chapter 13

0 0 0
                                    

"Hindi ba kayo nag-sasawa mag swimming?"

Nakatingin ako kaya ate vhiel at kay minie, kakatapos lang maligo sa dagat.

"Uuwi na tayo bukas kaya dapat sulitin na" sagot ni ate vhiel habang pinupunasan si minie. Napaka maalaga at mapagmahal sa kanyang family, tong! si ate vhiel, proud din ako sa kanya, dahil sa kabila nang pagsubok na dumating sa buhay niya nanatili pa rin siyang matatag. Actually hindi ko siya ate, ang totoo niyang kapatid si louisiana ang aking bestfriend, pero wala na siya nakakalungkot lang dahil hindi na namin siyang makakasama.

"Ate vhiel bakit hindi sumama sina Ron at Nix?" tanong ko.

"Busy kase ang dalawang iyon, alam mo naman si Ron, mag tra-trabaho na sa ibang bansa, si Nix naman busy sa college, malalaki na ang mga anak ko pero wala pa rin girlfriend, lagi ko nga sinasabihan ang dalawang yon na mag jowa na."  Sagot ni ate vhiel habang natatawa.

Napatawa rin ako. "Baka magulat ka na lang may jowa na ang anak mo di lang sinasabi sayo" biro ko.

Natigilan kami sa pag-uusap nang makita namin papalapit sa'min sina em, lj, at si raven

I saw raven wearing a simple white polo shirt and black shorts, naka shades pa siya,  bakit ang gwapo niya?.

"Ay may pogi" tumawa si ate vhiel.

Natahimik ako lalo nang umupo si raven sa tabi ko. Naamoy ko kaagad ang pabango niya.

"Hey"

nilingon ko si raven at miliit na ngumiti. Hindi ako makapagsalita dahil sa hiya. Teka bakit ako nahihiya?, alam ko naman na sobrang gwapo niya, pero si raven lang naman 'yan!

May pinag-uusapan sila pero hindi naman ako nakikinig dahil naalala ko ang nangyare sa'min ni raven.

Tumayo ako at nagpaalam sa kanila, hindi ko kayang manatili doon. Baka kung ano pa itanong nila sa'min ni raven

Pumunta ako sa tabing-dagat sumilong ako sa may puno, habang nakaupo sa buhangin.

"Hey, frem" kumunot ang noo ko nang makita si raven

Umupo siya sa tabi ko "Are you okay?"

Tumango ako habang nakatingin sa karagatan, hindi ako makatingin sa kanya ewan ko pero naiinis ako sa sarili ko.

"Are you mad at me?" He asked.

Tumingin ako sa kanya "Hindi ah!"

"Bakit hindi mo'ko pinapansin?. Relax lang baby ako lang to!" He laughed a bit..

Napanguso ako at umirap na lang. Nagulat ako nang hawakan niya ang buhok kong nakaharang sa muka ko, lumingon ako sa kanya kaya nagtama ang mga mata namin.

Lumapit siya sa'kin at hinalikan ang noo ko

"Pagbalik natin sa manila dapat may sagot kana..."

"H-ha?" Hindi ko kaagad nakuha ang sinabi niya

"Marriage!" He replied

Itutuloy.... (wag naman puro next icomments niyo mga be, madali ko tong tapusin pag puro next ang comments HAHAHAHA)

LOVE ME MOREWhere stories live. Discover now