chapter 5 : CEMETERY

2 1 0
                                    

SAAN KA NAMAN PUPUNTA?!

Maaga akong nagising dahil weekend ngayon wala akong trabaho. May pupuntahan ako pero itong bungad ng umaga ko.

"May importanteng meeting ako hindi ko pwedeng isama si minie nasa school naman ang mga kuya niya" sabi ni ate vhiel sakin.

Nakangiti akong nakatingin sa sofa kung saan nakaupo ang 5 years old na batang babae habang nanonood ng cartoon

"Sige na ate vhiel ako ng bahala kay minie mag-iingat ka" paalam ko kay ate vhiel at bumeso hinalikan muna niya si minie mukhang may sinabi pa siya sa kanyang anak bago siya umalis

Pagkaalis ni ate vhiel lumapit ako sa cute na batang si minie tutok na tutok siya sa cartoon na pinapanood nito. Umupo ako sa tabi niya

Hindi ko maiwasan mapangiti habang tinititigan ang batang to! nakasuot siya ng dress na color purple at may hairclip sa kanyang nakalugay na buhok medyo may pagka kulot ito color purple din ang kanyang hairclip

"Tita why are you smiling?"

Narinig ko ang cute niyang boses. Hinawakan ko ang muka ni minie habang may ngiti sa aking labi

"Gusto mo bang makita ang dalawa mo pang tita?"

Pagbaba namin sa lobby ng condo. Nanlaki ang mata ng makita ang mamahaling sasakyan na. 'Corvette' ito yung kotse ni ate vhiel iniwan muna niya sa'kin dahil sasabay na lang daw siya sa kanyang asawa kaya pwede ko daw gamitin ang kotse niya

Pinaupo ko si minie sa shotgun seat inayos ko nadin ang kanyang seatbelt bago ako nag drive paalis. Nakasuot ako ng dress baby blue color at white heels para naman bumagay sa cute kong pamangkin

"Tita!" Tawag sa'kin ni minie na tila nagtataka kung nasaan kami bumaba na kase kami ng kotse at naglalakad kami ngayon papunta sa dalawang taong matagal ko ng hindi nabisita bumili din ako ng dalawang basket ng bulaklak

Nilapag ko muna ang dalawang basket of flowers bago umupo sa damuhan umupo din si minie sa tabi ko.

"Minie meet your tita louisiana and tita dian" malungkot kong sambit sabay buntong hininga ,how I miss both of you!

Tinignan naman ako ni minie na tila nagtataka ang inosente niyang muka.

Palipat lipat ang tingin ng bata sa dalawang puntod na nasa harapan namin

"where are they?, bakit po sila nandyan?"

"They're already in heaven sweetie"

"Heaven?" nagtataka padin ang maliit niyang muka habang nakatingin sa'kin

Ngumiti ako kay minie "You'II understand better when you grow older".

May pagtataka pa din sa kanyang maliit na muka pero tumango tango na ito kaya napangiti ako.

Hawak hawak ko ang maliit na kamay ni minie habang naglalakad kami pabalik sa kotse na nasa gilid kumunot ang noo ko ng may nakatayong lalaki sa tabi ng kotse nanlaki ang mata ko ng napagtanto ko kung sino siya.

"Raven," I called lumingon siya sa'kin. Hinahangin ang kanyang buhok nakabukas ang tatlong butones ng kanyang polo nakatupi ang sleeves hanggang siko niya.

He gave me a small smile, bago siya naglakad palapit sa'min

"Hey baby girl" bati niya kay minie lumuhod pa ito para pantayan siya.

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko

"May gusto lang ako makita" sagot niya ng hindi nakatingin sa'kin

Binitawan na ni minie ang kamay ko at sa kamay na siya ni raven nakahawak ngayon palang sila nagkita nagkasundo na agad.

"Tita" tawag sa'kin ni minie habang nakahawak sa kamay ni raven nauna silang naglakad sa'kin at mukhang may pinag-uusapan pa sila naiingit na'ko ah!. Inaagaw na ni raven ang pamangkin ko.

"Tita I'm hungry na po, I want eat with tito handsome"

Namilog ang mata ko nakatingin silang dalawa sa'kin na hinihintay ang sagot ko "Okay"

Pagkababa namin ng kotse agad ng tumakbo si minie kay raven na kababa niya lang sa kanyang kotse 'favoritesm hindi to maganda siya ang favorite ng pamangkin ko'.

Pagpasok namin sa jollibee tuwang tuma naman si minie dahil first time niya dito inalalayan ko siyang umupo si raven naman ay umalis para mag order ng pagkain.

Habang kumakain ang dalawa napapangiti ako ,para silang mag ama kong tingnan sinusubuan kasi ni raven si minie., So cute
Biglang tumingin sakin si raven kaya agad akong umiwas at nagkunwaring kumakain .

Pagkatapos naming kumain tuwang tuwa pa tong pamangkin ko habang pabalik kami sa condo sumama pa din si raven

"Ba-bye tito handsome" inangat ni minie ang maliit niyang kamay at kumaway

"Bye baby girl" nakangiting paalam ni raven at hinalikan ang noo ni minie nakangiti ako habang nakatingin sa kanila. Ang sarap nilang tignan agad ako nag iwas ng tingin ng tumayo si raven at tumingin sa'kin

"Wala kang sasabihin?. Magsabi ka lang pag gusto mo ng halik ko" he joke

Sinamaan ko siya ng tingin mahina naman siyang tumawa bago naglakad pabalik sa kotse niya.

Kakatapos ko lang mag shower nang makita ko si minie sa sofa nanonood na naman siya ng cartoon. Umupo ako sa tabi ni minie habang nagiiscroll sa instagram

ravenblack like your story'

Wala sana akong balak pansinin iyon pero malikot ang kamay ko na tignan ko na ang Instagram niya naka follow siya sa'kin pero hindi ko siya finallow back no.

Napakagat ako sa labi ko ng makita ang bago niyang post 40mins ago picture yon ni minie na nakangiti habang kumakain sa gilid no'n ay ako na nakatingin kay minie ng nakangiti napatingin ako sa kanyang caption

ravenblack: Happiness <3

Natigilan ako sa pagtitig sa cellphone ko ng may nag dorbell

"Si minie?" Salita ni ate vhiel pagbukas ko ng pinto

Napatakip ako sa bibig ko na parang nagulat

"Hala naiwan ko sa jollibee yung anak mo"

Agad akong sinamaan ng tingin ni ate vhiel bago pumasok tumawa akong nakasunod sa kanya

Lumingon si ate vhiel at nagsalita

"Nakita ko si raven may kasamang babae. I think girlfriend niya yon. Ngumisi si ate vhiel sa'kin na halatang nang iinis .

Umiwas nalang ako ng tingin at tumalikod para pumuntang kusina.

Narinig ko nalang ang lakas ng tawa ni ate vhiel .

Baliw kung kapatid , habang umiiling..


Itutuloy.....

LOVE ME MOREWhere stories live. Discover now