chapter 1:IN THE RAIN

3 1 0
                                    

CHAPTER 1

FREM POV

Naka simangot akong naglalakad hindi ako natanggap sa mga pinag-aaplyan kong trabaho tatawagan daw nila ako e! alam ko na kung ano ibig sabihin no'n e.

Sh*t kung minamalas ka nga naman, dali dali akong tumakbo ng biglang umulan

Habang nakasilong ako biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko mula sa bag

Calling

From: Jm

Agad kong sinagot

[hello kumusta na natanggap ka?]

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot

"Hindi e!" i said

[Okay lang yan. Sunduin kita?]

"Hindi na pauwi na din naman ako" tanggi ko

Pagtapos namin mag usap ibinalik ko na ang phone ko sa bag ko medyo tumila na ang ulan kaya nagsimula na'kong naglakad

Pero nakailang hakbang palang ako nang nakaramdam ako ng ng may nakatinginsakin kaya huminto ako at unti unting lumingon sa likod ko.

"Raven?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tanging siya lang ang nakikita ko sa paligid wala akong ibang naririnig kundi ang pagtibok ng aking puso. Habang nakatingin sa lalaking matagal ng nilimot ng aking puso.

Ilang sandali kami nagkatinginan nang sa humakbang siya palapit sa'kin kaya wala sa sarili akong napaatras, huminto siya na parang nag-aalangan lumapit sa'kin tumalikod na'ko at naglakad palayo .

""""

Pagdating ko sa condo unit ko agad akong pumasok sa kwarto ko at huminga ng malalim

Bakit ganon na lang ang tibok ng puso ko kanina?, napasapo ako sa noo ko "ano ba frem umayos ka matagal mo na siyang kinalimutan at sinabi mo noon na kahit makita mo pa siya ay wala kanang pakialam at isa pa may boyfriend kana kaya umayos ka frem" pangaral ko sa sarili ko

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog dahil kay raven kahit anong pilit ko hindi siya mawala sa isip ko. Masama to

Nanlaki ang mata ko ng makitang maraming calls at text galing kay jm kaya agad akong nag text sa kanya

Message

To Jm: good morning babe, Sorry nakatulog na'ko kagabi kaya hindi ko nasagot tawag mo.

Pagka send hindi ko na hinintay ang sagot niya dali dali na'kong pumunta sa cr at naligo may aaplyan akong trabaho ngayon hindi ako pwedeng ma'late

Pagkatapos kong mag ayos dali dali na'kong lumabas ng condo ko. Pagdating ko sa companyang pag-aaplyan ko may mga nauna na sa'kin kaya umupo ako habang naghihintay.

"Fremalyn Briones" tawag ng isang babae kaya agad akong tumayo

"Po?

Sinabihan niya akong sumunod sa kanya huminga muna ako nagmalalim bago pumasok sa loob.

Masaya akong lumabas dahil natanggap ako nag text din ako kay jm Sinabi niya sa'kin na susunduin na daw ako kaya nakatayo ako ngayon naghihintay sa kanya.

"Umulan na naman?" Napasimangot ako dahil lagi na lang umuulan

Tatakbo sana ako para sumilong nang may nabangga ako muntik na'kong matumba buti na lang agad akong nahawakan ng nabangga ko

"Sorry hind........... napaatras ako ng makita ang lalaking nasa harap ko tatakbo na sana ako nang hawakan niya ang braso ko

"Frem I'm so...."

"Pwede bang bitawan mo'ko"

tumingin ako sa kanya dahilan para magkasalubong ang mga mata namin. Tuluyan nadin kaming nabasa ng ulan

"Frem pwde bang makinggan mo muna ako"

"Bakit ba ha? ano pa bang kailangan mo?

"I'm sorry" mahinang sabi niya habang nakatingin sa'kin ang lungkot ng kanyang mga mata

"Sorry?" ALAM. mo bang naghintay ako?. Naghintay ako sa loob ng pitong taon, pero nasan ka?"

"Sa loob ng pitong taon hindi ka manlang nagparamdam?" nakatitig lang siya sakin habang tinataggap ang mga masasakit na salitang binibitawan ko

"Maaring kinalimutan mo na ako dahil masaya kana sa piling nang iba" hindi ko na napigilan ang pagpatak nang mga luha ko

"Wala akong iba Frem, ikw lang tanging ikaw lang" pagtatanggol niya sa kanyang sarili.

"Pera bakit hindi ka bumalik?. Bakit hinayaan mo kong mag isa sa mahabang panahon?" hindi siya sumagot muli siyang natahimik.

"Huli na ang lahat raven may boyfriend na'ko ngayon at magpapakasal na kami. Pinunasan ko ang luha sa mata ko at tumingin sa kanya nakita ko ang pagkagulat sa kanyang muka.

"Kung kinakailangan kong patayin ang boyfriend mo para mapasaakin ka lang gagawin ko." Walang pag-alinlangan sabi niya

Tinignan ko siya ng masama

"Lagi mong tandaan sa loob ng pitong taon wala akong ibang mahal kundi ikaw lang at alam kong mahal mo pa din ako gagawin ko ang lahat mapasaakin ka lang......tumingin siya sakin bago nagsalita ulit

I can't imagine myself enjoying this fucking life without you fremalyn. I love you so much and i miss you so bad baby....

My body frozen when I heard what he said. I tried to open my mouth but no words came out

Itutuloy.....

LOVE ME MOREWhere stories live. Discover now