Chapter 7: Comfort Food?

121 24 24
                                    

Maice's POV

Blank space.

Nablanko na lang ako dahil sa sobrang stress ko ngayon. Kung pwede lang na wag nang lagyan nang laman ang chapter nato eh.
Psh.

Nagmadali akong bumalik sa kwarto kanina sa inis ko. Alam ko na kung anong nangyayari. Tch.

Naabutan kong nagtatago si Serinna dito kaya pinaalis ko muna siya upang makapagisip at makalma ko ang sarili ko.

Pero, ugh!!

Nakakainis! Bat di ko agad nagets yun? Bat hindi ko agad napansin?!

Napopoot nako sa mga yun, pero wala akong maisip na kahit anung paraan nang pagtorture para mapatahimik na sila.

Lagi na lang ganito taon taon. Minsan nga kahit tulog nako binubulabog pa kami. That's why sobrang higpit nang security dito sa bahay. May times na they almost burned our house, my only home.

Can you believe that?

Wala naman akong ginagawa sakanila eh. Wala naman akong kasalanan kung bat ganito tong mga binti ko. Bakit kailangan pa nila akong itrato nang ganito.
I super hate you, land of El Triton.

El Triton was once the island I used to love and visit. Katabing isla to ng Monte Labra or the island of Mountain of Laborers. Everytime I surf lagi akong pabalik-balik doon, and I also made some friends there, too. But things change when this feet start to be useless. Starts to be numb. It was because of an accident that should not happen to me at all.

Nakuha ang atensyon ko noong tumunog ang cellphone ko.

A chat message.

I was really lazy to checked my phone kung sino ang nagmessage sakin, but I still did, anyway.

"Nandito kami para sayo. Nandito ako. Ipagtatanggol kita. Magtiwala ka lang sakin, saming lahat. Mahal na mahal ka namin bunso."
-kean

Ughh! HUHUHU

I really can't help but cry. I know na kung gano ako nahihirapan, ganun din ang nararamdaman ni Kean sa ganitong sitwasyon. He knows every flip and back of me like I was her favorite book. We're not really blood related pero kung pano siya magcare sakin sobra sobra. His really like a brother to me.

Seened. And hindi muna ako nagreply. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong magalit. Gusto kong magwala. But that would declare their victory. And I don't definitely want that.

Sabi nga nila, 'ang pikon talo.'

I just send a weak smile para naman hindi niya maisip na siniseen ko lang siya.

I heard a soft voice singing. Palapit ng palit sakin ang boses.

A girl's voice.

Hindi maganda ang boses ni Lacie. Siguro si--

"Ma'am! Andito na po akoo!"

Pumasok na si Serinna nang kwarto habang dala ang inuutos ko.

Leche flan.

"Uy. Tagal ko nang di nakakakain neto ah." Excited kong sabi.

Abot magkabilang tenga ang ngiti ko. Naku. Naku. Naku. Naku. Naku. Naku.

Alam mo ba yung pakiramdam na nginitian ka nang crush mo nung bata ka pa? Or yung time na natanggap mo yung hinihiling mong regalo sa pasko?

O yung panahon na ipinagmamalaki ka nang magulang mo? O di kaya, yung panahon na makakamit mo na yung pangarap mo?

Grabe. Sobrang saya ko talaga. Sobra sobra sobra.

Wow!

Paborito ko kasi ang leche flan.
Napakasarap at tamis at lambot at lamig kasi nito. Yung perfectly made?

Yung hindi malabsak o masyadong malambot o matigas, pero saktong sakto lang. Lalo na pinasok mo na to sa bibig mo at pagnguya mo dito ay malalasahan mo ang tamis habang unti-unti itong natutunaw sa dila mo.

Tinignan ko pa nang ilang segundo ang anghel na nagdala-- Wait. Wait. Wait.

Okey.

Nahimasmasan na ko. Balik poker face na ulit ako.

Hinarap ko muli ang tingin sa leche flan ko na nasa harapan ko habang nakapoker face at tumingin muli kay Serenna.

"Salamat." I gave her a smile of gratitude.

May good side din naman ako folks. Hahaha

Haaaaayyyyy. .

Iloveyou Leche flan ko.

"Wala pong anuman." mahina niyang sabi sabay umalis na din nang room.

Tama yan. Magdadate pa kami nang leche plan ko. Hahaha

Yes. Alam ko. Namiss din kita leche flan.

Am I crazy or what? Hehe

Hindi ko na pinatagal pa at tinira ko na ang leche flan ko. Inumpisahan ko syempre muna sa gilid na laman habang hinihigop ang sabaw.

Wow. Ang sarap. Si Serenna lang kaya gumawa nito? Grabe. Binuksan ata nang pinakataas taasang Diyos na lumalang nang langit at lupa ang pinto nang pagpapala para sa akin.

Thank you Lord. Truly I am blessed.

Hahaha. . Minsan talaga pagkain na lang ang nakakapagtanggal nang stress mo. Joke!

While lavishly eating my leche flan, tumatakbo na muli ang creativeness ko.

Naiimagine kong putulan gamit nang nail cutter ang leeg nang mga kalaban ko.

Kaso napakatagal nun. Siguro tusukin ko na lang nang bbq stick na gawa sa bakal yung leeg nila tapos pati yung pagitan ng ribs niya.

Wow. I am finally back.
Buksan ko kaya yung play house namin ni kean para naman matodo entertain kami at matuwa para sa pagpapahirap sakanila. Tapos iiwan namin silang naghihingalo pabalik nang kampo nila.

"Aray! Anu yun?" bigla akong napasigaw. Parang kinakagat nang langgam ang mga binti ko. Sakit.

Natapunan ata nang leche flan.

"Maaaiiiiccceeeyyyyy. ."

Pambihira. Sa lakas nang boses na yun. Paniguradong si Lacie ang tumatawag sakin.

"Helllooooo!" bati niya pagpasok nang kwarto ko habang may dalang pizza, chips at coke.

Yeah! Foodtrip.

Inilapag niya sa kama ko ang mga pagkain at inilagay sa sahig ang coke. Lumapit naman ako habang karga ko sa mapagmahal kong bisig ang aking leche flan.

"So, anung plano natin sakani--GALENE MAICE FEHER! BAKIT KA MAY LECHE FLAN!" gulat na gulat niyang sabi.

"Ha? Eh bakit naman makasigaw ka dyan parang nasa kabilang isla ako? Isang hakbang lang ang lapit ko sayo Lacie. Kailangan sumisigaw?" inis kong sabi sakanya.

May balak ba siyang paghiwalayin kami nang leche flan ko? Noooo. I won't let it happen.

"MAICE! PANO AKO HINDI SISIGAW EH MAY ITLOG YAN!" sigaw niya sakin habang nanlalaki ang mga mata nito
Itlog? Yun ba sinabi niya? Itlog?
Nanlaki naman ang mga mata ko sa realisasyon at nabitaw ko na lang ang leche flan ko.

Agad ko namang tinanggal ang naka taklob na itim na tela sa mga binti ko.

Napatingin ako sa tunog nang naglaglagang mga plato.
Si Serinna.

Nabitawan niya ang mga plato sa gulat nang nasaksihan niya. Eto na yun. Kung saan ang mga tao sa paligid ko ay iiwan na ko.
Pwe! Nakakasaw na.

Nakakasawang magbayad, manakot at magbanta sakanila para lang manatiling sikreto ang pagkatao ko.

Dahil lang sa mga binti tong.
Dahil lang sa insidente, 3 years ago.

Dahil sa kaliskis na taglay nang mga binti ko.

------*

Yehey! Alam niyo na kung anung meron sa binti niya. Pero sabi nga nila. Wait. There's more! Hahaha

Happy reading folks!

Don't forget to vote and comment. Mehehe~

Fins And FeetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon