CAN'T GET ENOUGH

111 13 8
                                    

CHAPTER TEN: CAN'T GET ENOUGH

WARNING: EXPLICIT! 18+ CONTENT!
YOU'VE BEEN WARNED.

" it's taking over me,
don't wanna fight the fall "
- ariana grande (supernatural)

Alam ko na balang araw kailangan kong iexplain kay Eros ang sitwasyon na'ming dalawa ng tatay niya.

Isa yung sa mga bagay na pinagusapan na'ming dalawa ni Rainer pagkatapos na'ming maghiwalay, alam na'min na magiging komplikado ang lahat pero pareho na'ming ayaw na ipagpatuloy ang relasyon para lang kay Eros.

Siguro kung kasal kami pero dahil boyfriend ko pa lang siya, we just chose not to continue it.

There is no reason to continue a relationship that's already empty and broken.

Kahit na gano'n minahal pa rin na'ming ang isa't-isa hanggang dulo, and now we are much happier this way.

We just have to explain it to our son.

Mas lalong komplikado kapag magkaboyfriend o girlfriend kaming dalawa ni Rainer, lalo na't kapag kinasal siya o ako, 'di ba?

I am sure na maiintindihan ni Eros one day, yun nga lang... hindi muna ngayon, hindi niya maiintindihan dahil bata pa siya.

I already know what I'm going to tell him, I just have to put it into words.

Kinakabahan pa rin ako sa tuwing naiisip ko yo'n, ayokong masaktan o madisappoint si Eros kapag nalaman niya na hindi kami ng tatay niya, ayokong makita niya na hindi buo ang pamilya na'min.

Ilang beses ko na ring inisip kung anong ending kapag inexplain ko na yung sitwasyon kay Eros, kung iiyak ba siya o wala siyang pake o baka okay lang siya.

Pero...

"May boyfriend ka ba, mommy?"

...hindi ito ang inaasahan ko.

"I-I... I... uhm..."

Akala ko handa na 'ko. Akala ko handa na 'ko sa mga itatanong sa'kin ng anak ko balang araw. Akala ko rin na hindi muna ngayon, baka next year or two years from now.

Great, how am I going to answer this question?

Ganito ba naramdaman ng mga karakter sa telenovela kapag nagtatanong yung anak nila sa labas kung bakit 'di sila nagkatuluyan.

E'to na yo'n.

Ugh!

"...ah... E-Eros... a-ano... pa'no mo... bakit..?"

Syete talaga, syete ni'to.

"B-Bakit?"

Umupo ako sa tabi niya at inayos ang kwelyo ng uniporme niya at pati na rin yung buhok niya, kakagupit ko lang kahapon para fresh cut ang datingan.

"Ang saya mo po."

Saya?

Anong saya?

"Ikaw naman, Eros ko. Lagi namang masaya mommy mo kasi andito ka... tsaka love na love ka niya, okay?"

Ayun, hindi pa pala. Hindi pa pala ako handa, syete talaga.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano matatanggap ni Eros yung sitwasyon na hindi kami ng tatay niya, ayokong masaktan siya at mawalan nang tiwala sa'ming dalawa. Isang bagay ang hinding-hindi magbabago at yun ay ang pagmamahal na'min kay Eros.

MOMMY ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon