Chapter 14

28 3 0
                                    

Elizabeth POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw,nakita ko si William. Tinignan niya yung Picture Frame na nasa ibabaw ng table ko. Kaming 4 kasi yan nong mga College pa kami. Sobrang Close pa kami ni William ng mga panahon na'yon.

"Good Morning" bati ko sakanya.

Napalingon naman siya sakin.

"Good Morning Liza" naka ngiti niyang sabi sakin, lumapit siya at hinalikan ako sa noo.

Napangiti ako ng palihim, ito na ang pinangarap ko ang mapansin niya ko bilang asawa niya.

"A-anong oras na?" nauutal kung tanong.

"9 na ang tagal mong bumangon" sabi niya with matching pout.

Napatawa ako ng mahina dahil sa pag pout niya.

"Anong nakakatawa don?,gutom na kaya ako"

"Sorry,ang cute mo kasi" sabi ko habang pinipigilan ang pagtawa ko

"Hindi kaya ako tuta, gwapo ako hindi cute Liza"

"Okay sige gwapo kana"

"Bakit hindi ba ako gwapo sa paningin mo?" tanong niya 

Hindi ako sumagot,bumangon ako at papunta sana ako sa banyo para maligo ng pigilan niya 'ko.

"Sagutin mo ang tanong ko Liza,kung hindi sabay tayong maliligo" sabi niya sabay ngiti ng nakakaluko.

"O-Oo gwapo ka,kaya umalis kana" taboy ko sakanya.Tumawa naman siya, ang sarap sa pakiramdam na ganito kami yung tumatawa na siya, nag bibiro na siya, ang sarap lang balikan ang lahat nong nasa College pa kami.

"Sa labas na tayo kakain kaya dalian mo diyan baka ikaw ang kakainin ko" sabi niya at kumindat bago lumabas.

Napahawak naman ako sa dibdib ko, ang bilis ng tibok ng puso ko, para akong teenager nito nakakahiya.

*******

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya, habang naka tuon ang tingin niya sa daan.

"Kahit saan" sabi ko

"Kahit saan basta kasama mo'ko" sabi niya at ngumiti ng nakakaluko.

"Ano bang pinagsasabi mo?" sabi ko sabay iwas sakanya.

"Kinikilig kana alam ko" pang-aasar niya.

"Hindi ah!, tumigil ka nga William"

"Pakipot pa'to, alam ko namang matagal mo nakong gusto" sabi niya, napatingin naman ako sakanya at tumingin din siya sakin saglit.

"Nabasa ko kasi yung Diary mo nong nasa College pa tayo"

"N-Nasa iyo yung Diary ko?, b-bakit dimo ibinalik sakin?" nagtataka kung tanong

"Ibabalik ko na sana eh,kaso nabasa ko kasi yung pangalan ko sa likod ng Diary mo kaya binasa ko nalang"

"Nakakainis ka talaga, bakit mo kasi binasa" naiinis kung sabi, feel ko ang pulang-pula ng mukha ko, nabasa niya lahat ng nakasaulat don ...

"Boyfriend mo pala si Sebastian noon?, ngayon ko lang ulit kasi binasa yung Diary mo"

"Tinago mo?"gulat kung sabi.

"Don't answer me a question my dhear wife"

"O-Oo, high school pa kami non eh"

"Tell me" nang-uutos niyang sabi

LOVE AND LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon