Chapter 6: Magic Word

156 24 26
                                    

Serinna's POV

"Serinna, could you please get me something sweet and cold right now. I really need it."

Halaa! Nananaginip na ba ako?

Nag--nag, nagmagic word si Ma'am Maice!

'Nag'please si Ma'am Maice.' Wala sa sarili kong nasabi ngunit mahina lamang sapat na para di niya marinig, kaya kumaripas agad ako ng takbo pababa sa kusina.

Wew. Buti na lang.

Sa kakamadali at tuliro ko ay hindi na ko nagelevator at dumiretyo na lang sa hagdanan pababa.

May nakita akong anino ng tao na may kakaibang suot sa mukha.

'Sino yun?' Bulong ko sa sarili.

Teka! Asan na pala yung mga reporters? Hindi kaya?!

'Mama!!' Napatili ako ng wala sa oras at mabilis na kumaripas ng takbo.

Agad akong nagtago sa kusina sa ilalim ng lamesa.

Jusko po. Ano po ba tong pinasok kong trabaho. Kanina masaya pa kasi binobomba ng amo ko yung mga reporter ng itlog. Pero bakit may anino na nagvavacuum habang nakamaskara. Huhuhu

"Serinna, could you please get me something sweet and cold right now. I really need it."

Nagecho ang sagradong utos ni Ma'am Maice sa utak ko.

Alam ko na! Agad-agad din akong nagtungo sa ref upang ilabas ang inihanda kong dessert kahapon. Sana magustuhan to ni Ma'am Maice. Siguro dadalhin ko nadin si Ms. Lacie pati nadin si Sir Chris.

Bitbit-bitbit ang mga dala kong pagkain ay nagtungo na ko papuntang elavator.

Unang pinuntahan ko si Ms. Lacie pero wala din naman siya sa kwarto niya kaya diretyo na ako kay Sir Chris.

"Wait up!" Sigaw ni Sir Chris pagkakatok ko ng pinto.

Maya -maya ay lumabas din naman siya.

"Hey. What's that Serinna? Looks tasty enough, ey?" Nakakanosebleed naman kausap to si Sir. Pano ko ba sasabihin?

"Ma'am Maice, ask me to bring her food, and I think you and Ms. Lacie should also tasty this, but she is not on her room. So I thought I give some to you too."
Wew. Haba nun ah.

"Hahaha no need to say that in english. I understand tagalog."

"Jusme. Di niyo naman sinabi agad Sir!"

Bigla naman natawa ng pagkalakas itong si Sir Chris.

"You know what, let's just eat that thing at Maice's room. Come on."

Si Sir Chris actually yung pinakafriendly sa kanilang lahat. Masayahin. Gwapo pa. Kaso MU na sila ni Ms. Lacie kaya taken na siya.

Ay oo nga pala!

"Sir. Nakita niyo po ba si Ms Lacie?"

"Yah. She's down stairs. You even walk past her right?"

Walk past her? Halaa!
Agad ako napahinto ng lakad at biglang hinarang si Sir Chris.

"Sir! May aninong nakamaskara na parang alien na nagvavacuum sa baba!"

(A moment of silence)

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" biglang sumabog sa tawa si Sir Chris ng wala sa oras.

"Pero Sir! Hindi po ko nagbibiro. Totoo po ang sinasabi ko!" Baliw ba to si Sir? Mukha ba kong nagjojoke?

"Yah. Yah. HAHAHAHA. I totally get you hahaha Sorry. Hahaha. Its just too funny. Hahahaha"
Patuloy padin sa pagtawa si Sir pero wala naman akong maintindihan sa pinagsasabi niya.

"Hey. Don't give me that face."

"Ha? Di ko naman po binibigay sa inyo yung mukha ko, Sir."

Muli nanamang natawa si Sir sa sinabi ko. Yung totoo? Yaya ba ko o clown?

"I mean, don't frown. Let me explain it to you. Here." Pinakita sakin ni Sir Chris yung tablet niya.

Connected kasi lahat ng CCTV cameras sa mga gadget ni Sir Chris tyaka Ma'am Maice. Sila lang ang may total access dun. Eto kasing si Sir Chris parang mahilig sa computer ba. Minsan nagiging blue lang yung screen ng computer tapos kung ano na pinagtataype niyang number at letters. Kakaiba. Minsan matatawa siya. Minsan maiinis. Ewan ko ba dito. Drug addict ata.
Nakita ko sa isang video na papunta yung nakamaskarang anino sa kusina.

"Halaaa!!! Yung anino!" Bigla sigaw ko na sinuklian lang ng tawa ni Sir.

Papunta na sa refrigerator yung anino! Kakainin niya yung laman ng ref!

Nanlaki ang mata ko at hapit na hapit ang hawak ko sa pagkaing dala ko. Para mas nanlaki ang mata ko noong tanggalin ng anino yung maskara niya.

"Si Ms. Lacie ang anino!" Bigla ko nanamang sigaw. Napatingin naman ako kay Sir Chris kung anong magiging reaksyon niya pero kasalungat ng akin ang sakanya.

"I know. And she's totally gorgeous."

Naks! Kinilig ako para kay Ms. Lacie.

"She's not really a shadow. We're actually on an operasyon right now and she just finished her part. And I'm almost done too. See?" Muli niyang pinakita ang tablet niya na may nagdodownload.

May nakasulat ditong letra.

EL TRITON

Ano kaya yun?

"Maybe not today but you'll understand soon. Okey? Just remember, everything we do is for Maice. And that's what is important."

Grabe yung pagsupporta nila kay Ma'am Maice.

"Serinna, could you please get me something sweet and cold right now. I really need it."

"Halaa! Oo nga pala!" Bigla akong napasigaw ng maalala ko yung inutos sakin ni Ma'am Maice.

"Sige Sir. Kita na lang tayo sa baba." At kumaripas na ako ng takbo pabalik sa kwarto.

------------------*

A.N:
Edited. Pinakamahabang update. Ano kaya yung dalang pagkain ni Serinna? :))

Fins And FeetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon