Sebastian POV
Ang dami kung ginagawa sa Office, napa tingin ako sa wrist watch ko 7 PM na. Tumigil ako sa ginagawa ko sabay tayo, humiga ako sa mini Sofa sa Office ko.
Iniisip ko si Eliz, hindi parin ako maka paniwala na may asawa na siya,Oo kasalanan ko dahil iniwan ko siya pero nangako ako sakanya at alam niyang tutuparin ko 'yun.
Biglang nag ring yung cellphone ko.
"Hello" sabi ko
"H-help me" nahihirapang sabi nito
"E-Eliz?" natatarantang tanong ko,wala na siya sa linya.
Dali-dali akong lumabas sa Office ko at agad kung pinatakbo ang kotse ko ng marating ko ang parking lot.
Hindi ako mapakali, kinakabahan ako. Halos ibanga ko na ang kotse ko sa mga sasakyan, wala akong pakialam kung masisita ako basta ang gusto ko lang makita ko si Eliz ngayon.
Agad akong nag doorbell sa bahay nila.
"What are doing here?!" galit na tanong niya ng mabuksan niya ang gate.
Hindi ko siya pinansin agad akong tumakbo papasok sa bahay nila, umakyat ako at hinanap ang kwarto niya.
Sh*t, agad ko siyang binuhat ng makita kung naka handusay siya sa sahig.
Nakita ko naman ang pagka gulat sa mga mata ni William.
Isinakay ko na siya sa kotse ko at pumunta sa hospital.
Tinawagan ko na si Samantha pati narin ang mga magulang ko.
"Anong nangyari?" agad na tanong ni Samantha ng makita ako.
Nasa labas ako ng Emergency Room.
"Hindi ko alam, bigla kasi siyang tumawag at nahihirapan siya kaya pinuntahan ko siya sa bahay nila, nakita ko nalang na naka higa siya sa sahig" pag kukwento ko.
"Nasaan ang magaling niyang asawa?" galit nitong tanong
"Nasa bahay nila,hindi ko alam kung pupunta ba siya rito" kinakabahan ako, baka kung ano ang mangyari sakanya.
"Seb" biglang tawag sakin ni Mama at alam kung naiiyak na siya, niyakap ko siya.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya
"Hindi pa namin alam Ma" sabi ko at nagulat nalang ako ng sumigaw si Samantha
"You?!" napatingin ako kay Samantha." How dare you?, this is your fault!" galit niyang sabi kay Yunnice .
"Sam, tama na hindi ito ang tamang oras" pigil ko sakanya.
"I-I'm sorry but she's also my friend" mahinang sabi niya at naiiyak na siya.
"FRIEND?!, kailan mo binigyan ng halaga ang pagkakaibigan niyo?,ikaw nga ang sumira sa buhay niya" galit na sabi niya.
"Samantha, stop it" hinawakan ko na siya sa braso.
"Remember this Yunnice, kapag may mangyari kay Eliz hindi kita mapapatawad" galit na sabi niya kay Yunnice.
Biglang dumating yung asawa ni Elizabeth at ng makita niya si Yunnice, tinignan niya ito.
"Wow look whose here?. The Good Husband!.. tsk magsama kayong dalawa." galit na sabi ni Samantha kay William.
"Sam, Please calm down" awat ko sakanya.
"Bakit?!. Kasalan nilang dalawa ang nangyari Seb., sila ang may gawa nito specially that girl!" tinuro niya si Yunnice, napaiyak si Yunnice sa sinabi ni Samantha.
Lumabas naman ang Doctor.
"Sino ang asawa niya?" agad na tanong ng doctor
"Ako po Doc" sabi ni William.
"Come with me" utos ng Doctor, sumunod naman siya.
Vote and Comment po
sana naman nagustuhan niyo .. :)
*msSushigirl*
BINABASA MO ANG
LOVE AND LIE
General FictionAko ang sinisisi niya sa mga kasalanan na hindi ko naman ginawa. Minahal ko lang siya ng buong puso, we've been friends before but everything changed because of that day. He hate me so much.. mSsushigirl.