Chapter 23: Useless

1 0 0
                                    

Pagkatapos namin sa aming maliit na moment, Nauna na kaming umalis ni Mel at tumungo sa sarili kong room dito sa HQ.

"It's not much, but at least may tutulugan muna tayo sa ngayon." Sabi ko sa kaniya habang inoobserbahan din ang kwarto ko. Nakita kong wala pa ding nagbago, malinis pa din. Pwera na lang sa mga bags namin na nakatabi sa closet, wala nang nagbago.

"It's okay babe, It smells like you anyway." Sabi niya habang umupo siya sa malambot na kama ko at nagtatatalon pa. I laughed and joined her on the bed, her stopping and just lied down, staring at the ceiling.

Nagpadapa ako ng higa sabay kawit ng kamay ko sa bewang niya.

"Anong iniisip mo?" Tanong ko kasi parang may bumabagabag sa kaniya.

"I feel useless." sabi niya habang inalis ang tingin niya sa ceiling at humarap ang buong katawan niya sa akin.

Eh?

"Oh? How so?" tanong ko habang hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kaniya kaya napalapit siya lalo sa katawan ko.

Hinawi niya muna ang buhok ko bago nagsalita.

"Kasi wala man lang akong ginagawa ngayon para matulungan ka sa mga problema mo. I feel like a useless wife, Spade." Malungkot na saad niya sa akin. Nakita kong naluluha na din siya.

"Don't cry, My Rose. I don't like seeing you cry." I said habang ginagamit yung thumb ko para punasan ang mga luha na lumalabas sa mata niya.

Hindi pa ako nakuntento, hinalik halikan ko pa ang buong mukha niya pero umiyak pa siya lalo. I just settled on cuddling her until she's stable enough for me to talk to her.

"You're not useless, my love." I said to her as I held her face on my hands habang sumisinok pa siya.

"You being here, with me. That's not being useless. In fact, you've helped me get through this, just as we both said. In good times and in bad times, yeah?" I said to her.

"I feel like I shouldn't even live. I feel as if I have no purpose. Oo, andiyan ka nga Spade, pero hanggang kailan? I should've just let Diamond pull the trigger--"

I kissed her to stop the words that will come out of her mouth.

When I pulled back, may mga bagong luha nanamang namumuo sa mga mata niya.

"Gusto mo bang pag-usapan na natin yung magiging job mo para sa Mafia?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya kaya napagpasiya kong i-explain na sa kaniya lahat ng mga pwede niyang pasukan dito sa Mafia.

"Sige. Ang una," sabi ko sa kaniya habang hinahawakan ang kamay niya," ay ang pagiging reaper. Just what the name suggests, pumapatay sila ng tao."

"As much as possible, ayaw kong madudumihan ang kamay mo, literally and figuratively at that." She laughed at my joke.

"They always have a 50% chance of not making it back to HQ alive. But they always take those risks anyway."

"Oh? How many reapers have you lost?"

"Us?" I smiled at her. "None."

She looked shocked.

"What? Pero sabi mo--"

"I said that they have a 50% chance of not making it back to HQ alive, I didn't say that they never returned."

"Wow. Eh paano naman yung training nila? Kung ganun, Ang tindi pala ng mga reapers ninyo dito. Yung mga ibang Mafia, paano nila tine-train yung mga Reapers nila? Ha? May mga swords, daggers, chu chu ba? Spaaaaaade!!!! Sagutin mo akoooooo!" Excited na tanong niya sa akin. Natawa ako sa kaniya ngayon.

Deccard Brothers: SPADETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon