang iwan mo yang asawa mo at bumalik kana sa atin"
"Pat, gusto ko sanang buhayin tong baby"
"Eliz, alam mong hindi pwede manganganib ang buhay mo" malungkot niyang sabi
"Pat, please gusto kung bigyan ng buhay ang baby ko, gusto ko maranasan niya ang magandang buhay" naiiyak nako.
Hinawakan niya ako sa kamay at huminga siya ng malalim.
Hello sorry sa tagal ng update.. sobrang busy talaga eh...
Maraming salamat parin po sa inyo ..
Mssushigirl
BINABASA MO ANG
LOVE AND LIE
General FictionAko ang sinisisi niya sa mga kasalanan na hindi ko naman ginawa. Minahal ko lang siya ng buong puso, we've been friends before but everything changed because of that day. He hate me so much.. mSsushigirl.