Picture
When things become complicated. Hindi talaga naalis sa isip natin ang magtanong. Nagtanong sa mga bagay bagay na nangyayari sa buhay natin ngayon.
My life was at risk even before I accepted Zeus proposal and married his brother. Noong panahon na buhay pa sina Mama at Papa. Palagi kaming nakakatanggap ng death threat. Palaging may sumusunod sa akin kahit bantay sarado ako ng mga guards na hi-nayr ni Papa.
But all those things have reason and all those reason I accepted.
Lumaki ako na itinuturo ni Papa ang tungkol sa mga cases, R.A'S, kaya hindi ko maiwasan na hangaan siya.
But all those I memories become blur.
Sa mga nangyayari ngayon hindi ko na alam kung may sagot pa ba lahat ng katanungan ko. Gulong gulo na ako. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin.
Lumalalim na ang gabi pero nanatiling aktibo ang diwa ko. Gusto kong alamin lahat pero natatakot akong baka hindi ko kayanin ang mga katotohanan.
Malalim na ang tulog na Zach. Nang sinundan ko siya ng pagpasok ay hindi niya ako pinansin. Tila nagkaroon bigla ng wall sa pagitan naming dalawa.
Biglang sumagi sa isip ko ang senador.
Napabuntong hininga ako. Bakit ngayon pa nangyayari ang mga ito.
Bakit kung kelan okay na ang lahat saka sila magpapakita.Siya, si Lolo.
Bakit ngayon? Bakit hindi noon kung kelan ko sila kailangan?
-
LUMABAS ako ng silid. Hindi ko talaga magawang makatulog. Ni ang makaramdam ng antok ay di ko maramdaman.
Mag isa kong binaybay ang madilim na hallway patungo'ng ibaba. Gusto kong uminom ng tubig. Parang biglaang natuyo ang lalamunan ko kaya nagpasya akong iinom sana ng tubig.
Pero sa gitna ng pasilyo naagaw ang atensyon ko sa isang silid na bahagyang nakabukas. Medyo maliwanag ito.
Napalingon ako sa harap at likod. Tahimik at walang katao tao kaya nagpasya akong lumapit sa kwartong iyon. Kung hindi ako nagkakamali library ito ng magkakapatid. Dito rin madalas na naglalagi si Zach. Kahit kasi noong hindi pa siya nakakalakad madalas siya rito para i-monitor ang nangyayari sa kompanya nila.
May mga iilang papeles siyang pinipirmahan, sinasagot ang mga email na natatanggap niya.
Umikot ang tingin ko sa kabuuan ng library, baka nakalimutan ni Manang na patayin ang ilaw ng library.
Dahil hindi ako makaramdam ng antok. Nagdesisyon akong manatili muna sa loob. Umupo ako sa swivel chair kaharap ang lamesa.
Hindi ko naman ugali ang makialam ng gamit pero hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin ngayon.
Binuksan ko ang mga drawer ng lamesa mula sa pinakataas hanggang sa pinaka ibaba.
Nang nasa pinakababa na ang buksan ko. Isang picture frame ang nakita ko. Nakatalikod ito kaya hindi ko nakita ang larawan na nakapaskil doon.
Nang kunin ko ito't tingnan, natulos ako sa kinauupuan ko.
Ito ba ang dahilan kung bakit noong hindi pa siya nakakalakad ay lagi siya rito sa library. Dahil ba sa larawan na ito?
-
Para akong nauupos na kandila ng bumalik sa silid namin ni Zach. Mahimbing pa rin ang tulog niya. Hindi na akong nag abalang gisingin siya para itanong ang tungkol doon sa picture frame.
Pinilit kong matulog pero hindi pa rin ako makatulog. Hanggang sa sumapit ang alas singko ng umaga hindi ako nakatulog. Nanatiling mahimbing ang tulog ni Zach kaya nagbihis ako bago lumabas ng silid.
May nabuong ideya sa utak ko matapks kong makita ang picture frame na iyon. Hindi ako sigurado sa magiging resulta pero kailangan kong subukan.
My mind is in great chaos, marami akong tanong at gusto ng kasagutan.
Alam ko naman na lahat ng nangyayari ngayon ay may dahilan.
