PROPOSAL 13

67 4 2
                                    

Little Girl

Nabulabog ang umaga naming lahat ng bigla na lamang kaming ginising ng mayordoma. Isa isa niyang kinatok ang pintuan ng kwarto namin.

Just to give us a news that....

There's a child, outside the house. Crying while calling her mother.

Yes, her.

Batang babae. Halos magkandaugaga kaming dalawa ni Zacharius dahil sa biglaang balita ng Mayordoma. Muntik pa siyang mahulog sa kama mabuti na lang at naging maagap ako. At hindi natuloy. Muntik pa akong matawa dahil sa inis na bumalatay sa mukha ni Zach.

Frowning at the scene we all witness. Lahat kami nasa labas. Nakatingin sa batang babae na sa tingin ko'y mga nasa anim na taon na ang edad.

Huling lumabas si Zeke. Halata ang bagong gising na itsura, magulo pa ang buhok.

He stop when he realize that we are all looking at him.

"Bakit?"

Naguguluhan niyang tanong. Bigla na namang umiyak ang bata. Mas malakas na siyang mas napangiwi sa amin.

"B—bakit may Bata? Kaninong anak 'yan?"

Pare pareho kaming nagkibit balikat.

"Kanina pa po 'yan sir. Nasa labas po ng gate. Hindi ko po alam kung sino ang nag iwan sa kanya. Tinatawag niya po ang Mama niya."

Sambit ni Manang Rodora.

Tiningnan ko ng maigi ang bata. She somehow looks like.....

"Kamukha mo siya, Zeke." I pointed at the kid.

Sabay sabay silang napalingon sa bata.

"You think so?" Tanong ni Zacharius na nakakunot ang noo. Agad akong tumango bilang sagot.

"Female version ni Zeke. Kuhang kuha niya yung masungit na kilay ni Zeke." Dagdag ko pa.

"Tama si Ate Zai." Sambit ni Zypher. Nilapitan niya ang bata. "Hi, ano'ng pangalan mo?" He kneel down to level himself with the kid.

"Zeira." She answered in between her sobs.

Napalingon ako kay Zeke. He's facial expression change. Ang kaninang nagtataka niyang mukha ay nagbago.

"Zeira.." he whisper.

Mukhang kilala niya yung bata. Maybe the name ring a bell?

"Nasaan na 'yung Mama mo?" Tanong ulit ni Zypher.

"Hindi ko po alam. Wala na po kasi kaming bahay. Kinuha po nung mga lalaki. Iniwan niya po ako rito sabi niya babalikan niya ako pero hindi naman." Muling umiyak ang bata. I somehow feel pity to her.

Nagkatinginan kami ni Zacharius. Mukhang pareho kami ng naiisip.

"Ang bad ng mama mo." Nakangusong saad ni Zypher.

"Baka may dahilan siya? Huwag nating husgahan agad." Sambit ko. There's no way we could judge a person without even knowing his or her story.

"But why would she left her here?" Tanong ni Zander. Kunot ang noo habang nakapamulsa.

"Maybe she's having a hard time? Ayon sa bata wala na silang bahay. Maybe she's looking for some place to stay for them." Si Zacharius ang sumagot. Sumang ayon ako sa sinabi niya.

"Gutom ka na ba? Gusto mong kumain?" Tanong ni Zypher. 

Tumango ang bata. "Kanina pa po ako nagugutom. Isang beses sa isang araw lang po kami kumakain ni Mama." Kagat labi na tugon ng bata.

Zeke still unspoken. Wala yatang masabi. Mariin ang titig niya sa batang si Ziera.

"Pwedeng malaman ang pangalan ng Mama mo?" Tanong ni Zeke.

"Kiera po." Inosente niyang sagot.

Tila may pumitik sa utak ni Zeke at agad na tumakbo pabalik sa loob ng bahay. "Hindi pa 'yun nakakalayo!" Sigaw niya.

