"Sorry po Ms dezon, hindi na po mauulit"
Napasimangot ako bago bumalik sa cubicle ko pano ba naman kase na late ako hindi kaagad ako makatulog pagdating ko sa bahay hindi kase mawala sa isip ko si raven simula ng marinig ko ang mga sinabi niya.
"Umayos ka frem alisin mo siya sa isip mo" pangaral ko sa sarili ko bago tumingin sa computer na nasa harap ko .
napaangat ang tingin ko sa babaeng naglapag ng mga papers sa harap ko ngumiti yung babae na fake bago tumalikod.
wala akong ginawa kundi ang tapusin trabaho ko nakalimutan ko na mag lunch
"Ms Briones pinapatawag ka ng CEO"
Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ms dezon.
"Wag mo na ako tignan puntahan mo na siya sa office nya" dagdag ni Ms dezon sa'kin
kahit ayoko wala akong magawa. Pagdating ko sa may pinto ng office ng CEO kumatok muna ako bago pumasok sa loob.
Napatingin agad ako kay raven nakaupo siya at mukhang busy may hawak pa siya ballpen naramdaman ata niyang nakatingin ako kaya saglit siyang tumingin sa'kin pero agad din binalik ang tingin sa mga papers sinensyahan niya akong umupo kaya umupo ako magkaharap na kami ngayon bigla na naman pumasok sa isip ko ang nangyare kagabi.
"Kumain kana?"
Hindi ko alam kung ako ba ang sinabihan niya hindi naman siya nakatingin sa'kin "H-ha?"
Muli niyang inangat ang tingin niya "sabi ko kumain kana ba?" binagalan pa talaga niya ang pagsabi non
Bakit ba niya tinatanong kung kumain na'ko pakialam niya. "Hindi pa" maliit akong ngumiti nakatitig padin siya sa'kin
"Good sakto gutom na'ko" tumayo si raven at sinuot ang coat niya. He was wearing the burgundy dress shirt and a pair of black slacks, para tuloy siyang pupunta sa party napakagwapo at ang bango niya. Nag-ring ang cellphone niya na nasa table kinuha niya iyon.
"I have to take this call" aniya na nakatingin sa'kin "stay here" paalala niya bago siya lumabas
Bakit ko siya hihintayin? Hindi ko naman sinabi na sasama ako sa kanya no'. tumayo ako at naglakad palapit sa pinto sakto namang bumukas kaya napahawak ako sa noo ko nang tumama ang ulo ko. Masama akong nakatingin kung sino man ang nasa harapan ko. Raven?.
"Let's go"
Nakasimangot akong nakatingin sa kanya tinaasan niya ako ng kilay ng makitang ang muka ko. Tinaasan ko din siya ng kilay at walang balak na sumama sa kanya. Napasinghap ako ng hawakan niya ang pulso ko at hinila ako palabas.
Nakatingin lang ako sa menu at walang balak na mag order ng pagkain kanina pa'kong nakasimangot.
"Ano sayo"
Hindi ako sumagot muli siyang nagsalita kaya tumingin ako sa kanya
"Frem ano tititigan mo na lang ang menu?" mariin niyang sabi nagsalubong din ang kilay niya. Nahihiya tuloy ako sa sarili ko muka akong immatured pilit akong ngumiti sa kanya bago nagsalita.
"Yung pinakamasarap po sir"
Habang hinihintay yung pagkain napatingin ako sa labas glass wall kase ang mamahalin na restaurant na'to kaya kitang kita ang nasa labas.
Nabaling ang tingin ko kay raven na kanina pang nakatingin sa kanyang relo na parang nasasayangan sa bawat minuto.
"Nagmamadali kaba? Pwede ka naman umalis na ako na lang kumain mag isa" masayang sabi ko. Mahina naman siyang napatawa
"Walang nang mas mahalaga pa pagkasama kita" he whispered
Natahimik na'ko nang ilapag na sa harap namin ang pagkain
"Uhmm frem"
Hindi ko pinansin si raven nakatutok lang ako sa pagkain ko naramdaman kong nakatingin siya sa'kin kaya inangat ko ang tingin ko.
Nakataas ang kilay ko ng magtama ang mga mata namin.
"Bakit?" taas kilay kong tanong "gusto mo lang ako titigan ayaw mong kumain?" napansin ko kase hindi pa siya kumakain
"May lalaki kaseng nakatingin sayo kanina" bored na sagot niya bago kumain
Agad kong ginala ang tingin ko pero wala naman akong nakita "Nasaan wala naman"
Hindi na siya muling nagsalita kaya tumahimik na'ko.
Masaya akong nakatingin sa kanya ng matapos akong kumain nabusog ako dahil walang nagsasalita samin.
Tatayo na sana ako nang may lumapit samin na magandang babae para siyang model ang ganda ng pangangatawan niya ang ganda din ng suot niya naka mini blue na dress para siyang pupuntang party
"Raven!" Mahinhin na sabi ng babae tumayo si raven ng makita siya bumeso ang babae kay raven
"Hi I'm Airis" bati niya sakin tumayo ako at inabot ang kamay niya.
"Fremalyn" nakangiting sagot ko
binalik ang tingin ni airis kay raven may pinag-uusapan sila na hindi ko marinig masyado kase silang malapit at mukhang ayaw iparinig sa'kin
"Uhmm sir raven una na po ako may kailangan pa pala akong gawin" nagmamadali kong kinuha ang maliit na pack bag ko
"O! Fremalyn aalis kana? Nagtatakang tanong ni airis na mukhang hindi narinig ang sinabi ko.
Ngumiti ako sa kanya bago tumayo "Oo e! may kailangan pa akong tapusin"
"Mag-ingat ka"
Tumango lang ako at umalis na sinulyapan ko si raven na walang pakialam bago naglakad paalis.
"Bwiset talaga yung raven na'yun porket may kasama ng maganda hahayaan lang niya ako masaya pa siyang nagtatawanan don kay airis na'yon wag sana siyang makahinga sa kakatawa niya mabulunan din sana siya don.. reklamo ko habang naglalakad pabalik sa building na pinag tra-trabahuhan ko.
Nakasimangot akong umupo sa cubicle table ko. At nagsimula na'kong tapusin ang mga tambak na papers.
Pagkauwi ko ng condo nilapag ko muna ang mga gamit ko bago humiga sa kama pagod ako sa trabaho ko at gusto ko ng matulog pero bumangon parin ako para mag shower ......pagtapos kong mag shower nag toothbrush muna ako bago nag skin care.
Nakasuot ako ng padjama ng pantulog may design siyang maliliit na panda ....nakaupo ako sa kama nang tumunog ang cellphone ko, kumunot ang noo ko habang nakatingin sa screen may nag-chat sa instagram ko.
ravenblack: done eating?
Napairap ako bago nag-reply
frembriones: wrong send po kayo sir dapat kay airis mo yan isend
Pagka send ko tutok na tutok ako sa cellphone ko hinihintay ang reply niya teka bakit ko hinihintay?. Ilalapag ko na sana ang cellphone ko sa table sa side ng kama ko ng tumunog dali dali kong tinignan
ravenblack: are you jealous?
Napasinghap ako, bakit naman ako magseselo? Wala naman kami nakakainis. hindi na'ko nag reply at padabog na nilapag ang cellphone ko pero agad ko din kinuha ng tumunog ito.
ravenblack: babawiin kita ulit pag pwede na.
Pucha !!!
Itutuloy..
YOU ARE READING
LOVE ME MORE
RomanceWhat are things you can do while waiting for someone you love who loves you back, but you both can not be together yet? How can you keep that love alive while waiting for the moment?