Tahimik pa ang buong bahay. Wala pang gising maging ang mayordoma na si Aling Rodora. Ang driver ay hindi pa gising.
Deretso kong tinungo ang gate ng mansion at nakahinga ako ng maluwag ng wala ang gwardiyang nagbabantay doon.
Saktong nakalabas ako ng gate ay may taxi na padaan. Agad ko itong pinara.
"Pakihatid po ako sa bahay ni Senator Franco Mercadejas."
___________
"Maam, hindi po kayo pwede rito."
"G-gusto ko lang po makausap ang sanador." Sambit ko sa gwardiyang nakaitim na siyang bantay ng gate.
Maliwanag na dahil tuluyan ng umakyat ang araw. Kulang na lang lumuhod ako sa harapan ng lalaking ito para lang hayaan akong makapasok.
Napagdesisyonan kong isa isahing hanapan ng sagot ang mga katanungan na nasa utak ko. Ihuhuli ko 'yung picture frame na nakita ko sa library ni Zach.
May pumitik na ideya sa utak ko.
"Please po, gusto ko lang pong makausap ang Papa ko."
Nakita ko ang pagdaan ng gukat sa mukha ng bodyguard ni Senator. Hindi ko alam kung makukumbinsi ko siya. Pero laling tuwa ko ng tumingin siya sa kaliwa't kanan.
"Hindi ka dapat nandito." Saad niya pero hinawakan niya ako sa braso. "Masyado kang padalos dalos." Dugtong niya pa at tuluyan akong hinila papasok sa loob ng gate.
Bumungad sa akin ang malawak na lawn ng mansion ng senador. May iilang magagarang sasakyan, may fountain din sa pinakagitna kagaya ng kela Zach.
Nang maalala ang asawa ko'y bigla akong nanlumo. Yung picture frame.
Dalawang bodyguard ang nag escort sa akin papasok ng bahay ng senador. Deretso ang pagpasok ni hindi man lang kumatok.
Dinala nila ako hanggang sa makarating kami sa isang library.
Walang alinlangan na binuksan ng isang bodyguard ang pinto at bahagya akong tinulak papasok.
Tiningnan ko ang kabuuan ng library, malaki, malawak at maaliwalas.Sa malaking bintana ay nandoon si Sendor nakatingin sa labas. Nang lingunin niya ang gawi ko'y nagulat siya pero agad din namang nakabawi.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Wala bang sumusunod sa'yo?" Sunod sunod niyang tanong. Lumapit siya sa kanyang lamesa.
"Ano pong ibig niyong sabihin na sumusunod?" Lakas loob kong tanong. Ipinagpasalamat kong hindi ko nagawang mautal.
"Never mind." He said. His expression suddenly become stoic. "Ano'ng kailangan mo?"
"May gusto lang akong itanong." Huminga ako ng malalim.
"Spill it then. I don't have time for you." Para akong sinaksak sa sinabi niyang iyon. Siya nga kaya ang Papa ko? At hindi si Damian Apacible? Bumabaa ang tingin niya sa papeles na hawak niya.
"K-kayo po ba ang totoo kong Papa?"
He stilled. Parang biglang nagslow motion ang pag angat niya ng tingin sa akin. Halo halo ang mga emosyon na nakikita ko sa mga mata niya.
Pag aalala, pag aasam, pagmamahal at awa.
"Ang daming naglalarong tanong sa utak ko at kaunting pitik na lang mababaliw na ako. Please sagutin niyo naman po ang tanong ko." Hindi ko na napigilan ang pag alpas ng luha ko.
"K-kayo po ba ang Papa ko?" I repeated.
Hindi siya agad sumagot. Tiningnan niya lang ako ng maigi.
He sigh and suddenly he turned the picture frame on his table. And I was dumbfounded after seeing the picture on it.
Tuluyan na akong napaiyak ng makita ko ang larawan.
-
BINABASA MO ANG
HIS PROPOSAL [ON-HOLD]
RomanceMalaki ang utang na loob ni Zai sa magkakapatid Mendoza dahil sa pagtulong ng mga ito sa kanya. The Mendoza's shouldered the expenses for her brother's heart operation in exchange of her marrying the eldest named Zacharius. Pero may problema. Her so...