"SAAN TAYO PUPUNTA?!"
Kanina ko pa tinatanong si raven kung saan kami pupunta pero ayaw naman niyang sumagot,
"Hindi naman tayo magpapakasal kaya relax ka lang" he said while driving.
Napairap ako hindi na lang sumagot. Sumandal ako, pinikit ko na lang ang mga mata.
Nagising ako nang may humawak sa muka ko. Kumunot ang noo ko nang makita si raven nakatitig sa'kin.
"Dito na tayo." Kaagad rin siyang lumayo sa'kin, sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa makalabas siya ng kotse
Napasapo ako noo ko nang makitang gabi, hindi ko rin alam kung nasaan kami ngayon.
Huminga muna ako nang malalim bago lumabas ng kotse.
Paglabas ko nanlaki ang mata ko nang makita ang buong paligid buno nang malilit na ilaw tapos habang naglalakad ako. ay umiilaw din ang tinatapakan ko.
"Ano to?" Tanong ko kay raven nang makalapit ako pati ang kotse napapaligiran ng maliliit na ilaw na sobrang gandang pag-masdan para tuloy kaming nasa kdrama habang pinapaligiran ng mga makikinang nang maliliit na ilaw.
Hindi siya nagsalita, he gave me a small smile bago nilahad ang kamay niya.
Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang kamay ko at inabot ang kamay niya.
Sabay kami nag-lakad papunta sa maliit na table kulay white siya pati na rin ang upuan.
Inalalayan akong umupo ni raven, akala ko uupo na rin siya pero nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko.
"Frem" He smile but nervous smile. "Hindi kita pipilitin, dahil alam ko naman hindi kapa handa na mag pakasalan sa'kin.
Nakatingin lang ako sa kanya habang hawak niya ang kamay ko.
"Handa akong mag-hintay baby, hanggang sa pumayag ka, pero kung ano man ang desisyon mo irerespeto ko iyon. Maghihintay ako hanggang sa maging handa kana hanggang sa maging pwede na.
Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. Nakatingin lang siya sa'kin habang hinihintay ang sagot ko. Marahan akong ngumiti sa kanya.
"Hindi mo na kailangan mag-hintay dahil, pumapayag ako magpakasal sayo."
Biglang nagliwanag ang mga mata niya at kaagad akong niyakap. Kumalas siya sa pagyakap sa'kin at mariin akong hinalikan.
"Seven years, still you" he kissed my forehead, "I love you fremalyn."
""""END"""
Sweet smiley
YOU ARE READING
LOVE ME MORE
RomanceWhat are things you can do while waiting for someone you love who loves you back, but you both can not be together yet? How can you keep that love alive while waiting for the moment?