"MAHAL MO PADIN BA?!"
"Ano ba ate vhiel bumalik ka na nga sa room ninyo." pumunta pa talaga siya dito para tanungin ako kung mahal ko pa ba si raven
"Sabihin mo muna sa'kin kung mahal mo pa si raven?" kumikislap na naman ang mga ni ate vhiel habang nakatingin sa'kin na parang kinikilig pa
"Oo na siya padin, mahal ko padin si raven sa loob ng pitong taon tanging siya lang, pero natatakot ako. Natatakot ako na baka iwan niya ulit ako" mahabang sagot ko kay ate vhiel
"Hindi mo panga binibigyan ng pagkakataon si raven yan na ang sinasabi mo. Walang masama kung susubukan mo ulit, frem kung mahal mo bigyan mo ng pagkakataon"
Bumuntong hininga ako. "Paano kung iwan na naman niya ulit ako?. Paano kung pag-iniwan niya ulit ako ay tuluyan na'kong malunod at hindi na makabangon ulit?" hindi ko alam pero kusang tumulo ang mga luha ko.
Niyakap ako ni ate vhiel at hinagod ang likod ko para patahanin ako. Pero lalong tumutulo ang luha ko. Nasasaktan padin ako siguro pansamantalang nakalimutan ko ang sakit dahil nanging busy ako akala ko okay na'ko pero hindi pa pala dahil nasasaktan padin ako hanggang ngayon.
Kumalas ako sa yakap ni ate vhiel ng may nag doorbell. Pinunasan ko muna ang luha ko bago tumayo para buksan ang pinto baka si emay to.
Napakurap ako ng dalawang beses ng makita si raven sa harapan ko. Hindi ako makapagsalita
"Okay ka lang?, were you crying?" Nag-aalalang tanong niya
Agad kong pinunasan ang luha ko at lumabas ng room naglakad ako papunta sa buhangin.
"Frem" tawag sa'kin ni raven na sumunod sa'kin.
Nang mahabol niya ako hinawakan niya ang braso at pinaharap sa kanya napakagat ako sa labi ko ng yakapin niya 'ko
"Anong problema?" Humigpit ang pagyakap niya sa'kin
Umiling ako habang nakayakap sa kanya, tuloy padin ang pagluha ko. Kumalas siya sa pagyakap sa'kin at tinignan ako.
"Baby what's wrong? Please stop crying" halata sa mata niya ang pag-aalala at pagpanic dahil umiiyak ako.
Yumuko ako pero hinawakan ni raven ang baba ko para makita ako ng maayos.
"Bakit mo'ko iniwan?" umiiyak padin ako.
Hindi siya nagulat sa tanong ko mukang inaasahan niya iyon.
"Hindi kita iniwan, ginawa ko iyon para sa kaligtasan mo" he said in a small voice.
"Para sa'kin? alam mo bang kung gaano ka sakit nang iwan mo'ko naghintay ako e!. Naghintay ako pero hindi ka bumalik" sinubukan kong pigilan ang pag-iyak ko pero patuloy padin ang pagtulo ng mga luha ko. "Bakit hindi ka bumalik?" mahina kong hinampas-hampas ang dibdib niya.
Napaupo ako sa buhangin at humahagulhol napalunok siya habang pinapanood akong umiiyak. Umupo din siya at muli akong niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry baby, bumalik ako pero nakikita na kitang masaya sa iba noong." Natigilan ako ng marinig ko ang pag-iyak niya.
Itutuloy....
YOU ARE READING
LOVE ME MORE
RomanceWhat are things you can do while waiting for someone you love who loves you back, but you both can not be together yet? How can you keep that love alive while waiting for the moment?