PROPOSAL 5

78 4 0
                                    



Mendoza Siblings

"READY ka na?" Tanong ni Oddette. Tinulungan niya akong empakihin lahat ng gamit ko. Hindi ko na dinala ang mga gamit pangkusina at salas, iiwan ko na ang mga iyon kay Oddette. Tanging mga importanteng gamit ko at ni Bruce ang isinilid ko sa dalawang malaking maleta. Talagang napagastos pa ako ng wala sa oras.

Naghanap ako ng mumurahing maleta pero malaki naman. Sulit ang pag iikot namin sa tiangge-an dahil nakahanap naman kami.

Isinara ko ang zipper ng maleta at hinarapa siya. Binigyan ko siya ng pilit na ngiti.

"Ready na." Sambit ko sa mahinang boses. Hindi ako makaramdam ng excitement. Tila ngayon ko narealize na mali ang naging desisyon ko. Pero may parte pa rin sa'kin na nagsasabing tama ang naging desisyon ko. Hindi na ako mag aalala sa kapatid ko.

I am married now, even without the holy ceremony, even without knowing who my groom is. Tila may bahagi sa akin ang gustong umatras, tawagan si Zeus at huwag ng ihatid sa city hall ang marriage certificate na pinirmahan ko. Pero sa tuwing naiisip ko ang pag atras. Naghuhumiyaw sa utak ko ang pangalan ng kapatid ko. And then, all my doubts fade away in an instant.

My brother needs to get healed. He needs the operation. He needs a new heart. Ayuko naman ikulong ang kapatid ko. Gusto ko ring maranasan niya ang mamuhay ng normal, makabalik sa pag aaral, makalabas at makapamasyal ng walang inaalalang anuman.

Napipigilan ang bagay na gusto niyang gawin dahil sa sakit niya. And now, Zeus proposal was a chance for him to reach his dreams. To live normally just like the others.

Hila hila ang dalawang maleta magkasunod kaming lumabas ni Oddette ng kwarto ko. Agad sumalubong sa akin ang lalaking medyo may katangkaran at katandaan.

He's manong Victorino. Siya ang family driver ng magkakapatid na Mendoza. Zeus isn't the eldest. He's the fifth among the seven of the Mendoza siblings.

Zahir followed; the doctor. Meron pang iba. And Zeus told me that I'm going to meet them soon. Especially.....my husband.

Zeus informed be about my husband. He's one of the siblings kaso hindi siya nagbigay ng pangalan. He will introduce me to my husband kapag nakalipat na ako ng bahay. And he's hoping that whatever I might see, I will accept him.

Na siyang kinapagtataka ko.

"Mag iingat ka roon. Tawagan mo agad ako kapag nakarating ka na roon." Tumango ako sa naging bilin niya. Kapansin pansin ang pagtaas ng leeg ng mga kapit-bahay namin ng makalabas kami ng boarding house kung saan kami ni Bruce nakatira.

"Oo tatawagan kita." Ngumiti ako sa kanya. Kahit pa halos lunurin ako sa sobrang kaba nagawa ko pa ring pakalmahin ang tinig ko. Ayukong isipin niya na natatakot ako. I should face this, I should face my unknown husband. Alang alang kay Bruce.

Tuluyan akong nagpaalam kay Oddette. Sumakay ako sa itim na van. Manong Victorino entered the drivers seat and started the engine.

Buong byahe wala kaming imik ni manong Vic. Ni hindi ko magawang magtanong ng mga bagay bagay na gusto kong malaman tungkol sa magkakapatid. Marami akong gustong alamin sa magkakapatid. They are all mysterious. Out of the blue Zeus showed up out of nowhere and offered me a drink and a food. Hinatid pa niya ako sa ospital ng isugod si Bruce.

Nakapagtataka lang. Tila alam na alam niya ang galaw ko.

How did he even know that I was hungry that time he showed up and offered me a food?

Did he stalk me?

-

Umabot ng apat na oras ang byahe Matinding traffic ang siyang naging dahilan ng pagkakatagal ng byahe.

"Nandito na po tayo, Maam." Sambit ni Manong na siyang dahilan ng pagbalik ng isip ko sa kasalukuyan.

Agad akong napatingin sa labas ng van. Napanganga ako sa malaking bahay na nakatambad sa harapan ko. Ilang beses pa akong napalunok habang nakatingala. Tatlo o apat na beses yata ito sa bahay namin noon.

Bumukas ang pinto ng van kaya bumaba na ako. Nanatili sa malaking bahay ang tingin ko kahit na naibaba na ni manong Vic ang mga maletang dala ko.

Sobrang laki ng bahay, sobrang lawak ng garahe. May pitong sasakyang nakahelira at iba't ibang kulay. Lahat ng iyon ay nagsusumigaw ang kamahalan. A buggati, a sports car, a roll royce, a mustang, ashton martini at iba pang hindi ko na kilalang brand ng kotse.

The whole atmosphere was screaming how wealthy are the Mendoza's.

Bumukas ang malaking pinto ng bahay at lumabas ang tatlong lalaki. Lahat sila nakangiti, maaliwalas ang mukha habang naglalakd patungo sa kinatatayuan ko. Napako ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang tatlong lalaki.

Gwapo sa malayuan, pero mas naghuhumiyaw sa malapitan. Walang maiipipintas sa kanila. Mga taong biniyayaan ng kagwapuhan at yaman.

"Welcome to the family." Saad ng lalaking may matalim na kilay.
"I'm Zyphyre, the youngest." Napaigtad ako ng bigla na lamang niya akong yakapin.

"I'm Zander the second among the seven." He expand his hand, ang akala ko'y makikipag kamay siya pero ng abutin ko para sa sa inaakala kong pagsagot sa shake hands ay bigla na lamang niya akong kinabig at niyakap.

O—okay? Bakit kailangan may yakap?

Napatulala na lamang ako. Pilit kong isiniksik sa utak ko ang nangyari. Ilang beses din aking napakurap. Gulat na gulat sa biglaan nilang pagyakap.

"I'm Zeke. And I don't want to hug you. I don't wanna die early." Sambit ng lalaking maputi. Well, lahat sila maputi. This one has small stubles. "Ako ang pangatlo sa magkakapatid." He smirk and offered his hand, which I accepted. Nakahinga ako ng maluwag ng hanggang shake hands lang ang ginawa niya.

Narinig ko ang pagmumura ni Zypher at Zander. At sabay pa silang napakamot sa ulo.

Muli akong tumingala sa bahay, nahagip ng tingin ko ang bulto ng tao sa isang kwarto, pero hindi ko makita ang mukha. It looks like he's hiding. Agad kasi siyang umalis sa bintana.

"Come on, your husband is waiting." Sambit ni Zander. Inutusan nila si manong Vic na dalhin ang mga maleta ko sa magiging kwarto ko na agad sinunod ng huli.

-

Kung maganda ang labas ng bahay mas lalo kang mamangha sa ganda ng loob. The luxury interior is shouting. The sofa set, the chandeliers, the figurine are all looks expensive.

Sandali akong iniwan nina Zander dito sa sala ng bahay nila. Ito ang visitors area nila, iba pa ang mismong sala kung saan sila nagpapahinga at nanonood ng tv.

I look around, still looking at the things inside. Sobrang nakakamangha. Hindi ko lubos akalain na makakakilala ako ng ganito kayamang mga tao.

Lumapit ako sa bintana, and the huge swimming pool welcomed my eyesight. May babaeng nakaunipormeng katulong ang naglilinis sa tubig ng pool.

Napatingin ako sa likod ko ng bigla na lamang may tumkhim. It was Zahir and Zeus, Zypher, Zander, Zeke, at hindi ko kilala ang isa.

"Zafer is my name. I'm the fourth." He said and smiled.

Okay, sa pagkakaalam ko pito dilang magkakapatid. Kulang pa sila ng isa.

The eldest is not here.

"Your tired. You should take a rest." It was Zeus who spoke. Nakilala ko na ang anim na magkakapatid. "But before that. I want you to meet your husband." Umalis si Zeus, ilang saglit lang ay agad siyang bumalik pero..may tulak tulak siyang wheelchair.

Nakaupo doon ang isang lalaki. Hindi malayo ang pagkakahawig sa iba pa. Pero...

Kalahati ng mukha niya ay may peklat.

He awkwardly smiled.

"H—hi."

-

HIS PROPOSAL [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon