Dinner in Bed
Night came and he's still sleeping. Mukhang napagod yata sa ginawang session kaninang umaga. Tumayo ako at pinatay ang tv bago ako lumabas ng kwarto.
Pumunta ako sa kusina. Saktong sakto na nandoon na si manang Rodora at nagluluto.
"Kakain ka na ba, Maam? Ipaghahanda kita." Agad na kumilos ang ginang para ipaghain ako pero agad ko siyang pinigilan.
"Huwag na po. Ako na po ang maghahain. Doon na lang po ako sa silid kakain kasama si Zach."
Ngumiti ng matamis ang ginang at tumango.
"O sha, ikaw ang bahala."
Muli siyang bumalik sa ginagawa. Ako nama'y naghain na ng pagkain at ulam.
Dalawang plato ng kanin, isang mangkok ng sabaw, ulam, tubig at pitsel."Kailangan mo ng tulong?"
Napatingin ako sa nagsalita. Si Zafer.
"Yata? Dadalhin ko sa kwarto."
Tumango siya at lumapit sa akin. Kinuha niya ang tray na may lamang kanin at ulam. Tapos ako ang nagdala ng tray na may pitsel ng tubig at dalawang baso, pati na kubyertos.
Magkasunod naming tinungo ang kwarto namin ni Zach.
Binuksan ni Zafer ang kwarto ng marating namin. Gising na si Zacharius ng dumating kami.
"Special delivery." Makahulugang ngumiti si Zafer sa kapatid. Zach throw some deadly glares before Zafer storm out of the room with a smile.
Napailing na lang ako. Inayus ko ang maliit na mesa at ipinatong iyon sa kama. Specifically malapit kay Zach. Pagkatapos inilagay ko ang mangkok na may lamang sinigang at ang kanin niya pati na rin ang kubyertos at ang basong may lamang tubig.
Muli akong umayos ng tayo matapos kong maayus ang pagkain sa harap niya. Kinuha ko ang isang tray at inilagay sa center table. Doon ko balak kumain dahil alam kong ayaw niya akong makasabay.
"Where are you going?" Kunot noong tanong niya.
"Ah k—kakain? Doon na lang ako malayu sa'yo. Tawagin mo na lang ako 'pag tapos ka na." Hindi siya kumibo. Tiningnan niya lang ako ng maigi.
He sigh. "Come on, eat with me." He tap the vacant part of the bed. Medyu may kalaparan naman yung mesa niya. Kakasya pa roon ang plato ko at mangkok.
"Baka mailang ka sa'kin." Sambit ko.
He shook his head. He again tap the vacant part of the bed. Wala na akong nagawa, ayukong mauwi kami sa away dahil lang dito. Masyadong mababaw.
Kinuha ko ang pagkain ko at inilapag sa maliit na mesa na nasa harap niya.
We started to eat. Pareho kaming tahimik at walang imik. Tuloy tuloy lang ang pagkain namin. Nasasanay na akong alagaan siya kahit ilang araw pa lang ako rito. Minsan nagtataka ako sa kanya. Kagaya ngayon, nag insist siyang sabay kaming kumain, tapos baka bukas ang cold na naman niya. Ganoon kasi ang inaakto niya lagi. Kaya dapat ko ng asahan iyon. Masasanay rin ako pagtagal.
Pareho lang naman naming ayaw na matali sa isa't isa. Wala akong choice, kailangan ko ng pera para maoperahan si Bruce. Kaya kapag tuluyan ng gumaling ang kapatid ko. Maghahanap ulit ako ng trabaho para bayaran lahat ng nagastos nila sa akin.
Kahit na alam kong imposible iyon, gusto ko pa ring gawin. Sa ganoong paraan ko lang naisip oras na matapos na ang operasyon.
-
"Ililigpit ko na 'to." Ani ko nang matapos kami sa pagkain. Walang imik na tumango si Zach at hinayaan akong ligpitin lahat ng pinagkainan namin.
Lumabas ako ng kwarto para ihatid ang tray. Kailangan kong makabalik agad dahil kailangan pa niyang uminom ng gamot. Saktong pagpasok ko ng kusina ng bigla na lamang dumating si Zahir. Kasama niya si Zeus at Zypher na nakasuot pa ng kanya kanyang uniform. Zahir was wearing a doctors coat, Zypher his school uniform and Zeus his business suit.
Lahat sila nakangiti. They all greeted me too which I responded back.
"Kumain na ba kayo?"
Zeus placed his suitcase at the top of the table. Padabog na umupo so Zypher samantalang naunang nagpaalam si Zahir dahil magbibihis muna siya bago kumain. Lumabas mula sa dirty kitchen ang mayordoma.
Inutusan niya ang ibang katulong na ihanda ang hapag para sa tatlong magkapatid na dumating.
"How's kuya?" It was Zypher who ask.
"Nasa taas tapos ng kumain."
"Thank you for taking good care of him."
Ani ni Zeus."Walang problema." Nginitian ko siya.
Naputol ang usapan namin ng dumating si Zahir kasama si Zach. Tulak tulak niya ang wheel chair ng kapatid.
"Gusto niyang bumaba." Kibit balikat na sambit ni Zahir kahit wala naman akong itinanong.
Tumango na lang ako at lumapit sa kabinet kung nasaan ang mga gamot niya. Kumuha ako ng isa, pagkatapos kumuha ako ng baso na may lamang tubig bago ko siya nilapitan at inabot ang gamot.
Deretso niya iyong tinanggap at ininom.
Nailagay na sa lamesa ang mga pagkain. Saktong dating nina Zeke, Zander at Zafer kaya sabay sabay na silang kumain.
"How's the company, Zander?"
Sandaling huminto sa pagkain si Zander. He look at his brother. "Ayus lang kuya. Zeus is helping me out about Mr. Navarro's case."
Tango ang isinagot ni Zacharius.
"And you little man? How's school?" Tumingin si Zypher sa kanya.
Zypher pouted his lips.
"Pinapahirapan ako ni Kuya Zafer." Sagot nito.
"Why?" Zacharius look at Zafer.
"Vandalism. Baliw iyang kumag na iyan. He vandaled my office!" He hissed.
Agad nakakuha ng batok si Zypher kina Zander at Zeke.
"Ilugar mo 'yang kakulitan mong bata ka, kundi ikukulong kita ng limang araw." Banta ni Zeke. Umingos lang si Zypher at magpatuloy na sa pagkain.
"You punish him?" Zacharius.
Tumango si Zafer.
"I made him clean the, girls cr." Walang gana nitong sagot.
"That's good. Stop spoiling him."
Sabay sabay silang tumango maliban kay Zypher na mukhang maiiyak na.
Bigla siyang tumayo at tumakbo palapit sa akin."Zai, ang bad nila. Binubully nila ako."
Niyakap niya ako patagilid.
"Bawas bawasan mo kasi 'yang kakulitan mo." Saad ko na siyang mas lalong ikinataas ng nguso niya.
Sabay sabay na tumikhim sina Zafer kaya kunot noong nabaling ang atensyon ko sa kanila.
"Hands off, Zyph." It was Zeus at tumingin kay Zacharius na madilim ang mukha. Mas lalo lang napuno ng tukso si Zypher pero pati si Zacharius tinutukso rin nila pero hindi ko ma gets kung bakit.
Mas lalong humigpit ang yakap ni Zypher sa akin.
"Ayuko. Si Zai, lang nakakintindi sa akin."
Mas lalo niyang hinigpit pa. Muntik pa akong maubusan ng hangin kundi lang nagsalita si Zacharius.
"Hands off, or I'll cut your arms? You choose better." His voice echoed. Maging sina Zeus ay natahimik.
Agad na nawala ang mga braso ni Zypher sa bewang ko. Tumikhim siya at naging seryuso sa mukha bumitaw siya ng pagyakap at tiningnan ako.
"You understand me Zai but, ayukong mawalan ng mga kamay." Aniya at bumalik sa pag upo, tinuloy ang pagkain na parang walang nangyari.
Curios about their reactions. Hindi ko mapunto kung bakit ganoon na lang sila katakot sa kuya nila.
"Come on. I want to sleep."
Tumango na lamang ako at saka tinungo ang likod niya para itulak ang wheelchair.
The siblings was uttering something pero hindi ko marinig masyado. Ano na naman kaya ang pinag usapan ng mga 'yun?
-
BINABASA MO ANG
HIS PROPOSAL [ON-HOLD]
RomanceMalaki ang utang na loob ni Zai sa magkakapatid Mendoza dahil sa pagtulong ng mga ito sa kanya. The Mendoza's shouldered the expenses for her brother's heart operation in exchange of her marrying the eldest named Zacharius. Pero may problema. Her so...