Chapter 2: Her Game

208 32 36
                                    

Pearl white walls surround the entire house. Velvet curtains and classy couch decorate the place.

A black grand piano rest in the center of the room surrounded by white rose petals leading to a staircase.

It was simple staircase made by wood, carefully painted in pale white color and varnish till the very tip.

There is a huge picture in a frame at the end of the staircase.

I step closer to see what's on the frame and saw a--

Wait nga lang!

Una sa lahat, bakit ba english ako ng english dito? Dinudugo na ko eh.

Tyaka paano ako nakalakad? Pambihira. Isa nanaman to sa mga panaginip na yun.

Bangungot.

---*

Nagising ang katawang lupa ko sa napakalakas kong ringtone. Nagback fire ata sakin yung sarili kong kalokohan kanina.

"Hay naku. Si Mama talaga, tumatawag nanaman. Hindi talaga ako titigilan." Napabuntong hininga na lang ako habang sinabi ito sa sarili.

Minulat ko na ang singkit kong mga mata para kapain ang napakascandalosa kong cellphone.

"Pambihira. Nakakairita na ah. Asan na ba yung cellphone ko?"

Kinapa ko na ang buong kama hanggang sa nahanap ko din sa sahig ang papatayin kong cellphone--este, sasagutin pala. Laking gulat ko na lang ng nakita ko ang screen nang cellphone ko habang patuloy pa din ang iskandalosa at nakakairitang tunog nito.

"11:11 a.m"

Pambihira nga naman oh. Alarm ko pala ang tunog na yun? Bahagya akong natawa sa sarili kong kalokohan. Para talagang alarm ang mga nanay natin pag nanggigising.

No matter how stubborn you are, babangon at babangon ka padin para mapatahimik lang ang alarm na yan. Napangiti na lang ako bigla. Siguro maswerte pa ako dahil naranasan ko noon iyon sa bawat umagang may laban ako sa surfing contest ko.

Haay. Mga ala-alang nilimot na, hindi ng isip, ngunit ng puso. Kadiri! Masyado na kong nagiging sentimental. Kasalanan to nung Kean na yun eh. Kung anu anu tinuturo sakin.

Pagkapatay ko nang alarm na nasa katabing mesa ng kama, bigla namang bumukas ng napakalakas ang pintuan.

"Ma'am Maiceee!" Hingal na hingal na sabi ni Serenna sakin.

Actually, sigaw yun. Yun nga lang, nakaearbuds kasi ako kaya mahina lang ang pagkakarinig ko. Wait-- so ibig sabihin, sobrang lakas pala nung alarm ko?

Poker face ko lang siyang tinignan habang nakanganga parin siya dahil sa sobrang hingal. Madali niyang hinahabol ang hininga niya na animo'y wala sa sariling nakatingin sa kawalanan. Dark blue pala ang mata nang batang to. Bagay sa pangalan niya.

"Oh? Hanggang kelan ka ba nga-nganga dyan?" Walang emosyon kong sabi sakanya.

Agad naman siyang nahimasmasan at inayos ang sarili kahit medyo kinakapos parin siya nang hininga. Isang malalim na paghugot nang hininga ang ginawa niya na akala mo ay ito na ang huli. Maayos siyang humarap sa akin at tumuwid ng tayo.

"Eh, Ma'am. Andito na po yung mga bisita niyo. Nakaready na po yung mga itlog sa kusina. Lulutuin ko na po ba?"

Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Bigla akong nabuhayan at naexcite. Matagal na panahon kasing wala akong mga naging bisita.

"Sige lutuin mo nang mawalan ka ng trabaho."

"Ma'am naman. Hindi na nga po eh. Ano po bang gagawin ko dun sa mga itlog na yun?"

"Dalhin mo dito sa kwarto. Ako ng bahala dun." with matching evil smile.

"Ah, eh Ma'am, pano naman po yung mga bisita niyo? Malapit na po silang makapasok nang bahay."

Let me explain to you. Nakatira kasi ako sa dulong parte nang Monte Labra island. Bahay bakasyunan namin to, pamana ni Lolo samin.

Dito ko nadiscover ang pasyon kong magsurf when I was 7 years old.

It was 12 years ago. And I can still remember how we first came from this island.

"Maice, excited ka na bang makita ang lolo mo?" My Dad's voice echo from my memory.

Mestiso si Papa at madalas tuwing kausap ko siya ay nakatingala ako. Pambihira naman kasi yung height ni Papa, 6'2" lang naman.

Siguro naliliitan ka pa dun kung basketball player ka, pero para kay Mama. Napakatangkad na nilalang nitong si Papa. 4'9" lang kasi si Mama. Ewan ko ba kung bakit ganyan sila, pero normal naman ang kinalabasan ko kaya ayos lang.

"Pa, ikaw ata ang excited satin eh. Panglabing dalawang beses mo na tinanong sakin yan." napangiti ako sa naalala kong sagot habang nakapout sakanya. Natawa naman si papa noon sakin kasi yun daw ang pinakacute kong pagmamaldita.

"Ikaw talaga Maice. It's your first time to meet your grandpa kaya exctied kami nang papa mo para sayo." Mahinahon tugon ni mama. Nakaramdam ako ng unting kirot.

"Ihh sabi ko nga po. Sorry." wika ng munting ako sa aking ala-ala at tyaka kami nag-group hug. Ang sweet namin nuh? Kaya later on naumay din kami eh.

Going back sa kung anu dapat ang ieexplain ko, we waited for a couple of minutes kasi nga maala gubat, I mean gubat yung paligid nang bahay namin. And then suddenly, you'll see an antique brown house. Kamukang kamukha siya nang animated film na monster house.

Well, mas desente at malinis nga lang ng unti.

Nabalik ang atensyon ko sa kasalukuyan ng inakyat na ni Serenna ang mga munting itlog sa kwarto ko. She helped me to change and sit on my wheelchair.

Kung hindi lang ng yari sakin to, hindi ko na kailangan ng katulong o kung anu pa man.I hate it! Hate this freaking situation of mine. I hate how things end up. Unconsciously napabuntong hininga ako. Bagamat nakaramdam ako ng biglang awa sa sarili ko, hindi ko na lang hinayaang lamunin ako nito. Wala rin nama akong mapapala. It won't change anything. Kahit kaawaan ko ang sarili ko, ganito parin ako. Hindi naman ako gagaling ng dahil sa awa na yan.

Matapos makapagayos ng aking sarili ay lumapit ako sa cabinet ko hindi kalayuan sa may pinto to complete the egg plan.

When I took it out, I heard a gasp out of Serenna's mouth. "M-ma'am ano po yan?"

Ay. Eto na nga ba sinasabi ko eh. Sabagay, kahit naman sino magugulat eh.

"Safe to. Wag kang magalala." pokerface ko siyang tinignan sabay assemble ulit ng kinuha ko. Hiningi ko na ang mga itlog at nagready nako pababa. Pagsulyap ko sa bintana nakaready na ding papasok ang mga bisita ko.

"Serenna, kahit anung mangyari wag kang gagawa nang ingay. Okey?" bilin ko sakanya.

"O-opo, Ma'am. Hi-hindi naman po tayo papatay diba?"

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. "Kung sakali man, iiwan mo na ba ang trabaho mo?"

"Hi-hindi ko po, hindi ko po alam Ma'am."

"Good." At binigyan ko siya nang matamis na ngiti.

It's showtime.

--*

A.N: Wieeeh. Sana po magustuhan niyo ang update nato. Thankyou~

Fins And FeetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon