Chapter 14: Three years incident

100 25 12
                                    

Serenna's POV

Bang! Bang!*

Isang malakas na putok ng baril ang narinig ko. Andito ako sa kusina ngayon at nakikipaglaban?

Hmmm. Para lang kasi akong naglalaro. Nakakaenjoy kasi etong ginagawa ko. Pinahiram sakin ni Ms. Lacie yung black na NERF AT2k  or Air Tech 2000 niya. Isang armalite na imbis styro ang bala pinalitan nila ng solid na hallow blocks.

Well, technically, syempre masakit siya pagnatamaan ka. Pero hindi naman sobrang grabe. Sapat lamang para magkaroon ng pasa at ilang galos din. Kung siguro ay asintado at may alam ako sa mga pressure points baka napahimatay ko na sila. Meron kasi design ang bawat bala. May flat lang, may patusok may maraming patusok at may bilog yung dulo. Andami kasing mga bala na nakahanda dito. Nasa isang Cartridge holder ito na may 60 rounds. Customized din ata to.

Sila rin naman binabaril at tinatapunan ako ng kutsilyo eh. Pero nakabullet proof naman ang mga salamin at bintana dito kaya safe kung safe at enjoy pa!

Nakakatuwa kasi para lang akong naglalaro ng video games. Yung time crisis? Baril dito. Baril diyan. Lipat dito. Lipat sa kabila. At gumugulong din ako minsan. Nakakatuwa talaga.

Tyaka wala namang dugo.
Noong sinasanay kasi ako ni Ma'am Maice para umasinta, inamin ko sakanya na ayoko ng may taong namamatay o makakita ng dugo.

Kahit sino naman ata diba?

Bulag lang sa galit at inggit ang taong gustong pumatay. Pero kahit nga inggit ka, hindi naman siguro ganun magiging despirado ang kung sino para kunin ang buhay ng iba diba?

Kaya naniniwala ako na may kabutihan parin dun sa Zai na kinukwento nila Ms. Lacie sakin. Tyaka kung inggit lang siya. Bat kailangan pa niyang kunin ang dugo ni Ma'am Maice?

Ang kwento kasi sakin ni Ms. Lacie ay may taglay na kakaibang lakas ang dugo ni Ma'am Maice, dahil nung sinumpa siya ng isang lamang dagat, pinatamaan siya ng napakadaming kidlat.

"At that moment, dumilim ang kalangitan na akala mo'y may nagbabadyang bagyo. Ang buong karagatan ay napuno ng pagkulog. Pinapabalik na noon si Maice, but her head is harder than rocks when it comes to surfing. She is such a pain in the ass. Pasaway. She keeps on insisting na hindi pa daw dumadating ang along hinihintay niya."

"Until out if nowhere biglang may tumamang kidlat sakanya. Kumalat ito sa buong karagatan at wala ni isa samin ang makalapit dito. Everyone dared but a simple drop of water feels like thousand of lightnings. Pano pa kaya ang nararamdaman niya? Seven freaking lightnings struck her. And when the last of it finally touch her body, everything vanish as if walang nangyari."

Hinanap daw nila si Ma'am Maice ng halos tatlong araw. Nihindi nga daw natulog si sir Kean mahanap lang siya. Agad namang pumunta din ang magulang nila maam Maice. Dahil parehas namang silang pro surfer dati tumulong sila sa paghahanap. Lumipas ang isang linggo, hanggang umabot ng buwan. Pasuko na ang lahat nun sabi ni Ms. Lacie. At nakikita ko ang lungkot sa mata niya habang kinukwento ito.

"We where on hawaii that time. Everyone was losing their faith and you know what happen? Tumawag yung lolo ni Maice. And the ironic part was andito na pala siya sa pinagmulan ng passion niya. Can you imagine that? Ibinalik siya dito ng mga alon sa Monte Labra. At there own seashore. Nauna na pala siyang umuwi samin. Hindi man niya lang kami sinabihan."

Masaya daw ang lahat sa balita at halos buong surfing team ni Ma'am Maice ay pinuntahan siya dun.

"We are all happy to know that she is alive and breathing, but it breaks our heart to see that her limbs, he-her feet have change. Lapnos na lapnos na ang balat niya. At halos nagkalagas lagas na ang laman niya. I honestly throw up when I first saw it. But it breaks my heart more if iisipin ko kung anong mararamdaman niya after niyang makarecover. Pagnakita na niya yung kalagayan niya. Pagnalaman na niyang she can't surf anymore."

At hindi na daw alam ni Ms. Lacie ang mga sumunod na nangyari. Halos taon din ang binilang bago magising si Ma'am Maice at nung nagising naman siya. Halos wala na ang buhay niya. Ang passion niya.

Ilang araw din siyang nalumpo at hindi makalakad dahil sa panghihina ng binti niya. Ikinuwento pa sakin na minsan pa daw ay ginapang ni Ma'am Maice ang sarili makapunta lang ng dagat.

Kaya nung narinig ko yung putok ng baril na yun, kinabahan ako. Wala namang mamamatay diba? Kasi, wala namang dapat mamatay.

Fins And FeetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon