Prologue

389 40 35
                                    

Apoy.
Nagaapoy sa galit ang mata ng nanay mo tuwing sinesermunan ka niya, pero yun din ang kaparehas na mata na puno ng naglalagablab na apoy sa batang ipinagtatagol ang kanyang ina.

Bagyo.
Parang binagyo ang kwarto mo sa sobrang kalat mo, pero ganun ka din guguluhin ng mga kaibigan mo malihis lang ang atensyon mo sa problemang bumagyo sayo.

Lindol.
Lagi kang kinukutya ng mga tao sa paligid mo dahil sa timbang mo, pero parang lindol din ang galit mo na titigil at kakalma din pagkatapos.

Delubyo.
Hindi naman isang malaking delubyo ang mukha ko, pero ang buhay ko? Oo.

Literal na binagyo sa isang iglap ang napakaganda kong buhay.

Sabagay, ganun talaga pagmaganda ang nangyayari sayo, merong kasunod na panget.

Napakatypical.
Pero yun ang akala ko hanggang sa malaman ko ang katotohanan. Dahil minsan may mga panaginip na sadyang totoo at may realidad na gawa-gawa lang pala nang mga nakapaligid sayo.

Pro-protektahan ka kahit kasinungalingan na.

Ipagtatanggol ka kahit malalayo ka.

Isusumpa ang buhay mo para lang mabuhay ka.

Galene Maice Feher nga pala.

Hayaan niyong ikwento ko sa inyo ang takbo ng buhay ko. At dadalhin ko kayo sa mundong hindi pa natarok ng isip niyo.

Sa mundong may isang tanong ang masasagot.

Is it a fins or feet?

ALL RIGHTS RESERVED. 2015©

--

PS.
Typo. Grammar and many more errors. (Except with the story flow. Lol) Please bare with them. I am not perfect and so does my story. Just love it and take off your shoe and enter this world.

Blink

Fins And FeetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon