CHAPTER SIX

96 14 0
                                    

CHAPTER SIX

 

"Okay, girls, Let's  Go!" as I start the car.

"Grabi, Vlaidese,.. ang bait mo talaga." Ellea

"Sus, haha.. maliit lang namang bagay.. ang importante.. may karamay ako.." sagot ko.

"Talagang  dadamayan ka namin.. binilin ka kaya sa amin ni Chriszy." –Marievel

"Hmm, pwede niyo bang ikwento sakin yung kung paano niyo nakilala si Chriszy? Yung detalyado ha?" Sabi ko naman sa kanila.. pero, syempres, sa daan ako nakatingin.. Delikado na at baka mabangga ko pa yung sasakyan.

"Sige, ikwekwento namin. Wait. Chriszy! Kung nasaan ka man, at kung naririnig mo man kami.. magstostory telling muna kami ha? Labyu Best friend! Miss you!." Sigaw ni Ellea.

Pagtingin ko naman sa side mirror ng sasakyan..

Nasa likuran pala naming si Chriszy, at sinabi niyang.

"Makinig ka sa kanila, Vlaidese."

Nagnod lang ako, as a sign na naintindihan ko kung ano yung sinabi niya, kasabay ng pag-umpisa ng kwento ni Ellea.

"Unang sem naming nun as a 1st year college sa El Dorado Academy.. Kami lang ni Marievel ang magkakilala nuon, ng dahil sa schoolmate kami nuong high school. Hanggang sa pumili kami ng dapat uupuan.. Magstastart na yung class ng may pumasok na estudyante, late na yata.. di na siya halos pinansin ng klase at naupo nalamang sa tabi ko.. Hanggang sa nagpakilala kami ni Marievel.. at Siya rin ay nagpakilala at nagkwento.. hanggang sa naging close na kami noon.. Hanggang sa araw na, inamin niyang crush niya si Josh Fermid.

"A-ano? Crush mo si Josh?"

"Oo, bakit anong masama dun? Crush lang naman ah."

"Nako, wag mo nang subukan Chriszy, alam mo naman siguro yung balitang baliw na baliw sa kanya yung ex niya."

Ngunit, talagang gusto ni Chriszy si Josh, at humantong sa punto na naging sila.. Magfafive months na sila nun nung nahalata naming ni Marievel na nanghihina siya, palaging maputla at nahihimatay. Inakala naming buntis siya.. pero yun pala.. lumalala na pala yung sakit niya."

"SAKIT?" nabigla ako sa sinabi ni Ellea. Diba bampira si Chriszy? Anong sakit?

"Oo, Vlaidese.. may sakit siya noon,  pero.. kahit ano mang pilit namin ni Marievel na tanungin kung ano ba talaga yung sakit niya, pero hindi niya talaga sinabi sa amin yung sakit niya, sabi niya.. ayaw na raw niyang mag-alala kaming dalawa. Hanggang sa dumating ang  araw na, palagi na kaming inaabangan ni Minerva, kaya ayun... naging bantay sarado kami sa kanya.. at kinailangan na naming protektahan siya.. Hanggang sa dumating ang panahon na may sinabi siya sa amin, "Two years from now, may magiging kaklase kayo na VVV ang initials, protektahan niyo siya at ilayo kay Josh Fermid lalo na kay Minerva, delikado. Please, wag niyo siyang iwanan.". Pagkatapos ng araw ng pakiusap niya sa amin.. Nawala nalamang siya bigla, pero may hinala kaming si Minerva ang may pakana ng pagkawala, hanggang sa lumabas sa balita.. na may nakita raw na babaeng walang saplot sa katawan, duguan at puro bugbog at nakabalot sa sako sa loob ng mismong kwarto niya."

"KWARTO NIYA?" mas nabigla ako, sabi kasi ni Chriszy, yung kwarto ko.. ay kwarto rin niya dati.

"Oo, at pansamantalang hindi binuksan at pinagamit yung kwarto niya.. pero.. pagkatapos ng 5 buwan, sunod sunod nang may nakikitang mga babaeng nakabalot sa sako, kahit na pinagbabawal ang kwarto na iyon.. at hanggang ngayon, wala paring suspect sa kaso.. Ewan ko nga kung may gumagamit pa ng kwartong iyon."

EXO: Our Dhampir Body Guard (Vampire Academy Inspired)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon