"Are you drunk?!"Matalim ang tingin ko ng makita si jm sa labas ng condo lasing na lasing, lumapit ako sa kanya para alalayan siya pero agad naman siyang lumayo sa'kin na ikinagulat ko
"F-frem bakit?" aniya
"Anong bakit?" Naguguluhan na tanong ko
Tinignan ako ni jm kaya nakita ko ang luha sa kanyang mga mata kaagad naman niyang pununasan at ngumiti sa'kin na maslalong nagpalito sa'kin. Lalapitan ko sana siya ulit pero muli siyang umatras
"Mahal mo naman ako diba?"
Kumunot ang noo ko "Ano bang nangyayare sayo?"
"P-please f-frem wag mo na'ko saktan ng paulit ulit habang nakikita kitang masaya kasama ang taong mahal mo"
Nagulat ako sa sinabi ni jm. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko nanatili akong nakatingin sa kanya. Naawa ako hindi ko kayang makitang nasasaktan siya dahil sa'kin
"Oo nga pala dapat hindi na'ko masaktan dahil alam ko naman na simula pa noong siya lang naman talaga ang mahal mo" huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit
"Napilitan ka lang naman na sagutin ako dahil naawa ka lang sa'kin!"
"Jm tama na bukas tayo mag-usap"
"B-babe masaya naman tayo diba?. Masaya ka naman sa aking"
Hindi ako makasagot ayokong mag-salita baka lalo ko lang siyang masaktan.
" Oo Masaya ak...." naputol ang sasabihin ko ng lumapit siya sa'kin
"Masaya ka, pero wala kang nararamdaman sa'kin!"
Tuluyan na siyang lumuha sa harap ko,
"I'm sorry" bumuhos nadin ang mga luha ko masyado siyang mabait para mag kaganito siya. Naiinis ako sa sarili ko wala siyang ginawa kundin mahalin at alagaan ako pero bakit hindi ko siya kayang mahalin?!.
Lumapit pa siya sa'kin at hinawakan ang magka bilang balikat ko. Hindi ko siya kayang tignan kaya nakayuko lang ako.
"Ayokong nakikita kang nasasaktan, maspipiliin kong mag-paubaya para sa ikakaligaya mo, ayokong makitang napipilitan ka lang sa'kin. Mas gusto ko pang makita kang masaya sa iba kase magdusa ka sa piling ko." ramdam ko sa bawat salita niya ang sakit
Humahagulhol ako at yumukap sa kanya. Nagi-guilty ako dahil mabait naman si jm, para saktan ko siya ng ganito.
"Promise mo sa'kin na magiging masaya ka ah?!" he whispered.
Tumango ako habang nakayakap sa kanya. Kumalas siya sa pagyakap sa'kin at hinalikan ang noo ko
"Please take care of yourself babe. Goodbye pinapalaya na kita" he said before letting me go
Nakatingin ako kay jm habang paalis siya "I'm sorry" bulong ko sana balang araw mahanap ni jm ang babaeng magmahalin sa kanya at hindi siya sasaktan katulad ng ginawa ko.
"""""
Nagising ako dahil sa tunong ng cellphone ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi
Tinignan ko ang cellphone ko kung sino ang tumatawag.
Calling: Ate Vhiel
"Ate Vhiel aga aga napatawag ka" nakasimangot na sabi ko.
[Anong maaga?, tanghali na kaya]
Agad akong napatingin sa alarm clock nanlaki ang mata ko it's already eleven in the morning
dali dali akong bumangon pero natigilan agad ako ng magsalita si ate vhiel.
[Mag-ayos ka ng mga gamit mo pupunta tayo sa beach]
"H-ha?"
[Hakdog]
Napairap ako kahit hindi makita ni ate vhiel
"May trabaho ako hindi ako sasama" tanggi ko totoo naman kase
[Nakapag-paalam na'ko kay raven kaya sa ayaw at sa gusto mo sasama ka]
"Teka ate vhiel kailan pa kayo naging close ni raven?"
[Wag kana maraming tanong mag-ayos kana nga-pala kasama din sina lj at emay]
Nag oo na lang ako bago ibinaba ang tawag.
Itutuloy..
YOU ARE READING
LOVE ME MORE
Storie d'amoreWhat are things you can do while waiting for someone you love who loves you back, but you both can not be together yet? How can you keep that love alive while waiting for the moment?