Napatingin ako kay Zacharius. Baka kilala rin nila si Kiera?

"Kiera Sanders is Zeke's wife." Saad niya. Ni hindi ko pa naitatanong ang gusto kong itanong.

Napatango ako ng wala sa oras. Kinuha ni Zypher ang kamay ng bata at iginiya ito sa pintong pinasukan ni Zeke.

-

MAGILIW siyang kumakain. Hindi alintana ang mga taong nakatingin sa kanya. Zypher keep on putting hams and hotdogs on her plate. While she excitedly eat those. Mukhang gutom na gutom nga siya.

She looks pale, her complexion is not fair, payat rin ang maliit na katawan. Medyo maputla ang pagiging puti niya, her hair was a bit messy. May nakasuot na bracelet na mukhang handmade. Her clothes are untidy. Naawa ako sa kanya. Ano kaya ang napagdaanan nilang mag ina.

"Zai."

Kunot noo akong napalingon kay Zacharius. Wala ng laman ang plato niya. Hindi ko napansin. Masyadong inukupa ng bata ang atensyon ko.

"What are you thinking?" He ask curiosly.

Bumuntong hininga ako.

"Wala. Pinag aralan ko lang ang itsura nung bata." He nodded as if he was convince with my reason.

"I thought you like kids." He murmured, it supposed to be a whisper but I heard it.

"Gusto ko nga. Malaki na si Bruce wala akong kagigiliwan." Nakangiti kong tugon. Itinuloy ko na ang pagkain.

Nagulat ako ng bigla na lamang lumapit sa akin si Zacharius at bumulong. Para akong natulos sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at ukopado ang atensyon ng mga kapatid niya roon sa bata.

"Edi, gumawa tayo ng bata." Tiningnan ko siya. Bumalik na siya sa dati niyang pwesto na para bang walang sinabing nakakagulat. He joined the conversation with his brothers and the kid.

Uminit ang pisngi ko ng mapagtanto ang sinabi niya.

"Edi, gumawa tayo ng bata."

Parang natuyot yung lalamunan ko. Gumawa? Pwede naman diba? Walang masama roon? We were husband and wife right?

An erotic scene flashed in my head. Agad akong umiling para maalis ang senaryong nabuo sa utak ko.

Biglang pumasok si Zeke sa dining kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Nakabihis na siya at handa ng umalis.

"Kuya, aalis muna ako. Hahanapin ko si Kiera." Sambit niya.

Zacharius nod his head. "Take her back. Her daughter needs her." Tumango si Zeke bilang sagot.

Biglang bumaba si Ziera sa kinauupuan niya. Zypher assisted her. Lumapit ito kay Zeke at tumingala.

"Hahanapin niyo po si Mama ko?" Inosente nitong tanong.
Lumuhod si Zeke sa harap ng bata para magkapantay sila.

"Hahanapin ko si Mama mo. May utang siya na dapat bayaran." Ngumiti si Zeke. Hindi ko mapunto yung klase ng pagkislap ng mga mata niya habang nakatingin doon sa bata.

"Utang? May utang po si Mama ko sa'yo?"

Zeke nodded.

"Pero ibabalik niyo po, Mama ko?"

Tango na naman ang isinagot niya.

"Iuuwi ko si Mama mo. Pero matatagalan kami. Basta dumito ka lang. Hintayin mo kami, Okay?"

Magiliw na tumango ang bata.

Zypher called Ziera para tapusin na nito ang pagkain na agad namang sinunod ng bata.

Tuluyan ng nagpaalam si Zeke sa amin. Hinabilin niya ang bata sa mayordoma dahil alam niyang aalis ang mga kapatid niya.

Habang ako at si Zacharius ay may session kasama ang therapist niya.
Hindi namin siya mababantayan.

Matapos ang pagkain, muli kong dinala si Zacharius sa silid namin. Kailangan na niyang mapaliguan bago dumating ang therapist.

-

HIS PROPOSAL [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon