Chapter 19: Ala-ala

86 21 13
                                    

Serinna's POV

"Pambihira ka naman Serinna! Sabi ko pichi-pichi hindi cassava cake! Ayoko niyan!" reklamo sakin ni ma'am Maice.

"Pa-pasensya na po ma'am. G-gawa na lang po ako ng b-bago." kabado kong sagot sakanya.

"Dapat lang! Sige na. Gumawa ka na at dalian mo. Gutom na ko." sabi niya ng nakapout. Ang cute! Kaso, may problema pa ko.

"Oh? Bat di ka pa umaalis?" mataray niyang tanong.

"A-ah. K-kasi po. . Hmm. ."

"Ano?" taas kilay niyang tanong.

"A-ano po ba yung pichi-pichi? Hehe" oo na! Ako ng taga kweba at walang kaalam alam sa pagkaing sinasabi niya. Eh kasi naman eh.

"Seriously?" jaw-dropped kung tawagin nga nila ang expresyon ni Ma'am Maice ngayon. Nakakaiyak naman to. Feeling ko ang shunga-shunga ko. Huhu

Yumuko ako para maitago ang maluha-luha at namumula kong mukha. Agh! Nakakahiya ka Serinna! Nakakahiya ka!

Nakita ko ang mga paa ni Ma'am Maice. Nakapatong ito sa feet rest ng wheelchair niya.

"Ang pichi-pichi ay isang kakanin na malambot at punong puno ng keso sa ibabaw. Pagsinubo mo ito malalasap mo ang sarap na hindi mo inakala. May mga busilak na lama--. . ." patuloy lamang siya sa pageexplain habang nagniningning ang mga mata niya.

Ohh. So, favorite niya to? Ang cute naman.

". .Naintindihan mo na ba?" pagtatapos niya.

Halaaaaa? Hindi ko pa din alam. Pambihira naman talaga Serinna. Haay naku!

"Nakikinig ka ba?" poker face niyang sabi.

"O-opo. Opo, Ma'am. Gagawa na po ako." at umalis na ko agad agad.

*

After 20 minutes. . .

Ting*

Cough cough*

Napaubo ako ng wala sa oras sa usok na lumabas sa microwave. Andito ako ngayon sa kusina at sinusubukang magluto ng pichi-pichi. Biglang bumukas ang pinto.

Plaannggg*

"Ay kabayo!" nabitawan ko ang hawak kong plato.

"Serinna! You are so dead when Maice find this out. You should really fix this out." nangongonsensyang sabi ni Ms. Lacie.

"Hey babe. What happen-- oh my goodness! What's that smell?! Ugh!" gulat na sabi ni Sir Chris. Sabay turo naman sakin ni Ms. Lacie habang nakatakip ang isang kamay sa ilong.

Lagot na.

Gulat naman tumingin sakin si Sir Chris at agad ibinuka ang kanyang mga labi para manermon. "Serinna! My goodness! 6 months ka ng nakatira dito, at alam mong mahal na mahal ni Maice ang kusinang ito! Mapapatay ka nun pagnalaman niya ito!"

"Woah! I never thought you could speak well in tagalog?" Ms. Lacie said in awe.

Oo nga nuh? Sa anim na buwan kong pamamalagi sa tahanan na ito at sa serbisyo ko kay Ma'am Maice, ngayon ko lang narinig na purong nagtagalog si Sir  Chris.

Nagtalo pa sila at nagasaran tungkol sa ibang bagay at bahagya akong napangiti. Pagkatapos ng magulo at mga rebelasyon nung araw na yun opisyal na akong kaibigan ni Ma'am Maice. Siya mismo ang tumawag sakin ng kaibigan.

Andami pang nangyari pagkatapos nun pero masaya na ang ala-alang iminarka sa utak ko. Pagkagising kaya ni Ma'am Maice. .

Pagkagising kaya ni Maice,

Maaalala niya ba ang mga ginawa naming ala-ala?

------------*

Last chapter and we are so done!

Vote, comment and love!
Book 2: yay or nay?
Lovelove~

-blink

Fins And FeetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon