CHAPTER TWO

148 16 1
                                    

CHAPTER TWO

Minsan naisipan ko na ring tumakas sa Academy..

Gusto ko kasing mag-aral na parang isang normal lang na estudyante

Yung tipong subjects ang pinag-aaralan at hindi ang pakikipaglaban.

Hindi kasi pumayag ang parents ko na ganun na nga.

Na makipaghalubilo ako sa mga tao.

Eh, kahit narin naman eh.. ang boring kaya sa academy.

Sabi pa naman nila.. matalino raw ako. (WEH?)

Akala lang nila yun no.. pilosopiya kasi ang palagi kong ginagamit para 

Makasagot sa mga tanong ng mga teachers ko.

Hahaha.. galing ko diba? Dhampir tayo eh..

Pero, ngayon.. may maganda na akong rason sa mga magulang ko para payagan na makapag-aral sa ibang paaralan. Yung normal university lang.. hahaha oh,, diba?

Kaya pupuntahan ko sila ngayon ..

Papalapit na ako sa pintuan ng narinig kong nag-uusap sila.

"Veron, hindi na bata si Vlaidese para sundin pa ang mga sinasabi natin.. may sariling isip na yan."

Korak ka Dad, kaya nga hayaan niyo na meeeeh puweeesss.

"Ano ka Ba Vince?  Kahit na, kailangan niya parin ang payo nating dalawa dahil mas alam natin ang mga nakabubuti sa kanya. Tsaka, gusto mo bang mangyari sa kanya ang sinapit ni—-"

"Wag mong banggitin ang pangalan niya,  hindi siya naging maingat kaya ganoon. May tiwala ako sa anak natin. Matagal ko nang naaaninag ang kanyang mga kagustuhan .. pero di lang niya sinasabi  dahil ayaw niyang isiping kumukontra siya sa lahat ng mga gusto natin."

Ay korak na korak na korak ka talaga diyan Dad.. kaya nga hayaan niyo na akong mag-aral sa Normal na eskwelahan.. yeeeha.//

"Katulad ngayon, pinakikinggan niya lahat ng sinasabi natin."

"AY... hehehe, kita mo ko Dad?" sabay appear ko sa front door.

"Anong kita?, Tandaan mo na pwedeng mag-usap angg mga bampira kahit sa isip lang.."

"Sorry po."

AT lumapit ako sa kanila at naupo sa Sofa.

"Mom.."

"Hindi parin ako papayag! Delikado makipagsalamuha sa mga tao."

"Eh, mas delikadong makipagsalamuha sa kapwa bampira ano. Kaya na, Mammmiiii.. Please!"

"Oo, na sige na.. pwede ka nang makaalis.. bukas na bukas mag-eenroll tayo .. may alam akong paaralan .. na sikat at maganda ang  patakaran."

"YAAAAAAAAAAAAAY! Kaya nga mahal na mahal na mahal ko kayo eh!."

"Pero, tandaan mo Veronica, wag mo talagang ipalabas o kaya sabihin sa mga tao na may lahi kang bampira.. Wag kang basta-bastang magtiwala kahit kanino, okay?"

"Don't worry Dad! I can manage."

"Eto pa, Vlaidese.. always remember na mag-ingat ka sa mga kakaibiganin mo. Its better if basahin mo yung mga isip nila."

EXO: Our Dhampir Body Guard (Vampire Academy Inspired)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon