Chapter 17: MFF

99 23 14
                                    

Maice's POV

"Ikaw ba ang tribe leader na nakilala ko sa coastal na barko limang taon na ang nakakalipas?" nanginginig ang mga kamay niya at tulalang nagaantay ng sagot ang kanyang mga mata.

Limang taon? Coastal? Parang pamilyar.

Ano nga bang nangyari limang taon na ang nakakalipas? Parang wala akong matandaan. Hmm.

'Ako po pala si Serinna. Serinna Malfuente.'

Isang ala-ala ang muling bumalik sa aking isipan.

Ah! Oo natandaan ko na!

Bahagya pa akong natawa sa pagkakaalala nun na siyang ikinagulat ng kasama ko. Dahil sa mga nagtatakang mukha nila ay napatigil nadin ako sa pagtawa at napatikhim na lang.

"Hindi ako yun. Ang sinasabi mong tribe leader na nakilala mo ay marahil si Lacie." sagot ko sakanya.

"Ha?! S-si Ms. Lacie? Siya ang. . tagapagligtas ko." nakayuko niyang sabi habang mainam na iprinoproseso sa utak ang rebelasyon na sinabi ko.

Pfft! Kahit kailan talaga. May saltik sa utak tong batang to. Seriously? Naniwala siya dun? Kaya madali siya naloloko at nakakantyawan eh, mabilis magtiwala at mahina ang loob niya. Hindi tatagal sa mundo ang mga taong katulad niya. Mahina.

"What the hell, Maice? Please. Stop messing with Serinna's feelings. She cooks good foods so we should really treat her right. Leche flan, remember?" pagmamaarteng sabi ni Lacie habang pababa sa hagdanan. Naku.

Haaay. Leche flan. O sige na nga. Aayusin ko na.

Tinignan ko muli si Serenna na tulala at bahagyang nakatingin sa sahig. Anong problema nito?

"Yoime, mabuti pa ay umuwi na kayo at magpahinga. Let's settle this tomorrow. Pagod na at sugatan ang bawat isa. Gamutin ang kailangang gamutin, the rest sayo ko na hinahabilin." Bilin ko sakanya.

Hindi na sila kailangan dito dahil isang pribadong usapan na ang tungkol kay Serinna. Bagay na pamilya na lang namin ang dapat makaalam.

Muli siyang lumuhod at yumuko "Masusunod po al-- ah!"

Sinalubong ko ng sipa ang mukha niya noong itutuloy pa ang sasabihin. "Isa pa. Ang kulit mo din. Hindi na ako ang alpha niyo. Kaya mabuti pang tawagin niyo na lang ako sa pangalan ko."

Napahawak siya sa panga niya at napakamot na lang. "S-sige po al-- I mean Maice." at tumayo na siya sa pagkakaluhod niya. Ginawaran ko siya ng ngiti at ganun din ang ginawa niya na para bang naging senyales ng pagalis nilang lahat.

May ilang ngumiti at nagbigay galang sa akin noong nagkataman kami ng mga mata. Isang yuko ang binigay nila pero isang pigura ng kamao ko ang ibinalik ko sa kanila ng nakangiti. Tumulong magassist sila Lacie at Chris ngunit nanatili sa tabi ko si Kean.

Asan na ba si Serinna? Sa dami ng tao dito sa bahay di ko na siya makita. May kamay na biglang humawak sa mga braso ko.

"Hindi kita gustong ipagdamot sa mga kalahi mo, pero sa dami ng tao, mabuti pang sa kwarto na lang tayo." concern na sabi ni Kean.

Haaay. Alagang alaga talaga ako sakanya. Napakaswerte ko naman.

Tumango ako bilang responde sakanya. Agad naman niya akong inalalayan hanggang kwarto. May tubig padin ang bahay namin kaya hindi naman ako gaano nahihirapang maglakad. May ilan pang mga bumati at ngumiti sa akin na ibinalik ko naman sakanila.

Papalapit pa lang kami sa kwarto pero may naririnig akong tugtog. Isa ba yung violin?

"Cello." matipid na sabi ni Kean at kasunod kong narinig ang pagkasa niya ng baril.

Fins And FeetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon