Chapter 11: Glitch Fixed

97 22 22
                                    

Maice's POV

'Shit! The system is failing!'

'What are we going to do? We can't afford to wake her up yet!'

'Chris! Put the code! Now!'

'It will be too early dude! System might jump too much!'

'I don't fucking care! She can't wake up yet! Not yet!'

**

"Ahhhhhhhh!"

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko kasabay ng biglaang pagbangon. Pawis na pawis ang buong katawan ko.

Anong nangyari? Ano yung mga boses na yun? Asan ba ako?

Agad namang rumihistro sa utak ko ang nangyari kay Kean at Lacie.

Shet! Oo nga pala!

Agad kong inilibot ang tingin ko sa palagid. Bagamat may kadiliman at hindi ko maaninag ang kabuoan ng lugar ay alam kong andito ako sa kwarto ko ngayon dahil sa kamang hinihigaan ko. Nakaengrave ang pangalan ko sa header ng kama at andito din ang mga pangunahin kong gamit sa kama at studied table na kalapit lamang. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Panaginip.

Isa nanamang masamang panaginip. Pero hindi ito katulad ng mga nakaraan kung saan nakakakita ako ng imahe ng bahay at ang mga normal kong paa. Sa panaginip kong iyon ay nahiwa ng itak si Lacie na pinangasinta ko sakanya. Pero ni-isang patak ng dugo wala. Kahit sugat wala. Tanging paglusot lamang ng itak sa katawan niya ang naganap. At ang katawan niya ay parang nagfliflicker. Parang katulad ng mata ni Kean noong nasa pangpang kami.

Hindi. Hindi. Mali. Hindi totoo yun. Panaginip lang yun. Kalma ka lang Maice.

Tama. Isang masamang panaginip.

Muli kong nilibot ang paningin ko ng may maaninag akong liwanag sa bintana habang pinapasayaw ng hangin ang mga kurtina. Bumungad ang liwanag ng buwan sa akin na akala mo'y payapang nangungusap. Sa liwanag ng buwan ay nakakasigurado akong nagising ako ng madaling araw.

"Haaay. Ano ba Maice? Baliw ka na talaga." bulong ko sasarili. Pero bakit may parang kung anong nagsasabi sakin na totoong nangyari yun. Na hindi ako dapat maniwala sa payapang kwarto kong ito.

Biglang tumindig ang balahibo ko mula ulo hanggang paa. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam. Tawagin ko kaya si Serinna.

Iginala ko ang mga mata ko para hanapin ang bell na pinantatawag ko kay Serinna. Maliwanag man ang buwan ngunit madilim parin ang kwarto ko.

Hindi ko maaninag kung asan yung bell. Takte naman oh. Tawagan ko na lang siya. Tama. Tawagan ko na lang.

'Nasan na ba yung phone ko?'

Sunod kong ikinapa ang kamay ko sa kama para hanapin ang cellphone ko. Mabuti na lang at nandito lang to sa ilalim ng unan.

Zzzzztt*

Fins And FeetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon